*bzzt* *bzzt*
From: Tita Alice
k~ with love.
*end*
pinapunta ko na si Jah dito. alam naman na ng loka-lokang yun yung daan papunta dito eh, remember nung nakita ko siya dito sa village na 'to? yun.
maghihintay nalang akong dumating siya.
*After 30 mins*
"ang tagal mo. -__-" ako
"ganyan talaga pag maganda!"
"hala? last na yan ha, di mabenta eh. -_-"
"eeeh! di naman joke yun eh!" >___<!!
"may sinabi ba kong joke yun? sabi ko last na yun. haha!"
"tae ka. bakit mo niyan ako pinapunta dito?"
"wala akong magawa."
"oh. so?"
"wala akong kausap"
"tapos?"
"namimiss kita."
"ew! yuck! tibo ka na ngayon?! di tayo talo! HAHAHA. gusto ko lalake! ayaw ko tomboy. pero pwede ka na din. XD"
"pinagsasabi mo?! mahiya ka nga sa balat mo! eww!"
ang sweet namin mag-bestfriend no? wish ko lang kasi may kapatid akong babae. unfortunately, wala. di na kasi pwedeng magbuntis si mama eh. gurang na yun, duh. JOKE! kasi ewan ko. basta sabi ni daddy dati muntik na daw siyang mawala samin nung pinanganak ako. kaya yun, sabi nung doctor kung mabubuntis pa ulit siya. bye bye na. takot na lang ni daddy na mawala si mama sakanya. :D
"ano na gagawin natin, uy! pinapunta mo ko dito para magtitigan? osige, laro tayo, unang pumikit talo! >__<"
"okay! game! >:D"
nasa kwarto kami ngayon. nagtititigan lang, di ko naman mahiram kay Tristan yung mga gaming consoles something something niya kasi, isa: nahihiya ako, pangalawa: baka mag-away kami, pangatlo: magsungit siya, pang-apat:magsungit siya hanggang infinity. >_<
"aaaaah! ansaket! ansaket! O_O >_O >_<!!"
"hahaha! panalo ako! isa pa!"
"ayoko na! namumula na mata ko. T_T"
"ano na gagawin natin? -_-"
para kaming ewan ng bestfriend kong to. wala kasi talagang magawa eh. :(
"kain nalang tayo?"
"talaga?! sige! sige! anong pagkain niyo dito?!"
"may chocolates pa ata ako sa ref. tara."
kung nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon e may chocolate padin ako. well, tinitipid ko. haha! dahil sa ako'y dakilang tamad. di ako bumibili ng mga chocolate. hinihintay kong may magbigay sakin okaya naman ay kapag sinipag ako, which happens only once in a blue moon. kaya todo tipid ako sa binigay ni Mark sakin. Speaking of which, tagal nang hindi bumibisita nung dalawang yun dito ah? ano na kayang balita sa dalawang yun. oh well, dadalaw naman yun kung gusto nila.
nagpunta na kaming kusina tapos naupo lang kami. kalahati palang pala yung nauubos ko sa mga chocolates. nagkukwentuhan lang kami ni Jah ng mga walang kwentang bagay. nagdedebate kami ngayon kung ano ba talagang nauna, itlog o manok? kayo? anong tingin niyo?
"itlog nga kasiiiiii!!!!" jah
"pano naging itlog?! manok muna!" ako
"itlog nga sabi! pano magkakaron ng manok kung walang itlog di'ba?!"