This is the first ever story I made. medyo mahaba kaya di ko nilagay sa una :p
=========================
“MY IMPERFECT HEART”
Ang tunay na pag-ibig, hindi mata kundi puso ang nakakakita.
Ako si Athena Zarina C. Vicente. My friends call me Aina. Mayroon akong kakaibang experience sa love. Experience na nagpatatag sa buong pagkatao ko. My story goes this way.
I took up the course Nursing. Hindi ko alam kung bakit pero parang may biglang bumulong sakin na pasukin ko ang larangan na ito. I was 19 when I had my OJT. Naassign ako sa isang sikat na ospital few kilometers from my house. Kasama ko sa ospital ang dalawa kong classmates na sina Lyn, close friend ko na super talino at si Arjake, isa sa mga lalaking classmates ko na super kaclose ko.
Actually, lagi nga kaming laman ng tuksuhan ng mga classmates naming dahil nga sa sobrang closeness naming pero para sakin naman, magkaibigan lang talaga kami. Walang hihigit pa dun.
“Goodmorning nurses. I’m Mrs. Laida Luna. I’m the person in charge with you. If there are needs and even problems regarding everything here in the hospital, you can consult me. Is that clear?” paliwnag ni Mrs. Laida
“Thank you so much Ma’am. By the way Ma’am I am Olyn and these are Aina and Arjake” sagot naman ni Lyn
Agad naman kami ngumiti sabay bow tanda ng paggalang.
Nagsimula na nga ang OJT. Nakakapagod ang unang linggo pero mabilis naman kaming nakapagadjust. Nakasink-in din kasi sa mga utak naming na ginagawa naming to para makagraduate. Naassign ako sa Third floor. Nung una, duwag na duwag talaga ko dahil sa mga naririnig kong kwento. Lalo pa kong tinatakot ni Arjake.
“May maririnig ka nalang bigla dung iyak ng nagdadalamhating matanda. Oh kaya iyak ng sanggol.Awoooooh!” Pananakot ni Arjake
“Sira ulo ka talaga!Tigilan mo ko ha!”Hiyaw ko
“Shhhh..ang ingay mo!baka magising pasyente ko!Saka napakaduwag mo naman. Eh sa suplada mong yan, multo pa matatakot sayo.Hahaha” Asar pa ni Arjake
“Ewan ko sayo!Hindi nakakatawa.” Sabay irap ko
Pumasok si Lyn.
“May mga bagong dating na pasyente. Aina, pumunta ka muna sa room 212 sa last floor. Turukan mo ng gamut ung patient ko dun. Eto lahat ng kailangan. Madami lang aqng iaassist sa ER. Arjake, come with me. Double tym tayo.Go go go!”Utos ni Lyn
Agad akong pumunta sa Third floor para gawin ang utos ni Lyn. Actually, Break time ko pa pero sa mga ganitong instances,Nagtatrabaho nadin kami if talagang urgent.
Pagtapat ko sa room 212, agad akong kumatok at at binuksan ang pinto ng nakangiti. Hindi pa ko nakakapasok ng di ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga tao sa loob. Boses ng isang babae at isang lalaki. Seryoso ang pinaguusapan.
“Ganun nalang ba un Audrey? Iiwan mo na ko dahil sa kalagayan ko?” sambit ng lalaki
“Gusto kong maging masaya Ivan. Alam ko namang iiwan mo lang din ako pagdating nang panahon” sagot ng babae na halatang umiiyak
“Akala ko ba mahal mo ko?Eh bakit kung kaylan kita kailangan,saka mo ko iiwanan. Audrey naman Please. Not now” Pagmamakaawa ng lalaki
“I’m sorry Ivan pero di ko kayang mahalin ka dahil alam ko namang iiwan mo lang ako. Masasaktan lang ako so ngayon palang, I need to leave you.” Iyak ng babae
Sa usapan, biglang pumasok isip ko ang isang pangyayaring sumugat sa puso ko.
“Wala na…Wala na kong nararamdamang saya Aina. Hindi na nagwowork out ang relasyon na to.” Naalala kong sinabi ni AR, ang ex boyfriend kong nangiwan sakin 2 years ago.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES COLLECTION :))
RomanceCollection of cute and sweet stories :)) -follow me on twitter @simlykamyl