Psyche’s POV
Nahihilo ako, ambigat ng pakiramdam ko,
Ang huling naalala ko sumakay ako ng jeep at napapad sa isang lugar… Uminom ako ng uminom…
Pinipilit kong alalahanin lahat pero wala akong maalala. Bumaba ako ng kwarto para kumuha ng tubig ng makita kong nagbrea-breakfast silang tatlo, Si mama, si papa at si Ate.
Masyado ng masikip para sumali pa ko, feeling ko kasi hindi ako belong. Kaya tinanaw ko na lang sila mula sa kinatatayuan ko.
“ Hindi ko talaga alam ang gagawin dyan sa anak mo..” Narinig ko pang sabi ni mama. Hindi naman niya Gawain ang mag-open ng topic pag kumakain kami, pero kung sa bagay minsan ko lang naman sila nakakasabay.
Yung sinasabi niyang ‘anak mo’ alam kong ako yun.
“ Masyado na siyang nagiging pasaway, bastos siya at walang modo. Minsan naiisip ko kung anak ko ba talaga siya. “ Si mama parin.
Biglang nagflashback lahat sa akin yung nangyari kahapon.
Lahat ng nasabi ko, lahat ng nagawa ko.. Hindi ako yun.. Napatakip ako sa bibig ko..
Hindi ba talaga ako yun? Siguro unti-unti na kong nagbabago. Masyado na kasi kong nasasaktan eh.
Alam ko nakainom ako nun pero aware din ako na yun yung mga bagay na matagal ko ng tinatago.. matagal ko ng gustong sabihin sa kanila…
Isa lang naman ang puno’t dulo nun eh, gusto ko lang naman na mahalin nila ko gaya ng pagmamahal nila sa ate ko. Paano pa nila ko makukuhang mahalin kung ganun yung pinapakita ko sa kanila?
Mali yung ginawa ko, maling-mali..Magulang ko sila at hindi ko dapat sila pinagsalitaan ng ganun.
Umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Bukas na yung Birthday Celebration ko pero feeling ko bukas na ko hahatulan ng kamatayan. Ang gara lang.. Hindi ko alam kung may saysay pa ba yung buhay ko, hindi ko alam kung kelan ba matatapos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Paulit-ulit na lang kasi.. Nagiging madamot sa akin ang tadhana. Luging-lugi naman ata ako.
“ Oh, Psyche.. Anak. Mabuti’t gising ka na.” Hindi ko naramdaman yung pagpasok ni Nanay Lourdes sa kwarto ko. Sa lahat ata ng tao sa mundo siya lang kung pinaka nagmahal at nag-alaga sa akin.
“ Nay mahirap ba kong pakisamahan?” tanong ko sa kanya habang siya nag-aayos ng pinaghigaan ko. Lumingon siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at pinunasan yung luhang di ko man lang naramdaman na tumulo.
“ Hindi, anak. Hindi ka mahirap pakisamahan, Mabuti kang bata alam ko..” Inakap niya ko ng mahigpit. Nakakatwang isipin na itong taong to na hindi naman ako ka-anu-ano pa ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang ina. Minsan nga naitanong ko sa kanya kung ampon ba ko, at kung siya ba ang tunay na nanay ko. Natawa lang siya sakin nun.
“ Kung ganun, bakit ganun sila sa akin?”
“ Hindi kasi nila alam kung gaano ka kabuti anak. Sayang nga eh hindi ka nila nakikita bilang ikaw.. Kung gaano ka kaganda, kung gaano ka kagaling at katalino, kung gaano ka kabuting bata… Wag kang mag-alala anak.. Magalit man silang lahat sayo.. Mawala man silang lahat sayo, iwan ka man nilang lahat, Si Nanay Lourdes hindi.. Lagi lang akong nandito, magtitiwala sayo. Lagi mong tatandaan kakampi mo ko .”
Si nanay Lourdes yung nagpapatunay sa akin na mahal ako ng Diyos. Mahal ako ng Diyos kasi kahit gaano kagulo at kahirap ng nangyayari sa buhay ko the fact na binigay niya sa akin si Nanay napakalaking bagay na yun.
“ Salamat Nay. Mahal kita.. Mahal na mahal.”
“ Naku naman tong batang ito, nagdrama pa pati tuloy ako naiiyak.. Mahal din kita. “ Kumalas siya sa pagkakaakap sa akin at pinunasan yung luha sa mga pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Million Reasons Why
RomantizmPaano kung mainlove ka sa taong alam mong malabong-malabong mahalin ka? Paano kung pinaglalapit nga kayo ng tadhana pero siya na mismong gumagawa ng space palayo sayo.. Ako si Psyche Gianne Dela Cruz and this is my story of Unrequited Love.. Mahal...