Sabado na naman. Pero sa halip na magpahinga, heto ako gumising ng maaga. Magjojogging kasi ako eh! Actually, I’m not doing this to be physically fit but to see HIM. Tama! Sumisilay lang ako sa gwapong ka- SUBDIVISION ko.
Si JAIRUS!
Gwapo siya! As in gwapo talaga! Sumasali nga siya sa mga modeling sa malls eh! Iba talaga kasi ang karisma niya. Maraming nagkakandarapang babae kay JAIRUS! Pero suplado ang loko kaya alam na alam na alam kong wala siyang girlfriend. Kaya naman, heto ako..trying hard magpacute sa kanya. Magjojogging ako sa umaga kasabay ng oras ng pagjojogging niya.
Alam kong hindi ako kagandahan. Di ako yung babaeng matitipuhan niya. Bulok ang fashion ko. Yung tipong pants and shirt lang solve na. Di ako yung sexy type. Bubbly girl nga daw ang dating ko. Hindi ako nagha-high heels. NEVER! Doll shoes and rubber shoes will do. Lagi akong nakaeye glasses. Malabo na kasi ang mata ko. Takot naman akong magcontact lens. In short, I look like a NERD. Pathetic right?
“ALEXAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” sigaw ni mama
“Po?” sagot ko
“Tiklupin mo muna hinigaan mo bago ka magjogging. Iiwan mo nanaman sakin yang trabahong yan. Yan na nga lang gagawin mo…blah…blah…blah…” kakarinding sermon ni mama
Ako si Alexa Prettyn Jin D. Feliciano. Just call me Alexa. Ayaw ko kasing ginagamit yung second name ko: “PRETTYN”. Parang pretty lang noh? Eww!
Si Mama kasi eh, Asyumera! Kala niya ang ganda-ganda ng anak niya. Hiyang hiya tuloy akong gamitin yun. Hindi naman kasi ako maganda! Nasa average level lang. Echos!
5:45 am. Lumabas ako ng gate ng bahay namin. Sa una, lakad-lakad lang muna. Tanaw ko kasi yung gate ng bahay nina Jairus. Iniitay ko siya lumabas.
6:00…
6:10…
Aba!Hindi padin nalabas???
Baka hindi magjojogging?
Kainis naman oh! Sayang effort ko sa paggising nang napakaaga. Since nandito narin naman ako, Edi ituloy ko na. Inistretch ko ang legs and arms ko. Nagjog ako ng di umaalis sa pwesto. Nagjumping jack tapos ibinend ang tuhod.
Oppps… before I forget, In-ON ko ang aking iphone tapos sinuksok sa tenga ang earphones. Ready to jog na ko. Saka ako unti-unting umalis sa pwesto ko.
Sayang talaga. Ganitong oras dapat pabalik na ko sa gate namin at makakasalubong ko na siya! Kaso nga wala siya. Di tuloy ako motivated. Hayyyy. Madaming nagjojoging. May matanda, may bata, at may mga katulad kong teenager.
Napapagod na ko kaya I decided to take a rest sa ilalim ng puno sa dulo ng subdivision.
Wala pang masyadong bahay kaya kahit magsisigaw ka, walang makakarinig!
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa screen ng iphone ko. Ang cute-cute talaga ng wall paper ko.
STOLEN SHOT ni JAIRUS
“Bakit kasi ang gwapo-gwapo mo. Inlove tuloy ako sayo” sabi ko habang pinipitik-pitik pa ang screen ng iphone ko.
“Ang daya talaga ni Lord. Sana pinaganda niya ko. Para mapansin mo ko” nakatingin pa din ako sa picture niya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Kasalanan ko bang binigyan ako ni Lord ng ganitong klaseng kagwapuhan?”
What the F….????
Nooooooooooooooooooooooooooo!!!!!
Dahan-dahan akong lumingon sa taas ng puno kung saan nanggaling ang boses.
“Hi!” ngiting ngiting sabi ni Jairus.
O_O
WHAAAAAAAAAAAAATTTTTTT????
Si Jairus? Nasa taas ng puno?
Agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang aking mukha! Hiyang hiya ako! I’m sure! Narinig niya yung sinabi ko. SH*T naman oh!! Bakit di ko siya napansin??? Waaaaaaahhhhhhh!
Bumaba siya at tumabi sa akin.
“Bwi…b..Bwisit ka! Anung ginagawa mo dun?” halos mautal na ko sa kahihiyan.
“Nagpapahinga! Ang aga ko kayang nagjogging.” Patawa-tawang sabi ni Jairus
Kaya pala di ko siya nakita kanina… Maagang nagjogging ang loko. Di ko pala inabutan!
“Ikaw ha. Iniistalk mo pala ko… patingin nga niyan” sabay hablot sa iphone ko
“Wag!Ano ba! Akin na yan!” inaagaw ko ang iphone
“Sige ka!Baka masira to. Wala ka nang picture ko! Unless, nasave mo na sa laptop mo” pang-aasar pa ni Jairus
Halos gumulong na kami sa pag-aagawan. Ano ba! KumuCOMBO na ang kahihiyang nararanasan ko!Naiirita na ko.
“Akin na sabi eh!”
“Ayoko nga.”-Jairus
“Isa! Ano ba?”
“Bhelat”-Jairus
“Akin na!”
Agawan! Agawan! Agawan!
“PLAK!”
Ooopppps! Nahulog yung phone ni Jairus sa sahig. At…..
.
.
.
TEKA?
.
.
.
.
STOLEN PICTURE ko ang wallpaper?
Nagkatitigan kami ng matagal.
“Ano yan ha?” pangiintriga ko
“Picture mo!” sabi ni Jairus
“Eh bakit picture ko?”
Lumapit sakin si Jairus.
“Hindi pa ba obvious?”- Jairus
Kumunot lang ang noo ko.
“ The first time I arrived here, napansin kita agad Alexa. Naghanap ako ng way para mapansin mo ko. Lagi kong dinadasal na sana magsaturday na para makita ulit kita. At first, I thought this was just admiration. Pero di nagtagal, namimiss na kita. Gusto ko araw-araw kita nakikita. Mahal na pala kita”
Hindi ako makapagsalita. Totoo ba to? Ang isang MIGZ JAIRUS G. CENTENO nagkagusto sa isang ALEXA PRETTYN JIN FELICIANO?
“Bakit ako?? Maraming babaeng nagkakandarapa sayo ah… Bakit ang pipitsuging babae pang gaya ko?Hindi ako maganda. Di ako sexy gaya ng mga modelong nakakasama mo. Di ako marunong makipagsosyalan.Di ako marunong magayos ng sarili. Ordinaryong babae lang ako Jairus…”
“Ayaw mong amining maganda ka…. At yun ang nagpaganda sayo Alexa…Sabi mo kanina sa picture ko, inlove ka sakin,. So pano ba yan?Tayo na???”-Jairus
I just smiled and hugged him tight :)
--------------------------------------------------------------------------------------
YOU DON’T KNOW YOU’RE BEAUTIFUL. THAT’S WHAT MAKES YOU BEAUTIFUL
Yehey!Mabuhay ang mga babaeng HUMBLE! J
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES COLLECTION :))
Roman d'amourCollection of cute and sweet stories :)) -follow me on twitter @simlykamyl