CHAPTER FOUR = I discovered something =

189 3 0
                                    

CAMILLE'S POV 

“ANO BA ASHLEY!!” Napatayo ako sa higaan ko nang marinig kong sumigaw ng bonggang lakas si Warren, teka nasa kwarto ba nya si Ashley? Lumabas ako nakita ko naman si Mommy na kumakatOk sa pinto ni Warren, naki-katOk na rin ako. Medyo matagal buksan ni Tukmol. Pagbukas nya tinanong agad sya ni  Mommy. 

“What happenned?” Nagtanong din ako kasi narinig ko yung name ni Ashley na sinigaw nya.

"Andyan ba si Ashley?” Napahinga naman sya ng malalim. Ano yun?! NalOka siguro sa sunud-sunod naming tanong.

"Mom, Camille. Ang OA nyo. Nananaginip lang ako. Ow! Bangungot pala.”  Ayos ah? Over sya managinip. Ngayon lang yan nanaginip ng ganyan. Tapos si Ashley pa yung nasa panaginip nya. 

"Porket si Ashley nasa panaginip mo bangungot agad?” Bara ko naman sa kanya. 

"Oo kaya nga ako napasigaw eh. Binubugbog nya ko sa nightmare na yun.”  Adik. Ang daming alam maligo lang hinde. ( =____=)

"Sige na matulog ka na ulit, akala naman namin kung napano ka.”  Sagot ni Mommy sa palusot nya. Tatalikod na kami tapos nagpahabol naman ng paaalala si Mommy na ikinapula ng mukha ni Warren.”  Anyway, wag mo kasi masyado iniisip si Ashley ng sobra para hindi mo sya napapanaginipan Okay?” Hahahahah HULE! We grinned. Isip isip pa kasi eh. Hahahah pumasOk na ko ng kwarto ko. 

Naalala ko yung nalaman ko kanina, iisa lang pala sila ni Rien!! Well talagang soulmate nga sila promise! Nagulat ako kanina nung biglang lumabas yung digits ni Rien nung sine-save ko na yung number ni Warren. Nung tinanong naman nya ko kung bakit, syempre nagdahilan ako. AyOko munang sabihin sa kanya na si Ashley yung katext nya, di ko rin sasabihin kay Ashley na si Warren at Rien ay iisa. Sila na bahalang maka-discover nun. Since Soulmate nga sila. Ano kayang mangyayari sa love story nilang dalawa? Naku!! Susubaybayan ko talaga to. :) Well, matutulog na ko dahil bukas ang balik ni Mommy sa US. Beauty rest muna ko.  

Next morning. Maaga akong gumising mga 8:00. hahaha maaga na ba yun? 10am ang alis ng airplane na sasakyan ni Mommy so sinulit muna namin yung moment habang andito pa sya. Dumating naman si Ashley mga 9am na. May dala syang rice pudding. Favorite kasi yun nila Mommy at Daddy. Gawa ni Tita Alicia. 

 “Naku! Naalala pa pala ng Mommy mo ang favorite namin.”  Sabi naman ni Mommy. 

“Syempre naman po.”  Sagot naman ni Ashley.”  Pina-pasabi rin pala ni Mommy na pasensya na po kasi hindi nya kayo napuntahan. Marami po kasi sya inasikaso sa ibang branch ng Resto, si Saddy naman po Italy para ayusin yung problem dun sa branch doon.”  Paliwanag ni bff.

"Ano ka ba ayos lang yun pakisabi sa Mommy mo, thanks din sa effort nya kahit na busy sya.”  My mom uttered. 

“Sige po Tita sasabihin ko kay Mommy.”  Smile ni Ashley. 

“Oh sige parang kayo na mag-nanay!” Singit naman ni Warren. Hahahah nagselos yata? 

“Nagselos ka naman?” Sabay akbay ni Mommy kay Warren. 

“Tss! Mommy talaga.”  He shoOk his head slowly. Aba! May himala ngayon ah? Bat hindi nya yata inaasar si Ashley ngayon? Sign ba to na nagbabago na sya? Na liligawan na nya si Ashley? q( *u*)p

"Oh! We have to go, it’s almost 9:00.”  Binitbit na ni Mommy yung mga gamit nya. 

“Mom, let me handle it.”  Nagpaka-gentleman naman ang kambal ko, kinuha nya yung maletang dala ni Mommy. 

Sumakay na kami ng kotse. Si Warren na ang nag drive. Pagdating doon ay isa isa na kaming nagpaalam kay Mommy, naging emotional pa nga kami ni Ash dahil mami-miss talaga namin si Mommy. Si Warren? Uhm.. He's fine. Ganun naman mga boys diba? They are so afraid to show their feelings. Alam ko namang mami-miss nya rin si Mommy eh. Pa-keme pa sya. Umalis na rin kami, ako na nag nag-drive. Nasa tabi ko naman si Ashley, tulog. Bat kaya? Nakita ko naman sa salamin na nakatingin si Warren sa beautiful face ng bff ko. (*_*)~o yiiiee XD 

MESSAGE FROM MY ENEMY (BETTER EDITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon