Chapter 12: Quality time?

3K 55 10
                                    

[a/n: may bago akong story entitled HIS SUMMER PARADISE, please do read I need feedback kasi doon hahaha ^_______^ salamat sa mga magbabasa, sa tingin ko naman magugustuhan niyo eh, kasi pinag-isipan ko talaga ‘yun hindi lang halata ^O^

Click niyo ang external link sa right side ---------- >]

Chapter 12

( Quality time? )

I run as fast as I could, just to run away from Zekie.

Iniiwasan ko kasi siya dahil magkaheart attack ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko tuwing lumalapit siya sa akin mula noong iniligtas niya ako doon sa dalawang mahaedarang babaeng gumulpi sa akin na deds na deds sakanya.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa soccer field.

Umupo ako sa ilalim ng puno kung saan madalas akong kumain dati, nagsimula na akong kumain ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking matagal ko ng hindi nakakausap.

Ang pinakaunang naging kaibigan ko pero mali pala ako hindi ko pala siya kaibigan..

Si Kadmiel.

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at ibinalik na ulit sa jansport backpack ko.

Lalakad na sana ako palayo para iwasan siya pero natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.

“Caiden.” That hits me, natigilan ako dahil sa boses niya, bakas dito ang lungkot o imahinasyon ko lang ‘yun?

Hinarap ko siya wearing my cold bored look gusto kong ipakita na wala akong pakialam sakanya.

Kahit sa totoo lang gusto ko ng tumalon at yakapin siya, ayokong lokohin ang sarili ko, gusto ko si Kadmiel at namimis ko na siya ‘yun ang totoo. Siya ang pinakaunang lalaking nagustuhan ko.

Tinignan ko siya at sa palagay ko wala siyang balak magsalita.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

“I’m going.” I said coldly.

Nagsimula na ulit akong maglakad pero natigilan ulit ako ng magsalta siya.

“Are we still friends?” tanong niya.

Iyan din ang tanong ko sayo Kadmiel, friends pa ba tayo?  MALI!! Naging magkaibigan ba talaga tayo?

Pero diba ang magkaibigan hindi nag-iiwanan? Iyon ang alam ko, ‘yun ang mga nabasa ko sa mga libro pero bakit niya ako iniwan? Bakit hindi niya ako pinapansin? Bakit niya ako iniiwasan?

Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung bakit siya ganyan, hindi naman siya dating ganyan. Siguro napag-isip-isip niya siguro na hindi pala ako magandang kaibiganin?

Nakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib ko dahil sa mga naiisip ko.

Humarap ako sakanya.

“I don’t know.” I said and smiled sadly.

Siya ang unang nginitian ko, isang ngiting tunay at masaya, pero siya din pala ang ngingitiian ko ng ganito.. isang ngiting puno ng lungkot.

Pagtingin ko sa mga mata niya, nakita ko na may bahid din ito ng lungkot.

I looked away, dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko at kung anong gagawin ko. Napakapit ako ng mahigpit sa magkabilang sakbitan ng bag ko.

Make Love with the ICE MAFIA PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon