Holding on.

2.4K 53 7
                                    

May isa pa 'atang' Chapter!

SORRRRRRRRRRRRRRY GUYS! SORRY SA TYPO!

--

Tug.Dug.Tug.Dug.

Paakyat babang linya,

 at Bilang na paghinga.

Habang tinititigan ko siya, parang unti-unti akong pinapatay. Binabantayan ko yung aparatong nakakabit sa kanya at paulit-ulit na dinadasalan.

'Wag kang susuko'

Tug.Dug.Tug.Dug.

Mag-aapat na buwan na siyang comatose. Sabi ng doctor wala ng pag-asa at mas makakabuti daw kung tanggalin na lang yung mga machines sa katawan niya. Hindi ko tinanggap yun, halos makwelyuhan at masuntok ko pa nga yung doctor eh.  Milagro na lang daw ang pinanghahawakan ko.

Gayunpaman, hindi ako magsasawa kahit gaano pa katagal yan Psyche, hihintayin kita. Andami na ata nating sinakripisyo, ngayon pa ba tayo susuko? Lakas lang ng loob. May tiwala naman ako sayo eh. Sana lang talaga may tiwala din Siya sa atin at sana bigyan pa Niya tayo ng mas mahabang panahon.

'Sana lang din bilisan mong bumalik.'

papasok na ko nun ng Hospital at may dadala-dalang pagkain. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw. Nasabi ko sa sarili kong hindi kaya baka ngayon na siya bumalik?

'Sana, Sana lang talaga'

May ngiti yung mga labi ko nun na pumasok sa kwarto niya. Chineck ko agad yung aparatong nakakabit sa kanya. Nakahinga ako kahit papaano nung makita yung taas babang linyang yun na halos apat na buwan ko na ding binabantayan.

Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan.

" Gumising ka na engot."

Tinignan ko yung maamo niyang mukha at laking gulat ko ng may tumulong luha mula sa kanyang mata.

Ito na ba? Ito na sana yun... Punong-puno ako ng pag-asa at nasabi ko pa sa sarili kong baka ngayon yung hinihntay namng milagro...

 Sinasabi ko na nga ba eh, may milagro.

*TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT*

Naglaho lahat ng pag-asa, yung kakaunting saya sa puso ko, napalitan ng kaba. Parang humiwalay yung kaluluwa ko sa pagkatao ko. 

"Nurse! Nurse! Tumawag ka ng doctor" 

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon