Original

764 15 3
                                    

Date Written: June 03, 2014
One Shot Story

♪ ♪ ♪

"Bakit? Bakit ba saakin nangyayari ito? Bakit ba ako nalang ang binubully? Bakit ba ako palaging pinapahirapan? Bakit ba lagi nalang akong nasa ibaba? Wala na ba talaga akong pagasa na mapunta sa itaas? Kahit isang beses man lang? Please...ayoko na ng ganitong buhay...sawang sawa na ako sa ganitong buhay...ito na ba talaga ang kapalaran na nakalaan sa akin? Kung ito nga..eh di sana, hindi nalang ako nabuhay...sana, hindi nalang ako binuhay! Buhay nga ako pero grabe ang pasakit ang nadarama ko...napaka unfair talaga ng buhay...hindi ko nakaya ito...mabuti pa't mamatay nalang ako..."

Hindi niya mapigilan na hindi mag isip ng ganyan sa tuwing napagtutulungan siya. Simula noong elementary student hanggang college student, biktima ng bully si Cindy. Sawang sawa na siya sa buhay niya. Pati yung pagaaral niya noon, naapektuhan na din dahil sa nangyayari sa kanya noon nag aaral pa lamang siya. Kamuntikan na nga siyang hindi grumaduate dahil sa mga bulliers niya eh. Pati hanggang ngayon, may trabaho na siya. Ang mga tao sa opisina, hindi siya tinuturing na office mate. Ang turing nila sa kanya ay katulong sa bahay.

Hala, utos dito, utos doon. Sunod sunod ang utos nila kaya hindi na niya nagagawa yung iba pang inuutos sakanya o kung nagagawa man niya, nahihirapan siya. Sunod sunod kasi ang mga utos nila. Tapos, palagi pa siyang pinipintasan dahil sa kalagayan niya ngayon.

Cindy Grace Mauricio, 21 years old, nagtratrabaho na sa isang opisina. Siya ay may sakit na seizure. Sa tuwing inaatake siya, ginagaya nila yung itsura ni Ziel sa tuwing inaatake siya. Siyempre, masakit yun para sa kanya. Masakit, na masakit. Hindi naman tama na pintasan siya dahil sa sakit niya, hindi ba? Mabuti na lang mayroon siyang isang kaibigan na palaging nandyan kapag nalulungkot siya, si Jeffrey Paul Rodriguez

At ngayon, eto nanaman sila, utos nanaman ng utos kay Cindy.

"Cindy! Ipagtimpla mo nga ako ng kape!" Utos nung isang babae.

"Hoy babae ka! Halika nga dito at i-photocopy mo itong mga files na toh. Ayusin mo ha? Importante yan" utos nung isa ng pataray. Nung lalapit na si Cindy dun sa babaeng nagutos sakanya na ipa-photocopy yung mga files, biglang sumigaw nanaman yung naguutos na pagtimplahan siya ng kape.

"CINDY! ANO BA!! YUNG KAPE KO!! ANG KUPAD MONG KUMILOS!!!" sigaw niya na pagalit.

Hindi makasagot si Cindy. Basta sunod lang siya nag sunod. Si Cindy ang taong hindi marunong magreklamo sa tuwing inuutusan siya. Ganoon kabait si Cindy. Kaya nga inaabuso na siya eh. Hindi kasi siya marunong lumaban at iyon ang kulang sakanya -- ang maging palaban tulad ng nakababata niyang kapatid na nag aaral palang ng highschool.

"Hala...ano nang gagawin ko?" bulong niya, nagpapanic. Nagulat nalang siya nang biglang may umagaw nung mga files na Ipapaphotocopy niya. Tinignan niya kung sino ang umagaw at nakita niya si JP na nakangiti sakanya.

"Ako na bahala dito. Ipagtimpla mo na ng kape yung bruha doon. Malamang, naguusok na ilong nun sa galit...parang toro" biro niyo. Natawa bigla si Cindy.

"Sige, salamat JP. Ang bait mo talaga. Mamaya paguwi, kain tayo sa labas. Treat ko"

Nagiging masaya lang si Ziel sa tuwing kasama niya si JP. Napaka gaan ng loob niya kay JP at gustong gusto niya itong kasama.

At ayun na nga, tinulungan ni JP si Cindy sa trabaho niya. Habang pinapaphotocopy ni JP yung mga files, nagtimpla na ng kape si Cindy para dun sa ka-opisina niya. Nung ibinigay na niya, nagreklamo pa siya na sobrang bagal niya at inirapan pa siya.

"Pasensiya na po. Sorry po talaga...may inutos lang po kasi sakin.." dahilan niya.

"Shut up you stupid girl! Umalis ka na nga sa paningin ko! Nabubuwisit lang ako! Panira ng araw!"

Pagsubok | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon