Eighteen

32.9K 907 229
                                    

My parents love Ash. Obvious na obvious 'yun. Enjoy na enjoy sila sa mga kwento niya. At obvious din na the feeling is mutual.

Ginabi na kami sa pagkakape at cake, at nagpaalam na si Ash nang ten o'clock. Tumayo kaming lahat, except kay Craig, at hinatid pa nila si Ash sa front door.

Inimbitahan siya ni Daddy na mag-dinner ulit dito sa bahay at na isama pa raw niya ang kuya niya. Then my mom hugged him and kissed him on the cheek.

"I'm sorry about, Craig, hijo," sabi ni mommy habang hawak sa braso si Ash. "I hope he didn't ruin the evening for you."

"Hindi po, Tita," her assured her. "Kahit po mura-murahin niya ako sa hapag-kainan, eh worth it naman po sa dinner na niluto ninyo."

My mother laughed and blushed, obviously charmed. "Bolero ka talagang bata ka! And thank you for the flowers. Tama si Tito mo. Mag-dinner ka dito ulit at isama mo ang kuya mo."

"I'll let him know, Tita. Matutuwa po 'yun."

"Mom, ihahatid ko lang si Ash sa kotse niya," sabi ko sa kanya. Ayoko kasing magpaalam sa kanya na gan'un lang, good bye lang 'tapos bahala na siyang lumabas. Saka lalong ayokong magpaalam sa kanya sa harap ng parents ko. Paano niya ako mahahalikan di ba? Ano 'yun, aalis siya na hindi ako iki-kiss?

"Go ahead," sabi ni Mommy at kumaway ulit si Ash sa kanya bago kami lumabas.

Tahimik kaming naglakad na hindi pa magkahawak 'yung kamay. Pinapanood kasi kami nina Mommy. Nahihiya pa kami kunyari.

"Sabi ni Dad kanina tisoy ka raw," bigla kong nasabi.

Malakas na tumawa si Ash. "Ang itim ni Tito para sabihing tisoy ako ah," sabi niya.

Sa totoo lang, di naman kasi maputi si Ash. Mestisuhin lang 'yung features niya. Guwapo siya talaga sa 'kin, alam mo naman 'yun. Kahit n'ung una pa, guwapo na siya. Pero to be honest, medyo nagulat ako na guwapo siya sa 'kin kasi hindi siya 'yung usual kong type. Sure, napapangiwi ako ngayon kasi nga si Craig ang pamantayan ko dati ng "type" ko. Siya 'yung tipikal na tall, dark and handsome. Pero si Ash... he was tall, mas maputi kay Craig, and incredibly delicious...

Okay, mukhang siya na nga yata ang "type" ko ngayon. I pressed my lips together to keep myself from laughing.

Saglit kaming natahimik bago nagsalita ulit si Ash. "Teka... gusto mo ba ng tisoy?" nanunukat niyang tanong habang inaabot ang kamay ko. Automatic akong humawak sa kamay niya at lumapit sa tabi niya.

"Paano kung oo?"

"Eh di mauubos ang sweldo ko sa glutathione at skin whitening soap."

Tumawa ako. "Okay na ako na ako sa kulay mo."

Before we reached the car, hinila ko 'yung kamay niya kaya huminto siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at hinila ko siya palapit sa 'kin. When he stepped close to me, I reached up to give him a tight hug. And again, ang sarap sa pakiramdam n'ung naramdaman kong bumalot din sa 'kin 'yung mga braso niya.

"How did I do?" he asked, his face pressed into my hair.

"You were wonderful," sabi ko na tinitingala siya.

Kinindatan niya ako. "Of course, ako pa." I giggled. "Seriously, though. Pinagpawisan lahat ng singit-singit sa katawan ko. P'wede mo nang pigain 'yung brip ko."

This time, I burst out laughing. Pagkatapos ay pinisil ko ang ilong niya. "Thank you for being wonderful during dinner. And I'm so sorry about Craig. I'm sure kinakausap na siya ni Mommy. He was being a jerk."

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon