ALAM KO BORING NA SORRRRRRRRRRRRRRRY!
Psyche's POV
" Black ang gusto kong motif. " Lahat halos sila di makapaniwala sa suggestion ko to tink na Fashion Designer ako. Bakit cool naman pag-black ah? Mala-Black Parade nga ang gusto ko eh.
" Gianne, bakit hindi mo gawing Blue o la--" Sabi ni Ate.
" Naaa. Ayoko. Common, plain Boring." sagot ko habang patuloy parin ang pag-iiscan sa binigay nila sa aking catalogue.
" Pero hindi medyo dull and lifeless ang black." Ang kulit-kulit lang talaga ng babaeng to.
]=/[.
" Exactly, I mean para sa'kin Stylish ang black." Tinignan ko lang siya na parang sinasabing 'sino ba ang mas may alam sa atin' at Gotcha, tumahimik siya.
" Ayoko din pala ng Church wedding.. kahit saan na basta wag sa church at hindi rin ako gagawa ng gamit pangkasal ko, bahala kayong maghanap kung sino. Gusto ko yung pure black lang ang wedding dress ko.." dagdag ko.
" Sis mas maganda kung may touch yun ng whi--"
" BLACK! I WANT IT BLACK." inilapag ko na yung hawak kong catalogue sa isang lamesa at tumayo. " Sige bahala na muna kayo may trabaho pa ko." I really don't have time for this. Hindi ko alam kung bakit nila minamadali ang walang kwentang kasal na to.
" Sis, di ba mamaya yung engagement par--" nagkaroon na ko ng hobby na icut yng mga sasabihin ng ate ko.
" Yeah, I know. No need to remind me, pupunta ako. Don't worry." Nginitian ko lang siya. Kahit di niya naman sabihin eh, alam kong alam niya yung ngiting yun ay pilit.
Wala naman talaga kong trabaho eh. Kung mayroon man hindi ko balak gawin yun ngayon, wala ako sa kondisyon. Dumiretso na lang ako sa condo para matulog. Kailangan kong mag-ipon ng lakas para mas maging matapang, mas maging cold.. It comes naturally naman yung pagka-ganito ko, minsan lang may parte sa aing bumibigay.. I won't let that part of me ruin everything.
Ilang hakbang papunta sa condo, isang tao agad ang nakita kong nakaupo at nakasandal sa pintuan ng condo ko. Si Eros. Anong drama ba ang gusto niya? Pwede naman siyang kumatok at pumasok. Pssh.
Nakayuko siya at may hawak na dyaryo. Malamang nabalitaan na niya.
" Eros." inangat niya yung ulo niya at ngumiti.
Gaya ng ngiti ko kanina yung kanya halatang pilit na pilit. " Oh , Gianne, antagal mo.. Kanina pa kita hinihintay." Plastic. Ang plastic din pala ng taong to. Tumayo siya.
" Pwede ka namang pumasok ah."
Napakamot siya ng ulo at parang naghahanap ng maisasagot niya.
BINABASA MO ANG
Million Reasons Why
RomancePaano kung mainlove ka sa taong alam mong malabong-malabong mahalin ka? Paano kung pinaglalapit nga kayo ng tadhana pero siya na mismong gumagawa ng space palayo sayo.. Ako si Psyche Gianne Dela Cruz and this is my story of Unrequited Love.. Mahal...