New Chapter. Hope you like the story!
---
Naggising na ako ng mga 5:00. EverySunday kasi 6:00 kami nagsisimba ng family. Naligo na ako, nagtoothbrush at nagbihis. Nagwhite longsleeve lng ako at nagfloral na skirt mga knee length lng at nagsling bag na ribbon ang form na color black. Nakabun ang hair, nakadollshoes and I'm set. Bumaba na ako at sumakay sa car. Maya-maya pa ay sumakay na rin sila mom. Pumunta na kami sa simbahan at timming lng ang pagdating namin. Natapos na ang Mass at tinanong ako ni dad kung saan magbebreakfast sabi ko sa McDo na lng. Medyo matagal na rin kami hindi nakakain dyan eh. Kapag Sunday kasi sa labas kami kumakain pagbreakfast at gabi.
Pumunta na kami sa McDo and we ordered Pancakes and coffee. At dahil favorite ko ang fries, Nagfries na din ako. While we're eating, tinanong ako nila mommy kung kamusta yung dinner and other churva. Puro it's okay lng naman ang sinagot ko eh. Pagkatapos kong kumain, sabi ko kanila mommy na may bibilhin lng ako doon sa mart pero wala naman talaga. Tinatanong kasi ako nila ng marami-maraming questions. Sabi ko, babalik lng ako agad. Then sumakay na ako sa car at pumunta sa Convinience Store. Bumili na lng ako ng food para ilagay sa maliit na ref sa kwarto ko. After minutes, bumalik na ako sa car at pumunta na sa McDo. Then pagbaba ko sa car, nakita ko na may kasama na sila mommy and daddy. Pagpasok ko ay tumakbo si Niana sa akin sabay sigaw ng mommy! Tapos hinug niya yung legs ko and kinarga ko siya papunta doon sa table.
"Nandito pala kayo Seah?" sabi ko.
"Oo. Nagkita kami ng mom mo Sam." sabi ni Seah.
"What a coinsidence!" sabi ni tita Elcid tapos nagbless na ako sa kanya at umupo. Wala ng ibang upuan kundi sa tabi ni Ranz kaya doon na lng ako umupo. Sinabak niya si Niana.
"Mommy! Pwede mo ba ako subuan?" sabi ni Niana sa akin.
"Sure baby!" sabi ko tapos sinubuan ko na siya. Nag-uusap sila mommy, daddy at tita Elcid about business stuff habang sila Seah at Nina naman nag-uusap about di ko alam.
"Here comes the airplane!" sabi ko.
"Mmmmm! Sarap po pala mommy kung ikaw ang sumubo!" sabi ni Niana.
"Napakabolera mo Niana!" sabi ko tapos tumawa kami.
"Mommy! Di pa po kumakain si daddy. Subuan niyo po siya mommy oh!" sabi ni Niana.
"Huh? Asus baby! Di niya na kailangan yan! Malaki na siya baby!" sabi ko.
"Oo nga baby." Sinabi ni Ranz.
"Sige na po mommy please!" sabi ni Niana tapos nagpuppy eyes siya then nagpout.
"Sige na nga baby!" tapos tumawa kaming tatlo tapos sinubuan ko na si Ranz. Maraming nakatingin sa amin na tao. Sa likod nga namin may naririnig akong nagsasalita na,
"Baby nila yan?" "Ang cute ng lalaki!" "Bagay nga silang dalawa." "Pero mukhang ang babata pa nila." At kung anu-ano pa pero binabaliwala ko lng. Sinusubuan ko pa rin sina Niana at si Ranz tapos parang nanibago ako. Parang natahimik sila mommy at sila Seah pero wala lng sa akin. Noong natapos na ang pagkain nila Ranz at Niana, tiningnan namin sabay sina mommy, daddy, tita, Seah at Nina. Nakatingin pala sila sa amin habang naksmile. Tapos napatigil kami sa tawa ni Ranz at tumingin sa isa't-isa.
"Alam niyo? Kanina pa namin kayo tinitingnan." sabi ni mommy.
"Ang saya niyo." sabi ni dad.
"Para kayong isang pamilya." sabi ni Seah.
"Isang masayang pamilya." sabi ni Nina.
"Gusto ko kayo para sa isa't-isa." sabi ni tita. Tapos nag-ayiieeee sila.
"Huh? Si baby lng po ang nagsabi." sabi ko.
"Pero iba ang saya niyo." sabi ni mom.
"Uhm. Excuse me. Bibili lng po ako ng food." sabi ko para makatakas sa echos na yun. Nagpakarga sa akin si baby at dinala ko siya sa counter. Nag-order kami ng fries at coke float. Share lng daw kami ni baby. Binaba ko muna si baby para kunin ang food at biglang pumunta si Ranz.
"Ako na. Kargahin mo na lng si baby." sabi ni Ranz. Tapos ako ang nagdala kay baby at siya ang kumuha sa food. Umupo na kami at awkward silence. Nakatitig sila sa amin. Sinusubuan ko na lng si baby ng fries. Di na ako tumingin sa kanila at noong na-ubos na lahat ng food, umalis na kaming lahat. Umuwi na kami at pag-uwi namin, nagpalit lng ako ng damit instead of white longsleeve, nagloose shirt ako and instead of skirt, pedal. I also changed my dollshoes into a rubbershoes, grab a skateboard and nagpaalam kanila mom. EverySunday kasi, doon ako sa center park ng subdivision namin at nagseskateboard. Nagskateboard na ako ng mga ilang minutes at nagpahinga sa puno. Marami kasing puno doon eh. Mahangin. Wala masyadong tao kaya doon ako lgi. Solemn kasi. After how many minutes, may narinig akong boses, "Ano kaya magandang theme sa bagong video natin pare?"
"Aaaah. Oo. Pwede."
"Kaso sino bang marunong?"
Familiar yung boses na yun ah? Bale wala lng sa akin at pagtayo ko, may nakasalubong ako. Si Ranz pala. Sabi ko na nga eh! Familiar ang boses.
"Tawagan kita later Cav ha."
"Nandito ka pala Sam?" sabi ni Ranz.
"Ahh. Oo. Dito ako everySunday. Ikaw?" Sabi ko.
"Ahh. Wala lng. Pasyal-pasyal." Sabi niya.
"Do you have any plans?" Sabi ni Ranz.
"Now? Wala. Why?" Sabi ko.
"Pwede ka bang sumama sa akin?" sabi niya.
"Uhm. Sure. Saan?" sabi ko.
"Sa studio namin." sabi niya.
"Di ko alam kung saan yan pero okay." sabi ko.
"Yes. Let's go?" sabi niya. I nodded.
May tinawagan siya then sabi niya "We're on our way. Bye." Then he hanged up.
"Marunong ka magskateboard?" Sabi niya.
"Hindi nga eh." sabi niya. Tumawa ako.
"Sorry. Ahhahaha! Pero gusto mong matuto?" Sabi ko.
"Okay lng. Pero tuturuan rin kita magskate." sabi niya.
"Sure when?" sabi ko.
"Saturday?" sabi niya.
"Sure." Sabi ko. Medyo malayo-layo rin ang nilakad namin at sa wakas, nakarating rin kami sa studio nila. Sinabayan ko kasi siya maglakad. Umakyat kami at huminto kami sa door.
Tumingin si Ranz sa akin at sabi, "Ready?" sabi ni Ranz.
"Tss. Bat mo pa ako tinatanong? Syempre, lgi akong ready!" sabi ko. Tapos binuksan niya na ang pintuan.
---
Next Chapter :) Don't forget to vote for the story if you like. Comments pleaseee.
![](https://img.wattpad.com/cover/5393647-288-k168746.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are Mine
Lãng mạnThis is a Chicser Fan Fiction. If you're a Chicser hater or you just simply don't like Chicser, just imagine you and you're loved one ;) Thankyou :*