Sa wakas natapos na din yung shift ko. Naglunch na muna ako. Yep. Ako lang. Wala kasi si Jah. Hinabol ng taga jail booth kanina. Ewan ko kung saan na yun nakarating. Baka nagtago na yun sa comfort room.
Nag-order na ko ng kakainin ko. Iniisip ko lang, buti hindi uso dito yung mga mean girls, no, no. There's Mandy, but she's all there's to it! Walang bully, walang popular. Well, a normal school with not so normal policies and way to separate students. Hay. I'm getting really upset now and I don't know why. Tapos umi-english din ako. Haaaaay~
Nilalaro ko lang yung calamansi sa plato ko. Yeah, just roll back and forth, entertainment at its finest.
Hindi naman ganun ka puno yung cafeteria pero dito pa talaga umupo sa lugar ko itong mokong na to. Tumabi pa talaga siya sakin ha. -_-
"Yoh! Water." Inilapag niya sa harap ko yung bottled water. Tapos kinain niya na yung inorder niyang lengua. Ang daya!!!!!
"Hey! Sabi ni ate ubos na yung lengua!"
"ah? Ewan ko? Tinanong ko si ate kung meron e, tapos ayun binigay sakin."
"Ang daya naman!" I thin I just pouted! Kakainis kasi si ate, porque pogi yung nagtanong-- wait, did I just say pogi?! arrggh! Nakakainis kasi! Lengua's my favorite!
"Tsk. Oh!" Inusog niya yung plate niya palapit sakin. "You can have some."
"Really?!"
"Ay hinde, hinde. Nag-ooffer na nga oh!"
"Sungit as ever! Tse!"
Kumuha lang ako ng two spoonfuls of lengua. E kasi nakakahiya naman kahit papano no. Tsaka he's a lefty. Nagkakabanggaan braso namin. Laging nalalaglag yung isusubo na dapat niya. Kaya ayun, lumipat siya sa harap ko.
Omg. Now that I think of it, ngayon ko lang talaga napansin na lefty siya! Walengya.
Pinanuod ko nalang siyang tapusin yunf pagkain niya, medyo nabusog na rin kasi ako sa kinain ko bago siya dumating.
"San mo gustong pupunta?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Hey! It's not everyday that you'll hear him ask me where I want to go! Like duh, dinaig niya pa ako sa kasungitan no.
"May lason siguro yung kinain mo no?!"
"Ano?!"
"Kung sino ka mang masamang epiritu na sumanib kay Tristan, lubayan mo siya!"
"What the hell, Christine?!"
"Sino ka?! Ibalik mo si Tristan na masama!"
"Baliw! Kutusan kita diyan e, problema mo nanaman?!"
"That's more like it. Grabe."
Ayaw ko ng Tristan na mabait. Parang ano kasi, iba. Basta yun na yun.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Problema mo TABA?" Then, he left with a wide grin on his face.
That last sentence left my mouth hanging.
Tristan's back. :O
---------
A/N:
oh yeah. I know. filler lang to. hahaha
pasensiya na may crisis ang aking brain. :(
Puro Vernacular terms from our lesson yung nasa utak ko. hahaha
Di ko na mafeel yung flow ng story na to. huhu
pero I'll try my best to update this as soon as possible and as soon as I can. Okies? Thank you for reading this crappy story. ;))))))
Thank you lovies. :*
(ALL OF THE PARTS ARE NOT EDITED)
-
poserrr~