CHAPTER TWENTY-ONE (Added Chapter) = Past can be Future =

79 1 0
                                    

HENRY’S POV

Buong akala ko talaga galit na lang ang nararamdaman ko, na manhid na yung puso ko sa sakit na pinaramdam nya sakin.

Oo si Eunice ang babaeng tinutukoy ko. Ginamit ko lang si Ashley para pasakitan sya… Alam kong mali yung ginawa ko dahil hindi lang isang tao yung nasaktan ko, marami… Kabilang na ako at ang taong mahal na mahal ko.

Ginawa ko lang ang lahat ng kalokohan na yun para makaganti sa ginawang pag-iwan sakin ni Eunice three years ago.

From being a cassanova, I became a thoughtful and faithful boyfriend for her. I changed myself to be worthy of her love. We’re so happy with each other. I learned the real meaning of LOVE and felt the feeling of being loved by the girl you really care for.

Then because of a simple misunderstanding she broke up with me, a simple rumor ruined it all. She believed those people instead of me. She doesn’t trust me because of my past.

She left the country without talking to me. Everyday was such a suicide, I tried to follow her then I discovered that she’s contented with another guy.

Anger wrapped my whole world; I came back from what I used to be. I made girls cry, they are so useless and worthless.

“Arrrrrggghhh!” Nasabunot ko yung kamay ko sa buhok ko sa out of frustrations.

Nasasaktan ako kapag naalala ko yung nakaraan namin, pero bakit hindi maalis na mahal ko pa rin sya. Gusto ko syang bumalik…

I really missed my girl, walang nagbago sa pagmamahal ko…

Pero pano? Nasaktan ko na sya…

*flashback*

“Bakit ba si Ashley pa?” sigaw nya sakin

“Ano bang pakelam mo!?”

“Sasaktan mo lang sya! Lubayan mo na sya Henry…”

“Mahal ko si Ashley kaya ko ginagawa ‘to! Wag mo na nga akong papakelaman! Wala ka ng halaga sa buhay ko kaya mabuti pang iwan mo na lang ako!” sigaw ko sa kanya, nakita kong nagulat sya sa mga sinabi ko. Kahit gusto kong bawiin hindi na pwede…

Unti-unting namuo yung luha sa mata nya.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to?”

“Mahal ko sya…”

“Hindi yan totoo…” pagprotesta naman nya. Tama lang na masaktan ka… Dapat lang na maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko… Pero bakit parang gusto ko syang yakapin ngayon dahil nakikita ko sa mata nya na konti na lang luluha na sya.

“Huh! Kailan ka nga ba naniwala sakin? Lahat na lang ng gusto kong sabihin, lahat ng dapat kong ipaliwang hindi mo pinaniniwalaan… Kagaya noong iwan mo ko, hindi mo ko pinaniwalaan…”

“Wag mong ibahin ang usapan…”

“Hindi ko iniiba, totoo naman diba? Kaya tama lang na masaktan ka ngayon… Unti-unti kitang sasaktan Eunice, katulad nung kung paano mo ko sinaktan dati!” Iniwan ko syang nag-iisa sa harap ng bahay namin.

Sinadya nya talaga akong puntahan dun para hiwalayan si Ashley. Paalis na sana ako nun papunta sa despidida party daw ni Warren nang bigla ko syang makita sa gate.

Mabilis akong sumakay ng kotse habang nakatingin s aside mirror, nakita ko syang nakaluhod habang nakasapo ang kamay nya sa mukha nya. She’s crying… Gusto kong magsisisi sa ginawa ko pero tama lang naman yun hindi ba? Dapat lang na gumanti ako.

*End of flashback*

After almost a month… Nalaman ko na bumalik na sya sa Canada, hindi ko alam kung kailan sya babalik dito pero magsisinungaling ako sainyo kapag sinabi kong hindi ko sya nami-miss. Nagsisisi ako sa mga binitawan kong salita sa kanya nung gabing yun.

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon