Forty Four.

4.3K 72 24
                                        

SORRY PO KUNG MAY TYPO O WRONG GRAMMAR!

Psyche's POV

“ Ano lalayas ka? Sa tingin mo kaya mo?” Hindi ko pinansin si Mama, Nagpatuloy lang ako sa pagiimpake ng mga damit ko. Pumasok siya sa kwarto ko kasunod niya pumasok si Papa na katulad niya galit na galit din.

“ Pagkatapos ng ginawa mo ikaw pa may ganang magalit!? Ipinahiya mo kami. “ Si mama parin yung nagsasalita, Si papa nakahawak lang sa kanya at inaawat siya.

Hinarap ko si mama. “ Ano ma? Kasalanan ko parin? Kasalanan ko kasi nagsabi ako ng totoo? TOTOO NAMAN EH! KAHIT KAILAN HINDI KITA NAGING INA. KAHIT KAILAN HINDI AKO NAGING PARTE NG PAMILYANG TO.”

*PAK*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko, this time hindi na galing kay ,mama, kay papa na. Halos mapaupo ako sa lakas.

“ How could you talk to you’re mother like that, BASTOS KA HA? ANAK KA LANG NAMIN KAYA WALA KANG KARAPATANG PAGSALITAAN KAMI NG GANYAN!.”

“ Yun nga eh, ANAK NIYO KO. Pero never kong nafeel na anak niyo ko.. Madali para sa inyong husgahan ako kasi hindi niyo naranasan yung mga naranasan ko, I tried to be a Perfect Daughter pero sadly hindi ko pala kaya. Sinubukan kong gumawa ng maganda at ikatutuwa niyo pero sorry na lang sakin  kasi laging nagturn-turn out na failure ako. Kung magsucceed naman ako, di ba hindi niyo naman napapansin? Madalas ipapamukha niyo pa nga sakin na kahit anong makaya kong gawin, walang wala parin ako compare sa ate ko. Sa ate kong maganda, mabait, matalino.. Lagi niyong sinasaksak sa kokote ko na walang wala ako compare sa kanya. ” Sunod-sunod na nagsibagsakan yung luha ko.

“ Alam ko pumupunta kayo dito hindi para pigilan ako kundi para sumbatan ako. Tama na Ma, Tama na Pa. Ansakit-sakit na kasi eh.. Ang hirap-hirap palang ipagsiksikan ang sarili sa mga taong pilit kang tinutulak palayo. Sinubukan ko naman eh.. Lahat naman ginawa ko para mahalin niyo ko, pero wala eh. Kahit anong gawin ko FAILURE ako. Ni minsan nga hindi ko narinig sa inyo yung salitang I LOVE YOU. Ni minsan hindi niyo nakita yung efforts ko. Lagi ko ngang tinatanong sa sarili ko kung ano niyo ba talaga ko? ANAK O INVESTMENT!? Lagi kayong nagdedesisyon para sa sakin kasi wala kayong tiwala sakin di ba?”

Tinignan ko yung mga itsura nila. Galit parin sila pero parehas hindi makapagsalita.

“ See? Asaan ang concern? Hindi niyo ba talaga ko naiintindihan? Kung anong gusto ko at kung anong kailangan ko? Kahit pala paulit-ulit kong ipaalala sa inyong anak niyo ko nakakalimutan niyo parin eh.. Ay hindi mukhang alam na alam niyo pero wala lang talaga kayong pakilam. Ma.. Pa.. Mukhang wala na talagang ibang magagawang tama sa bahay na to at sa pamilyang to kaya..”

Nahihirapan na kong magsalita. Pati paghinga ko hinahabol ko na.

“ Kaya, Paalam na muna.” Sinara ko na yung maleta ko at dumaan sa gilid nila.

Narinig kong humabol pababa sa akin si Mama..

“ Pagkatapos lahat ng ginawa naming para sayo ganito ang igaganti mo?” Papa

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad papuntang main door. Naitanong ko na lang sa sarili ko kung ano bang nagawa nila para sakin. Meron din naman yun nga lang more on material things at pera.

“ PAGLUMABAS KA NG PINTONG YAN, KALIMUTAN MO NG PARTE KA NG PAMILYANG TO..” –PAPA

“ Bakit? Matagal niyo naman ng kinalimutang parte ako ng pamilyang to di ba?” sabi ko pero hindi na ko lumingon pa sa kanila.

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon