Another Short Story po 'You're my Princess, I'm your SuperMan',, Pabasa naman po kung ayos lang,, then Pacomment nalang po kung pagpapatuloy ko,,, hehehe then add din po kayo ng any reaction at mga naiisip niyong mangyayare.. ahaha,,, TNx..
_____________________________________________________________________________
"Hihintayin kita Errol,, Promise mo sakin ha,, hahanapin mo ko pagkagraduate mo ng College ,, Promise mo sakin di mo ko kakalimutan... Promise mo sakin,, ha..."
"OO Cindy,, Hahanapin kita at papakasalan.. pangako yan.."
Binitawan na ni Cindy ang kamay ko mula sa mahigpit namen pagkakahawak, Umaandar na kasi yung kotse na sinasakyan nya,, Sa Maynila na daw kasi sila titira ng pamilya niya at ako, ito naiwan na naiyak..
Teka teka.. para sa ikalilinaw ng sanlibutan.. ako lang naman eh 5 years old ng mga panahon iyon,,, Childhood Sweetheart ko si Cindy, Tanda ko pa nga nung unang beses na nagkakilala kame,, at aaminin ko nainlove na agad ako sa kanya nun,, ahem,, miski bata maalam na ho mainlove noh..
Anak siya ni Tita Anabeth, dating katrabaho ni Mommy, at super maarte yan si Cindy nung Bata pa yan.. tipong princessa daw siya at ako ang prinsipe niya, eh syempre ako naman eh walang hilig sa mga fairy tales na yan.. kaya lage kame nagaaway.. kasi mas gusto ko maging si Superman at siya ang babaeng ililigtas ko,, si Louis Lane.., kung saan ayaw naman niya kasi daw princess daw siya..
Pero dumating yung time na kung kelan naman kame naging close na at kung kelan pinagtapat ko na yung feelings ko sa kanya, promise nagpropose ako sa kanya.. tipong yung ring ko eh yung sa candy lang, sabi ko sa kanya.. na papakasalan ko siya sa paglaki namin.. tska naman sila naisipan umalis at dun tumira sa Manila,,
At yun nga yung scene na sinasabe ko kanina,, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Cindy habang naiyak ako,, nagdun siya nakadungaw sa may bintana ng kotse nila naiyak din.. at yun ang huling pagkikita namin ni Cindy..
Yun ang first HeartBreak ko,, super tagal ko nga daw umiyak nun sabe ni Mommy,, Pero ano magagawa ko.. Bata ako nun,, Sinubukan kong sulatan siya,, tipong ihuhulog ko yung sulat kong magulo sa mailbox,, pero di naman sumusulat si Cindy pabalik.. di ko ba alam kung di lang sadya binibigay nung mailman yung sulat ko o sadyang di siya sumusulat.. Sinubukan ko din pahanap siya sa kuya ko sa internet, which is di naman nanyare kasi were just 5 yrs old nun.. at as if na gumagamit na yun ng computer..
Okay.. Back to the real Word...
Nagtratrabaho ako ngayon sa manila as Comic Artist, Yup Graduate na ako,, Masaya ako sa buhay ko, Nauwi ako sa Condo ko na gift na Dad ko sakin nung naggraduate ako, at si Mitten lang kasama ko, isang pusa at ayos na ako dun..
Lovelife ko? haay.. magugulat ba kayo kung sabihin kong di pa ako nagkakagirlfriend? di naman sa panget ako o ano, kung tutuusin, crush ng campus ako nun.. ahehe yabang ko pero promise totoo yun.. lage ko nalang sinasabe sa mga tropa ko nung highschool at college eh,,, 'nakatali na kasi ako,, may naghihintay saking girl' o kaya 'Magagalit si Cindy nan,, kababata ko,,, pakakasalan ko yun eh', iniisip ko nga, ano na kaya itsura niya, isa pa rin kaya siyang prinsesa ngayon?, magaganda pa din ba ang mga ngiti niya,, kilala pa niya kaya ako,
BINABASA MO ANG
You're my Princess, I'm your Superman (FINISHED)
RomanceKilala mo pa ba ang iyong childhood Sweethearts,, May pinangakuan ka na ba na pakakasalan?? This is a story about Finding Someone and Waiting for your Love one.. :) Enjoy...