Chapter 15: Ze Cake made by Mark & Tristan.

48 7 0
                                    

Naglilinis ako sa living area ngayon habang si Josh naman  nililinis yung mop sac r. Sa kanya nalang ako nagpatulong. Busy kasi sa pagbebake yung dalawa. Binigyan ko na sila ng cookbook, nung sinilip ko kasi sila, nagbabati sila ng itlog. -_-

kaya ayun, inabutan ko sila ng cookbook. May awa naman ako kahit papano no! Tsaka ayaw kong kumain ng err. :@

“Hachooo! Ano ba yan! ‘Wag mo ngang ipagpag sa harap ko yan!”

“Ehh, natapunan ng flour eh! Anong gusto mong gawin ko? >3<”

Nagkakagulo na ata yung dalawa dun. Hay... Patapos na kong magwalis nung bumalik si Josh, dala yung mop na pinalinis ko sa kaniya.

“Eto na yung mop o.” Josh

“Okay, thanks.”

Kinuha ko na sa kanya yung mop. Sinimulan ko nang magmop.

“Wala ka na bang iuutos?” Josh

“Wala na, kain ka nalang diyan okaya manuod ng t.v.”

“Di nga? Ako nalang magmop. Sa stairs ka nalang. Tapos tulungan nalang kita.” Josh

“Haha. Osige. Sipag mo! Salamat! J”

Umakyat na ko sa stairs. May dala akong tabo tsaka basahan. Sisimulan ko sa taas pababa. Yun kasi yung turo sa kin ni mommy. Hayy. Namimiss ko na talaga sila. Pano kaya nila natitiis na hindi ako kamustahin. Malapit na kaya birthday ko, di man lang sila nagpaplano ng kung ano. Okaya di man lang nila ako balitaan kung anong balak nila sa birthday ko. Nakakainis lang. -_-

Natapos na kaming maglinis ni Josh. Salamat naman at tinulungan niya ko. Di ko keri to no kung ako lang mag-isa! Dapat kasi si Tristan yung kasama kong naglilinis e! Walangya yun!

Which reminds me, ilang oras nang nakalipas. Magtatanghali na hindi pa din sila lumalabas. May mga times nga na naririnig namin  na nagbabangayan sila dun, tinatawanan nalng naming sila ni Josh.

Hindi naman mahirap magbake e, basta sinusunod mo lang yung instructions. Masilip nga yung dalawa. Baka kung ano nang nangyari sa kanila dun.

Nakaupo si Josh sa sofa. Feel na feel at home talaga, nakataas pa yung paa sa center table habang nanonood ng adventure time. Hahaha

“Sisilipin ko lang sila dun ah, kukuha na din ako ng makakain.”

Di naman na siya sumagot. Busy kasi sa panunuod. Haha

Hindi ako agad pumasok sa kitchen. Idinikit ko muna yung tenga ko sa pinto. Ang tahimik kasi, hindi na ulit naming narinig na nagsalita yung dalawa.

“Ayan. Pano magdesign ng cake?” Tristan

“May lalagyanan ba kayo ng icing jan? yung pa-triangle?” Mark

“Meron ata. Teka hanap ako sa drawer.”

Nakarinig naman ako ng pagbukas ng mga drawers. Nasa cupboard lang yung mga yun. Madalas kasing gamitin ni tita.

“nakita ko na! nasa cupboard lang pala.”

“Akin na dali, magdesign na tayo.”

Nanahimik na sila. Kumatok ako. “Tapos na ba kayo diyan?!”

“Hindi pa! Sandali nalang to bebe girl!” Mark

“Bebe girl ka diyan! Sapakin kaya kita?!” Tristan

“Hoy hoy hoy. Kayong dalawa magsitigil kayo diyan. Papasok ako.” Pinihit ko na yung doorknob.

“-’WAG!!!” Sabay nilang sabi kaya natigil ako.

I fell in love with a HORSE?! WTF!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon