Chapter 3: Gusto kong Mcdo Fries

881 14 7
                                    

Maaga palang eh, nasa Office na ako at inaayos yung mga sketch pad ko, mga files ko,, mga pencil ko,, mga abubut ko sa table ko,, as in lahat..,, ang tagal kasi ni Kian,, di ko alam kung baket,, basta ang tagal niya.. at nakakasuklam.. sapagkat baka abutan pa kame ng trapik..

Nakita ko si Kian na kumakaripas ng takbo, tumingin ako sa kanya ng masama.. pero inunahan na niya ako ng paliwanag..

"OO na,, Late ako.. late... napuyat kasi ako sa kakalaro ng Guitar Hero,, "

Kinuha ko yung Box ko ng mga Sketches at inabot kay Kian,,

"Yan,, dalhin mo yan.. malayo pa lalakbayin natin... Alam mo bang nagskip ako ng breakfast kasi kala ko eh nagdito ka na.." sabe ko kay Kian na inis na inis

"Edi magaling kakain tayo... Libre mo diba. tra magbreakfast!!."

Tinamaan ng magaling tong si Kian,,, Anong klaseng kaibigan to,, napakaUSER... pero dahil ako nga naman ang nagyaya eh.. natural sagot ko siya, sagot ko siya pagnagutom, sagot ko siya pag may kailangan, sagot ko siya pag may nanyare ng masama sa kanya,, Pfff

Pagkababa namen sa Building eh sumakay na kame sa Kotse ko,,, at nagsimula na ang aming adventure para hanapin ang kababata ko,,,.. first stop namen syempre eh magdrivethru sa isang fastfood,, hmmm hulaan niyo kung saan...

Ahaha.. sa Mcdo,, Favorite ko kasi ang Fries nila dun... As in... (haay nagutom tuloy ang writer sa pagsusulat..)

Habang nagdridrive ako,, Kinuha ni Kian yung sulat ko nung bata at binasa.. napnsin ko nalang siya na nahagikgik sa tabi..

"Tol,, ang corney mo nung bata grabe,," sabe ni Kian habang tumatawa at kinakain yung burger niya..

"Wag ka ngang mang inis dyan,,," sabe ko habang.. syempre nagmamaneho at kumukuha ng fries sa gilid ko...

"kung gawin nating comics eh di exactly tulad ng sayo,, tipong lagyan naman natin ng twist... if isang superhero at nainlove sa isang princess,, diba asteeg,, Traditional na pinaghalong Futuristic,, ahahah"

Konti nalang masasapak ko na tong si Kian,, ahehehe... Futuristic your face,,,

"Pero indi nga Errol,, Siryoso,, lagyan nating Twist,, isang Princess and a superman,,, para naman may level ng exageration diba.. tips yun ni SIr diba.."

"OO na,, San ba yang address na yan,," tanong ko kay Kian na tila di pa din nakakarecover sa paghagikgik

Tiningnan ule ni Kian yung Address.. pagkatapos kinuha niya yung laptap niya at sinaksak yun broadband niya at naggoogle...

Tinype niya yung address at sineach sa wikimapia,,

"O tol,, diba... asteeg.... edi may map tayo,, ang nagagawa nga naman ng Internet i love it..."

Sinundan namen yung sinasabe nung wikimapia,, at sa haba ng aming byahe, sa dami ng drive thru namen napuntahan, at sa pagkaduling duling sa pagtingin sa mapa.. eh nakarating kame sa address na yun,, kaya nung nagdun na kame,, pinagtatanong na namen sa mga tao kung kilala nila yung mga Zhang.. kaso wala kaht isa sa kanila ang makapagsabe samen kung saan namen makikita si Cindy..

Halos abutin kame ng hapon sa paghahanap kay Cindy. Para naman mali yung address ko,, Pinagtanong namin sa iba kung tama yung address na nakalagay sa sulat,, tama naman daw,,,

Maggigive up na sana kame nung narinig kame nung matanda dun,,

'Toy,, Zhang kamo?? " napatingin kame sa matanda,,,

"Opo,, kilala nyo po sila.."

"OO naman,, kilalang kilala,, sundan nyo ko.."

Nabuhayan ako ng Loob meaning ba nito,, ito na yung time ng pagkikita namen ni Cindy? ng aking Prinsesa,, meaning ba nito, matatapos na ang aming paghahanap... meaning ba nito,, natupad ko na ang pangako ko sa kanya...  huminga ako ng malalim,,

Makikita ko na si Cindy,,, :)

_____________________________________________________________________________

You're my Princess, I'm your Superman  (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon