CHAPTER TWELVE = Bati na tayo =

175 2 0
                                    

ASHLEY'S POV

 “Kiss Ashley. Sa lips!”  Nawala yung ngiti ko sa labi nung narinig ko yung utos ni Camille. Bakit iyon pa?! Ayoko ng ganitong kalokohan. Nakita ko rin naman na naging serious yung facial expression ni Warren. Nainis ako dahil sa trip ni Camille kaya nawalan ako ng gana.

 “Matulog na tayo.”  Tatayo na ko nang biglang may humaltak sakin at… Hinalikan ako.

Si Warren... Nakapikit sya. Biglang bumilis tibok ng puso ko kaya hindi ako agad nakagalaw. Yung as in parang may gumapang na kuryente sa buong katawan ko. Hinalikan na naman nya ko. But this time, sa harap pa ng mga kaibigan ko. Hindi ko na kaya ‘tong ginagawa nyang panghihiya sakin. Oo alam ko hindi nya ginusto yun, ginawa nya yun dahil sa UTOS. Nakita ko pa yung reaction nya na parang ayaw nya. Bakit?! Ganun ba ko kasuka-suka sa kanya?! ANG SAMA NYA!

But why am I acting like this? Why am I so disspointed that he did that move because it’s just a dare afterall? I’m so crazy! Stupid! Am I?

“You don’t need to do that! I hate you!” Sinampal ko sya sa lakas na kaya ko. Hindi pwedeng ganun nya na lang ako tratuhin. I hate him so much!! He’s so impossible! A selfish stupid scum! Tumakbo na ko palayo sa kanila, hindi ko kayang pigilan yung luha ko. Sumunod sila Henry at Camille. Tsk! my bestfriend, why of all people?  T_T She knew that I really hate her brother, and this?

 “ASHLEY!!” Narinig kong tawag ni Camille. Gusto ko rin syang sampalin dahil sa ginawa nya. Pero hinde, hindi ko magagawa yun. Huminto ako sa poolside. Hindi ako humarap sa kanila.

 “Hindi mo na dapat ginawa yun.”  Siguro nahalata na rin nila na umiiyak ako. Wala eh, hindi ko kinaya. Pangalwang beses na ‘to. I’m so full of him! 

Wala akong pakelam sa kung anong trip ni Warren. Pero sana hindi na lang ako. Bakit kailangan nya kong... ( T___T  ) Bakit kailangan nya kong saktan?! Do I really deserve this? Wala naman akong naaalalang taong nasaktan ko ah? Ako nga lagi nilang sinasaktan eh. Bakit ganon?!

BAKIT YUNG TAONG NATUTUTUNAN KO NG MAHALIN ANG MANANAKIT SAKIN?! Bakit si Warren pa?! Yeah! I admit… I’m learning to love my enemy. He’s the one I am imagining a while ago, he’s my ideal guy. But I think it’s too impossible now. He can’t even respect me!!

“I'm sorry Ashley. Sorry talaga.”  Niyakap nya ko. Hindi ko sya matitiis. Kaibigan ko si Camille.

“Iwan mo muna kami Henry” Sabi ko pero hindi pa rin ako humarap sa kanila.

Narinig kong humakbang papasok si Henry. Humarap ako kay Camille at umiyak ako ng umiyak. Ahuhuhuhu (T.T) I can’t grip this pain anymore.

“Bakit Camille? Lagi na lang nya ko pinapahiya? Ayoko na nung trip nya eh. Masakit na masyado.”  Nakita kong naiiyak na si Camille.

“Sorry Ashley.”  May gusto syang sabihin sakin. Nakikita ko yun sa mata nya. Pero hindi nya masabi. Hindi naman siguro yun mahalaga kaya di ko na lang pinansin.

“I HATE HIM!!!” Sigaw ko. Wala akong pakelam kung marinig man nya yun. Simula pa naman alam na nya kung gano ko sya kinaiinisan. Bakit nga ba ako umaasa na bumabait na nga sya? At kung magbago man sya, sa tingin ko ganun pa rin ang tingin nya sakin. She saw me as nothing but an enemy.

Hindi ako nagagalit dahil sya ang first kiss ko at eto inulit nya na naman.

Nagagalit ako kasi alam kong ginawa nya yun dahil sa walang choice.

Dahil sa trip nya ko, dahil sa may gusto syang patunayan.

Hindi nya ko hinalikan dahil may feelings sya sakin!! YON ang kinagagalit ko.

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon