Twenty-Seven

35.3K 783 166
                                    

HINDI ako nakatulog nang maigi. Maya't maya akong bumabangon para bumalik sa closet ko para tingnan kung may mas dapat akong dalhing damit o kung may nalimutan ba ako. Kapag masiguro kong wala, babalik ako sa kama, mahihiga, 'tapos babangon ulit para pumunta sa banyo para tingnan kung alin pa ang kailangan kong dalhin. Alam ko namang hindi dahil may anxiety attack ako na may makakalimutan ako kaya ako pabalik-balik sa dressing room ko pero dahil excited talaga ako.

Maya't maya ko ring ka-text si Ash kahit pa maya't maya rin naming sinasabing matutulog na kami. Mag-gu-good night kami sa isa't isa pero mamaya magtetext na naman ng "gising ka pa?"

Ako yata ang unang nakatulog kasi ang huling text ni Ash ay 3:52 A.M. at hindi ko na 'yun nasagot. Nag-reply na lang ako pagkakita ko sa text niya bago mag-7 ng umaga. At mas excited pa pala siya dahil papasok na raw siya! Tumawa ako at bumangon na para makapag-shower at maka-alis na rin.

Dumating ako ng office before 8 at pareho kaming energized ni Ash. I had back-to-back meetings na medyo nakakahilo at nakaka-stress pero sa tuwing makikita ko ang oras, iniisip ko na lang na mas malapit na mag-2 P.M. imbis na ang bagal ng oras kasi maiinis lang ako.

Nang pumasok si Ash sa office at medyo running late na ang mga drama queen na Hapon sa kabilang linya, pinilit ko ang sarili kong hindi mag-beast mode dahil baka layasan ko na lang sila bigla.

Buti na lang talaga nand'un si Ash at gumaan ang mood ko kahit pa nako-conscious ako sa kanya. Kasi naman kung makatingin!

Nang ma-sense ko nang malapit nang matapos ang meeting, nag-set na ako ng follow-up para kung may maisip silang sabihin, alam nilang sa susunod na lang.

Busy kaya ako! Mahal ang oras ko ba!

"All right," sabi ko na medyo mas cheeful na ang tono. "If there's nothing else, I'll talk to every one next week. Doumo arigatou gozaimasu."

Ako yata ang unang nag-disconnect bago ko hinila paalis ang headset ko.

"Yes!" I cheered sabay butt-wiggle sa upuan ko. "Sandali na lang. Sandali na lang! Mag-se-set up lang ako ng OOO email."

Mali-mali na ang itina-type ko sa pagmamadali kaya ko rin hindi napansin na nakalapit na pala si Ash sa 'kin. Napatili ako sa gulat nang biglang umandar ang upuan ko palayo sa mesa. Akala ko talaga na-possess 'yun ng masamang espiritu! 'Yun pala hinila lang ni Ash bago niya 'yun itinulak papunta sa sofa.

"Ash!" tawag ko, wala nang nagawa kundi magpatulak sa kanya na para bang nakasakay sa wheelchair.

"Tapos na!" masaya niyang anunsyon tungkol sa OOO e-mail ko. "Na-set up ko na. Wala ka nang kailangang gawin." Kinuha niya 'yung bag ko at ipinatong iyon sa kandungan ko bago niya ulit sinimulang itulak papunta sa pinto ang swivel chair ko.

"Ash! You are not pushing me out of this office sitting in this chair! Saka isa pa, kailangan kong mag-shut down ng computer!"

Iniwan niya ako d'un para siya na ang mag-shut down ng computer ko. At dahil napabaling ako para sundan siya ng tingin, ipinatong ko sa sandalan ng upuan ko 'yung braso ko at napansin ang relo ko. Noon ko nakita ang oras at noon ko biglang naalala ang bagong miyembro ng daily vitamins family ko.

Hala! Muntik ko pang malimutan!

Mabilis akong tumayo at nagpunta sa banyo kasi d'un ko lang maiinom 'yung pill ko na hindi makikita ni Ash. Pasimple ko pa siyang pinanood para tingnan kung nasa 'kin ang atensyon niya, bago ko mabilis na kinuha sa bag ko 'yung paper bag kung saan nakalagay 'yung pills. Lagi na rin akong may dalang isang bote ng mineral water dahil baka abutan ako ng pill time na walang access sa tubig. Eh di ba as much as possible kailangan mong inumin 'yun sa parehong oras araw-araw?

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon