Hello! Eto na naman ako with my new one shot story. Actually, naisip ko tong story na to while we were on our way to Mahogany Market to buy beef and meat for New Year Eve. Sa sobrang traffic, kung ano-anung element na pumasok sa utak ko hanggang sa… CHARAN! Nabuo na tong story na to. OH DAVAH!
By the way…Sana MAGUSTUHAN nyo kahit may pagkacorny.HAHA.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GO SENIORS!!GO GO SENIORS!! WOOOOOHHHHH!
Punong-puno ng sigawan at hiyawan ang buong gymnasium ng St. Francis Academy! Finals na kasi ng Basketball game ng SENIORS vs JUNIORS…Last day na ng sportsfest namin. Ilang minutes nalang magstart na ang game. Nakapwesto na kami ng bestfriend kong si Nadine. Hindi ko pwedeng palampasin ang game na to. Kelangan kong suportahan ang ultimate crush ko, ang lalaking mala-anghel ang kagwapuhan, ang lalaking inangkin na lahat ng mabubuting katangian:GWAPO, TALENTED, SPORTY, MATALINO, PERPEKTO! Isa syang Perpektong nilalang!!
“GO DECLAN!”- pwersado kong sigaw na halos mahugot na ang tonsil ko at pumutok na ang ugat ko sa leeg sa sobrang lakas.
“Oi Steff, Wag ka naman masyadong pahalata. Everybody’s staring at you!obvious lang teh?”
“Walang basagan ng trip!kailangan kong maipakita sa yung support ko kay PAPA DECLAN! Kahit sa ganitong paraan man lang maipakita ko kung gano ko sya hinahangaan!Go Declan!” may pagtayo pa ko at pagwave ng blue na balloon!
“Ai nako Best, isa kang kaawa-awang nilalang!” si Nadine
Habang iniintroduce ang line-up ng players sa bawat team, panay-panay ang cheer ng bawat squad ng bawat level. And opcors, nakita ko nanaman ang pagmumukha ng epal na babaeng kinabibwisitan ko. Ang haliparot at hitad na si Katrina!
Number 15, the ballgame heartthrob…Gener, Declan Aljon C.
Napuno ng tilian ang buong gym. At syempre, kasali ako sa mga babaing walang pwedeng gawin kundi umirit nalang dahil sino nga ba kami? Mga hamak na taga-hanga lang. Super tili with matching picture taking pa!HAHAHAYYY!
Hanggang tenga na sana yung ngiti ko nang bigla nalang napawi dahil sa nakakainit ng dugong pagyakap at paghalik ni Katrina kay Declan. Anak ng tinapa naman oh! Kelangan talaga may hug and kiss? Imbyernang buhay to! Kitang-kita pa sa bwisit na mukha ng babaeng yun ang kilig at pamumula! GGrrrrrrrrrr!
“ANLANDI MOOOOOO!!!” buong pwersa kong sigaw! Wala akong pakialam kung marinig man ng mga kaklase ni Katrina o khit mga teachers o si Katrina man mismo! Malandi naman talaga siya eh!
“Relax Steff! Marinig ka ng mga teachers, ikaw din” –Nadine
Hay nako! Naiinis lang talaga ko! As in naiinis! Alam kong wala akong karapatang magreact ng ganito pero super nayayamot lang talaga ko. Actually matagal ng bali-balita sa school na may relasyon daw si Declan ko at yung Katrina na yun. Palagi ko nga silang nakikita together pero that doesn’t mean na sila na FOREVER! I am here pa ooh! BWAHAHAHA!
Dribble, Shoot, Foul, Free throw, Shoot, Shoot, Shoot!
After ng game, sobrang saya ko! Aside from nanalo ang seniors, MVP pa si Papa Declan at… Andami ko pang stolen pictures niya. EMEGED!
“Halika dali..Pipicturan ko kayo ng Papa Declan mo!” Nadine
“Ha? Naku. Ayoko. Baka mapahiya lang ako. Sigurado namang di papayag un”
“Anu ka ba!Halika na.daliii” Agad-agad akong hinila ni Nadine papunta kay Declan
Tinulak niya ko at sa di inaasahang pagkakataon,Yun na nga… Sumubsob lang naman ako sa dibdib ni Papa Declan.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES COLLECTION :))
RomanceCollection of cute and sweet stories :)) -follow me on twitter @simlykamyl