BABALA. NAKAKAINIT NG ULO ANG UPDATE! HAHAHAHA. SORRY SA TYPO AT SA WRONG GRAMMAR! MAY UMI_ENGLISH KASI DYAN EH. MEHEHE!
Psyche’s POV
Isang malakas na sampal sa mukha yung nakita ko, Hindi lang ata sampal para naring sapak, sabunot, saksak, sipa..
Bugbog na bugbog na ko.
Kulang pa ba yung pananakit na natanggap ko sa kanya noon?
Okay lang sana kung makuha ni Ate Lianne yung lahat ng atensyon ng tao dito sa pesteng lugar na to, wag lang yung kanya.
Nakakatawa talaga kasi parang nahiya lang sakin sila mama kaya sinabi nilang para sakin yung gabing to pero ang totoo gusto lang nilang maging madrama ang pagbabalik nila nina ate dito sa Pilipinas…
Kulang pa ba? Lahat naman nasa kanya na ah bakit kailangan pati yung taong mahal ko maging kanya rin?
Nakatulala lang ako at hindi aware sa nangyayari sa paligid. Wala naman ng makakapansin sakin kasi andyan na si Ate.
“ Psyche, Panyo oh..” tinignan ko lang yung lalaking naging escort ko ng last minute. Hindi ko siya pinansin at binalik lang yung tingin ko sa harap.
“Roses symbolizes….. . Finally the most awaited part of the evening, Please welcome the lovely debutante and her 18 Roses..” Tatawagin pa pala nila ako. Akala ko nakalimutan na nila ko eh.
“ Psyche..Tinatawag ka nila.” Tumayo ako, Tumayo din yung lalaking kanina pa salita ng salita pero hindi ako nag-abalang pansin. Inabot niya yung kamay niya sa akin pero gaya ng kanina tinitigan ko lang yun. Hindi siya nakatiis at kinuha yung kamay ko.
Dinala niya ko sa gitna at nag-bow. Nakatapat sa akin yung maraming-marami ilaw.. May sinasabi pa yung MC na kung anu-ano pero parang hindi na-aabsorb ng utak ko.
Isang malaking kalokohan lang lahat ng to, Lokohan. Gag*han. Sakitan.
Nagsimula na yung kanta at sinayaw na ko ng papa ko, habang ako nakatingin parin sa malayo at walang emosyon.
Gustong-gusto ko ng mag-break down at ilabas lahat ng sakit pero di ba sabi nila kailangan perfect lahat. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi ako pwedeng magpakita na lungkot, kailangan kong ngumiti.. pero ang hirap hirap eh.
Gustong-gusto ko ng umiyak.
“ Gianne… Smile. Ayusin mo yung itsura maraming kumukuha ng litrato…” sabi ni papa habang inaalalayan ako na huwag maapakan yung paa niya.
Ganun na ba kalala yung itsura ko? Oo nga pala baka mailagay to sa mga dyaryo, kahiya naman kung yung anak nila mukhang nalugi ang itsura. Nakakahiya sa part nila bilang mala Diyos at Diyosa ang itsura nila, ako lang atang naiisang lamang-lupa sa kanila eh..
Pinilit ko ngumiti habang kasayaw siya. Matagal ko tong pinangarap. Ang makasayaw ang papa ko, akala ko pag nangyari to mararamdaman ko yung pagmamahal niya sakin. Hindi pala mas nararamdaman ko yung mga tingin niya na parang nagsasabing ‘Ayusin mo maraming nakatingin sayo. Isang maling galaw mo lang lagot ka’.
Sa wakas natapos din yung kanta. Pinalitan siya ng isang lalaki hindi naman ganun ka-close sa akin pero kakilala ko.
Tapos napalitan ng mga pinsan ko galing ibang bansa.. tapos ng mga anak ng kasosyo nila mama sa negosyo..
Marami pang kasunod.. Nag-cocount down na ko gusto ko na lang matapos ang gabing to na punom-puno ng pagkukunyari. Bigla kong naalala na siya pala ang last dance ko. Paano ko siya haharapin? Mas ikatutuwa ko pa kung indianin niya din ako dito. Kung may magproxy na lang sa kanya, yun lalaking yun na lang, yung naging escort ko ng wala sa oras pero malamang nakasulat din siya sa letseng listahan na yun.
BINABASA MO ANG
Million Reasons Why
RomancePaano kung mainlove ka sa taong alam mong malabong-malabong mahalin ka? Paano kung pinaglalapit nga kayo ng tadhana pero siya na mismong gumagawa ng space palayo sayo.. Ako si Psyche Gianne Dela Cruz and this is my story of Unrequited Love.. Mahal...