Thirty-Nine

31.4K 764 235
                                    

A/N: Rated SPG. Reader discretion is advised. 

LUMABAS pa kami ni Tita Vera pagkatapos kong makausap si Ash. Pareho kasi kaming hindi makatulog sa excitement kaya nag-night market na lang kami para sa mga additional pasalubong. Ibinili ko talaga si Dad ng 'I Love Singapore' shirt. Kumain din kami bago kami bumalik ng hotel then nag-empake na ako. Medyo marami akong dala kasi ako na ang mag-uuwi ng ibang mga pasalubong ni Tita Vera.

Anyway, umaga na ako nakatulog and I probably only slept for two hours bago ako bumangon. Hindi na ako a-attend ng mga talks ngayon. Nag-text din ako kay Ash para sabihing super busy ko kunyari. Excited kasi ako! Kapag kausapin ko siya I'm sure bigla ko na lang aamining pauwi na ako. Isa pa, para mas matuwa siya pagkakita niya sa 'kin mamaya di ba? Kasi buong araw niya akong mamimiss? So I stayed offline as much as I could.

Before lunch dumating si Tito Ernest. You should have seen how happy Tita Vera was. Kung makayakap talaga akala mo isang taon niyang di nakita si Tito! Although di ko siya tinawanan kasi sa loob-loob ko, I wish ganoon ako yakapin ni Ash mamaya.

Nag-lunch pa kami bago ako umalis for the airport. Gusto pa sana nila akong ihatid pero sabi ko huwag na. Mag-bonding na lang sila. So doon na lang nila ako inihatid sa kotse.

I sent a text to Ash while I was on my way.

"Nandito na si Tito Ernest. Magkasama na sila ni Tita V. Sorry, I can't talk. Super busy talaga, baby boy. I'll talk to you tonight, I promise. Love you!"

Muntik na akong mag-reply nang mag-text siya.

"I miss you. I miss you. I miss you. I hate that we can't talk. I really miss you. Tawag ka kaaagad mamaya kapag puwede na. I really need to hear your voice. I love you."

Gusto ko nang tumawag pero tiniis ko siya.

I was reading a book when my phone rang. Kung si Ash ito, patay ako. Pero si Daddy ang tumatawag.

"Hi, Daddy!"

"Hi, sweetheart! Dumating na si Tito Ernest mo? Nasa airport ka na?"

"Yes po. Excited po ako eh."

"Naku, kami rin. Pero may pinaka-excited dito na walang kaalam-alam na uuwi ka na."

Bumungisngis ako.

"Anyway, may surprise siya sa 'yo."

"Aww, Dad!" tawa ko. "Bakit mo sinabi?"

"Eh kasi mas malaki 'yang surprise mo sa kanya kaya naisip kong sa 'yo kumampi. Inimbitahan niya kami magpunta sa condo nila ni Lex mamaya kasi magpapaturo magluto sa mommy mo para maipagluto ka raw pag-uwi mo. 'Yun ang surprise niya. Dahil nand'un nga kami mamaya, nag-volunteer si Lex na siya na lang ang susundo sa 'yo."

"Ah, sige po. Kung okay po kay Kuya Lex."

"Teka, nandito siya, kasama ko. Nasa site kami eh. Sandali lang."

My dad passed the phone and I heard Kuya Lex's voice on the other line.

"Hi, Meredith!"

"Hi, Kuya Lex! Ikaw daw susundo sa 'kin mamaya?"

"Yup! Nasa NAIA kasi ako mamaya kasi mag-i-inspect ako ng job site. Sabi ko ako na lang ang susundo sa 'yo para sabay na tayong umuwi. That way hindi na nila kailangang bumiyahe pa-airport. Is that okay?"

"Sure!" masaya kong sabi. "If that's okay with you."

"Of course! Saka mas convenient 'yun para sa lahat. Isa pa, para maka-una ako sa pasalubong mo kung may chocolates ka d'yan."

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon