CHAPTER ONE = Revitalize =

728 22 13
  • Dedicated kay Hannah Gonzaga
                                    

Author's Note: This is rearranged and reorganized by the author (ayiiira). For those who previously read the original copy, expect various adjustments because some of the unwanted scenes and lines are deleted and/or edited to fit the story. This version is extremely unusual on the first version. I also added a special chapter. You can call this as the better edition of Message from my Enemy.

Prologue:

I believe in Destiny

So I tried to search for my so called SOULMATE

Pati texting pinatulan ko na, mahanap lang sya. I threw a message on someone's inbox without having an idea about him. Naniwala talaga ako na sya na.

Suddenly someone ruined it all. Sumali sa eksena ang magaling kong Enemy, na walang ibang ginawa kung hindi guluhin at asarin ako... And take note, I know this is impossible but I fell inlove with him.

Pano na ang destiny ko? Pano na si Soulmate ko? Sinong bibitawan ko? I am absolutely confused about that idea.

Then in the end I discovered that I've already receiving a MESSAGE FROM MY ENEMY...

A very sweet discovery isn't it? :")

ASHLEY'S POV

"Haay! Tanghali na." I yawned." Ngapala! May lakad kami ni Camille ngaun." I took a shower then bumaba na ko para mag-almusal, oh! Tanghalian na rin yata. 10:47 na kasi ako bumangon. Sila Mommy and Daddy nauna ng kumain, hmp! Di man ako ginising for lunch.

"Oh! Ashley good morning! Kanina ka pa namin ginigising pero tulog mantika ka talaga." Mom said hehe ginigising pala nila ako.

"Sorry mom, it's just that my head aches badly" I lied. Minsan lang naman eh. XD

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong naman ni Daddy. Kahit kailan talaga over maka-react to. Sabagay only child ako kaya sila ganyan, over protected but not so strict naman. They are such a perfect parents for me. :)

"I will Dad, after lunch." I said, at umupo na ko.

"Anyway, I'll be leaving for how many weeks. Nagka-problema daw kasi yung branch natin sa Italy. So be a good girl dear huh?" Dad uttered. As if I'm going to eat everything in this house including our front door. Good girl naman talaga ako ah? -_-

"Don't worry Dad, I will not burn up our house" I said with the voice of sarcasm. Napa-anga naman nun si Daddy, toinks! I'm sure hindi nya na-gets. XD "Of course Dad! I'll be a good girl just like what I used to be, right Mom?"

"Oo nga naman Dad, don't worry about your daughter. She's just kinda sarcastic sometimes" Ngumiti lang nun si Mommy. Hahahaha kakampi ko talaga yan everytime eh. XD

"Ano pa ba masasabi ko nagkampihan na kayo?" He sighed. Tumawa kami pareho sa reaction ni Daddy. Mukha syang nalugi saming dalawa.

"Okay fine. Eat well dear, para mainom mo na yung gamot dyan sa headache mo." Mom said.

"Yes mom"

After lunch ay nagpaalam na ko kila Mommy na may lakad kami ni Camille, sabi ko pagkatapos nun ay pupunta ako sa Resto para i-check yon. And as I've expected, pinayagan naman ako. Naglakad na lang ako papunta kila Camille dahil di naman masyado malayo house nila samin mga 10-15 minutes lang kung lalakarin. And I'm sure na dadalin nun auto nya.

Habang naglalakad, naisip kong kunin yung camera ko sa bag at mag-picture ng mga bulaklak na nadadaanan ko, lalo na sa park na favorite place ko dito sa BlueVille. Diretso lang ako sa paglakad, minsan humihinto ako para picture-an yung kung anumang bagay ang nagustuhan ko. Uhmm, kung iniisip nyo na Photography ang course na natapos ko, well hinde. Hotel and Restaurant Management po ang natapos ko pero uma-attend ako sa summer workshop about Photography nung Collge pa ko kaya ayun nakahiligan ko na rin.

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon