Twelve

32K 954 110
                                    

MAY mga taong natatakot na maging masyadong masaya kasi feeling nila may susunod na period ng kalungkutan. Hindi man ako "malungkot" pero nagmistulang Hell Week ang sumunod na mga araw ng office life ko pagkatapos ng happiness ko sa "progress" sa pagitan namin ni Ash.

Una, tinawagan ako ni Daddy nang Monday night pagdating ko ng bahay. Nasa office pa siya at may problema daw sa department ko. May pinaghihinalaan kasi kaming empleyadong nage-embezzle mula sa kompanya and Dad said that we finally had proof. So ayun, bumalik ako sa office and I had to fire the guy.

Second, Tuesday morning, halos wala pang tulog, nasa opisina ako ulit kasi may client na gustong ako ang maging liaison between him and the company dahil asshole daw 'yung executive na na-assign sa kanya. I couldn't argue dahil hindi ang client na ito ang unang nabastos ng executive na 'yun. I had to talk to the client and the executive to tell him that if I get one more complaint, maghanap na siya ng ibang trabaho.

Then! Nag-request ng meeting sa Saturday ang mga clients namin sa US. Sa Saturday! Sa special day namin ni Ash!

To be honest, naging ganito naman na ka-stressful ang trabaho ko. Sherri usually helped me get over it because she was awesome with keeping things in perspective. Ngayon, mas pinadali at mas pinahirap na si Ash ang kasama ko sa office.

For the first time, I actively hated kung paano kinakain ng trabaho ko ang dapat ay personal time ko. Ngayon ko lang na-realize na I was failing with the work/life balance na laging pinapaalala ni Dad. I mean isang araw na nga lang na kasama ko si Ash na hindi work-related, inagaw pa ng kliyente 'yung oras. Nasaan ang hustisya di ba?

But Ash also made it easy kasi maaasahan talaga siya. He brought me coffee and chocolate, and he made me laugh kapag alam na niyang super stressed na ako. Kahit ba isang "hi" lang sa messenger or isang smiley, or kakatok lang siya sa office ko to check on me. Nagkaka-extra energy talaga ako.

Saka kahit hindi tuloy ang Saturdate namin, nag-promise naman siyang sasamahan niya ako sa meeting so yay!

Naka-smile na ako nang magbukas ang pinto ko ulit pero kinailangan kong hindi magbago ang expression ko nang imbis na si Ash, si Craig ang pumasok.

And isn't that funny? A week ago, seeing Craig here would have made my day. Ngayon, I was wishing he was someone else.

Padabog niyang isinara ang pinto and I sighed, knowing na, tulad ko, si Ash din ang nasa isip niya.

Hmm, di kaya...? Oh, my God. Baka mamaya agawan pa ako nito ah. Hindi mo naman na kasi masasabi—

"We need to talk about your assistant," sabi niya na nauupo sa tapat ko.

I sighed. "Marami akong trabaho, Craig."

"Buhay mo 'to, Meredith."

Nagpatuloy ako sa pagta-type. "Really? Ano ang kinalaman ng assistant ko sa buhay ko?"

Aside from the fact that I'm trying, and failing miserably, to flirt with him in a pathetic attempt to get him to notice Meredith behind Miss Balajadia, the EVP.

"You can't be this naive, Mere."

This time, I turned to him. "Actually, yeah, I can be. So spell it out, Craig."

"That guy is thinking of using you."

"Using me to... what?" tanong ko, naguguluhan talaga.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad-lakad, halatang frustrated. Hindi ko alam kung sa 'kin or kay Ash.

"Hindi mo ba nabasa ang mga balita sa kanya? Mere, I told you about him na basagulero siya."

"Yes, you have," paalala ko sa kanya, naiinis na rin. Paulit-ulit na lang kasi. I turned back to my computer while he spoke. Alam ko naman na lahat ng mga pinagsasasabi niya and I seriously didn't want to hear them again. Wala namang bago eh.

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon