Bwisit na horsie!
Sarap sampalin back and forth, up and down!
Di ko daw bagay magdress?! Pagsuotin ko siya ng bikini e!
Echoserong froglet wala namang alam sa damit ng mga babae. Huhu
"Alis na kami!" Sigaw ko. Nasa kwarto ko kasi siya. Naghahanap nanaman ng peace of mind tsaka sabi ko ubusin niya na lahat ng ipis. -_-
Ayoko nang may mangyari ulit na ganun no! That was freaking embarassing.
Palabas na kami sa pinto nung maalala komg wala nga pala akong pera.
"Ay! Wait lang teh. Wala pala akong pera. Hingi muna ko kay Tantan."
"Tantan?"
"Si Tristan. Kwento ko sayo mamaya. Haha"
Tumakbo na ko paakyat. Nakaflats lang naman ako kaya di mahirap tumakbo. Yung si Jah yung kinareer talaga ang pagddress. Naka-stilleto pa ang bruha! Tignan ko lang kung hindi sumakit paa nun mamaya.
"Tristan?" Kumatok ako sa sarili kong kwarto. Nilock niya kasi. -_-
Idinikit ko yung tenga ko sa pinto. Prang walang tao ah, ang tahimik.
Kumatok ulit ako.
No response pa din. Hay. Kukunin ko nalang yung spare key.
****
Binuksan ko na yung pinto. Kaya pala. Natutulog na ang bruho!
Nilapitan ko siya tapos umupo ako sa gilid ng kama.
Niyugyog ko yung balikat niya. "Uy Tristan. Gising."
"Hmmmmm." Tapos nagroll siya sa other side. Hay naku!
"Oy. Gising na. Sayang outfit ko kung bubulabugin kita ng bongga."
"Tsk. Ingay."
"Tantan! Bangon na!"
Naalimpungatan ata? haha
Nakasimangot kasi siyang umupo. Nakasarado pa rin yun mata niya habang nagkakamot sa leeg. Hahaha
"Bakit ba?" Tanong niya sakin with sa husky voice. Alam mong nakatulog talaga e. Nakapikit pa din siya. Wala atang balak dumilat!
"Pera."
"Just go in my room. You know naman my drawers there, and you know where I put the money. Okay na ba 5?" Tanong niya sakin habang nakapikit pa din at nagkakamot. May kuto ata to ah.
"Oo sige."
Shemay. Ngayon ko lang narealize na parang mag-asawa na nga kami dito. Pero siya yung humahawak ng pera instead of me. It seems that money hates me so much. Huhu
Tss. Di lang ako marunong humawak ng pera.
"Okay good. I'll get back to sleep."
"Okay."
Tumayo na ko tapos nagpunta na ko sa kwarto niya. Magulo as ever pa din. -.-
Kumuha na ko ng pera. Di naman kami magsha-shopping para malaki yung dalhin kong pera. Sigurado kasi ako na magmi-mirienda lang kami sa mall tapos window shopping.
After kong kumuha dumiretso na ko pababa. Paglabas ko, nakaupo na si Jah dun sa doorstep.
"Uy, bakit diyan ka umupo? Loka ka."
"Ang tagal mo teh! Anong ginawa niyo ni Tantan? Ikaw ah!"
Hinampas ko nga siya sa braso. Loka loka talaga to.