**SPARKS14: Tita Maxine's Special Chapter
Dedicated sa kanya kasi duuhh, pangalan niya gamit ko dito. Hahaha
--------------------------------------------------------------
"Oh, if it's alright with you, pwede ko ba malaman yung mga nangyari kay Tita Maxine? If okay lang naman sa iyo."
"It's alright. So this is what happened....
---------FLASHBACK-----------------
MAXINE'S POV
15 years ago...
"Nak, eto na talaga! Naku naman, naiiyak nanaman ako eh."
Andito kami sa kwarto ni mommy. Nilalagyan na niya ako ng earrings and necklace ko. Hays, kinakabahan na talaga ako.
"Mommy naman! Masisira make-up mo! Dapat maganda ang mommy ko sa kasal ko!"
Yep, you heard that right. Naghahanda kami ngayon para sa kasal ko. Any minute now, dadating na yung bridal car ko.
"Aba syempre! Kasal to ng panganay ko noh! Maganda naman ako kahit anong gawin eh. Syempre, mana ka sakin!"
Tapos nagtawanan kami ni mommy. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Excited na kinakabahan. Whoo! Nahirapan pa nga akong matulog kagabi eh. Mabuti nalang at may sleeping pills si Vanessa. Aba't humingi nalang ako sakanya. Baka magka eyebags pa ako sa big day ko noh!
*beep beep* [a/n: ang cheap ba ng SFX? Hahaha, dont worry, ipapa upgrade ko lang rin yan pag may time. Hihi]
"Nak, andyan na bridal car mo. Mauuna na rin kami ng daddy mo ha? Good luck nak." sabay halik sa aking pisngi
"Thanks ma."
Bumaba na rin ako with my elegant wedding gown. Simpleng gown lang sana ang ipapagawa ko eh special request ni mama na dapat siya daw in-charge sa gown. At alam niyo san pa pinagawa? Sa Paris mga dre! Tinatanong ko nga si mommy kung magkano bili niya pero hindi niya ako sinasagot.
Sumakay na rin ako sa aking bridal car at nakitang si Manong Jojo pala ang magdadrive. Siya ang naging driver namin simula nung pre-school pa lamang kami. Parang pamilya na rin sa amin si Manong Jojo.
"Wow, ang bilis ng panahon Leclec noh? Parang kahapon lang, hinahatid ko pa kayo nina Vanessa at Ysabel eh. Tapos ngayon, ikakasal ka na? Ang tanda ko na rin pala! Hahaha" sabi ni Manong Jojo
"Haha, kaya nga Manong eh. Pati ako nga eh, hindi pa ako makapaniwalang ikakasal na ako."
"Naku, napakaswerte talaga ni Jonathan. Napakaganda ng kanyang mapapangasawa."
"Eto naman si Manong, nambobola pa!"
Patuloy lang kaming nagkwentuhan ni Manong nang di ko namalayang nasa tapat na pala kami ng simbahan. Nakita ko na ang mga bisita namin. Whew, dami! Nakita ko na rin sina Mommy at Daddy na naghihintay sa akin sa labas.
Biglang hinawakan ni Manong Jojo ang mga kamay ko at sabay sabi
"Congrats Leclec. You've turned into such a beautiful lady. Mamimiss kita Leclec."
"Ikaw naman Manong, pinapaiyak mo ako eh! Ang make-up ko, haha"
"Hahaha, halika nga bata ka."
Tapos niyakap ako ng napakahigpit ni Manong Jojo. Nung naghiwalay na kami sa yakap sinignalan na ako ng coordinator na bumaba na.
"Bye Manong!" sabi ko pagkalabas ko ng sasakyan.
Nakita ko na rin sina mommy at daddy na naghihintay sakin. Nilapitan ko sila at hinalikan sa cheeks.
BINABASA MO ANG
Sparks Fly [on-going]
FanfictionDo you believe that love could be everlasting? If you'd ask me? I don't think so. Everything seemed perfect. BUT ALL OF A SUDDEN, EVERYTHING CHANGED.