Date Edited: 09.03.2015
***
"Bakit? Bakit ba sa akin nangyayari ito? Bakit ba ako na lang ang binu-bully? Bakit ba ako palaging pinapa-hirapan? Bakit ba lagi na lang akong nasa ibaba? Wala na ba talaga akong pag-asa na ma-punta sa itaas? Kahit isang beses man lang? Please...ayoko na ng ganitong buhay...sawang sawa na ako sa ganitong buhay...ito na ba talaga ang kapalaran na nakalaan sa akin? Kung ito nga..eh di sana, hindi nalang ako nabuhay...sana, hindi nalang ako binuhay! Buhay nga ako pero grabe ang pasakit ang nadarama ko...napaka unfair talaga ng buhay...hindi ko nakaya ito...mabuti pa't mamatay nalang ako..."
Hindi niya mapigilan na hindi mag isip ng ganyan sa tuwing napagtutulungan siya. Simula noong elementary student hanggang college student, biktima ng bully si Cindy. Sawang sawa na siya sa buhay niya. Pati yung pag-aaral niya noon, naapektuhan na din dahil sa nangyayari sa kanya. Kamuntikan na nga siyang hindi grumaduate dahil sa mga bulliers niya eh. Pati hanggang ngayon, may trabaho na siya. Ang mga tao sa opisina, hindi siya tinuturing na office mate. Ang turing nila sa kanya ay katulong sa bahay.
Hala, utos dito, utos doon. Sunod sunod ang utos nila kaya hindi na niya nagagawa yung iba pang inuutos sa kanya o kung nagagawa man niya, nahihirapan siya. Sunod-sunod kasi ang mga utos nila. Tapos, palagi pa siyang pinipintasan dahil sa kalagayan niya ngayon.
Cindy Grace Mauricio, 21 years old, nag tra-trabaho na sa isang opisina. Siya ay may sakit na seizure. Sa tuwing inaatake siya, ginagaya nila yung itsura ni Cindy sa tuwing inaatake siya. Siyempre, masakit 'yun para sa kanya. Masakit na masakit. Hindi naman tama na pintasan siya dahil sa sakit niya, hindi ba? Mabuti na lang mayroon siyang isang kaibigan na palaging nandyan kapag nalulungkot siya, si Jeffrey Paul Rodriguez o 'JP'.
At ngayon, heto nanaman sila, utos na naman ng utos kay Cindy.
"Cindy! Ipagtimpla mo nga ako ng kape!" utos ni Brittany, isa sa mga ka-opisina ni Cindy.
"Hoy babae ka! Halika nga dito at i-photocopy mo itong mga files na toh. Ayusin mo ha? Importante yan" utos naman ni Alliana. Nung lalapit na si Cindy kay Alliana, biglang sumigaw si Brittany.
"CINDY! ANO BA!! YUNG KAPE KO!! ANG KUPAD MONG KUMILOS!!!"
Hindi makasagot si Cindy. Basta sunod lang siya nag sunod. Si Cindy ang taong hindi marunong magreklamo sa tuwing inuutusan siya. Ganoon siya kabait at dahil sa sobrang kabaitan niya, inaabuso siya. Hindi kasi siya marunong lumaban at iyon ang kulang sakanya -- ang maging palaban tulad ng nakababata niyang kapatid na nag aaral palang ng highschool.
"Hala...ano na ang gagawin ko?" bulong niya, nag pa-panic. Nagulat nalang siya nang biglang may umagaw nung mga files na Ipapa-photocopy niya. Tinignan niya kung sino ang umagaw at nakita niya si JP na nakangiti sakanya.
"Ako na bahala dito. Ipagtimpla mo na ng kape yung bruha doon. Malamang, naguusok na ilong nun sa galit...parang toro" biro niyo. Natawa si Cindy.
"Sige, salamat JP. Ang bait mo talaga. Mamaya paguwi, kain tayo sa labas. Treat ko"
Nagiging masaya lang si Cindy sa tuwing kasama niya si JP. Napaka gaan ng loob niya kay JP at gustong gusto niya itong kasama.
Tinulungan ni JP si Cindy sa trabaho niya. Habang pinapa-photocopy ni JP yung mga files, nagtimpla na ng kape si Cindy para kay Brittany. Nung ibinigay na niya, nagreklamo pa siya na sobrang bagal niya at inirapan pa siya.
"Pasensiya na po. Sorry po talaga...may inutos lang po kasi sakin.." dahilan niya.
"Shut up you stupid girl! Umalis ka na nga sa paningin ko! Nabubuwisit lang ako! Panira ng araw!"
BINABASA MO ANG
Pagsubok | ✓
Novela Juvenil⭐ ONE SHOT ⭐ Alam niyo ang pakiramdam ng laging naapi at lagi kang nasa ilalim? Iyan ang nararamdaman ni Cindy. Simula nung bata pa lang siya, biktima siya ng bully. Madalas siyang inaasar sa sakit niya. Hanggang nagtratrabaho siya, ganun pa rin an...