" Change is the law of life. And those who look only to the past or present are certain to miss the future."-John F Kennedy.
******************
CHAPTER 10: THE KISS
Masayang masaya siya habang nakikipag-usap sa mga anak. Panay ang kwento ng mga ito tungkol sa drama play na gagawin before graduation ng Kinder II. She so proud nang malaman na magtatapos with honors ang mga ito.
"Goodnight Mommy! We love you." Magkasabay na nag-flying kiss ang kambal sa screen ng video call. She was already missing them so much. Gusto na niyang hilain ang petsa ng kalendaryo upang makauwi sa araw ng graduation ng mga ito.
"Mahal na mahal din kayo ng mommy mga anak! Mwah! Goodnight. Love you, love you sa inyong dalawa!" Naiiyak niyang responde. Matutulog na kasi ang mga ito dahil alas otso na ng gabi. Four hours din silang nag-uusap through video calls, pambawi man lang sa mga late at absent niya sa Skype last few days.
Isinara niya ang laptop pagkatapos. Humiga siya sa kama at nakangiting nakatitig sa kisame. Her greatest inspiration is her twins. Kaya siya nagsisikap para sa mga ito. Biglang pumasok sa isipan niya ang imahe ni Geus. Naiinis siyang sumigaw. Starting tomorrow, she would always sees his face moving around the corner, dominating her bothered soul. Akala pa man niya ay wala na siyang gaanong nararamdaman para sa binata. Hindi din pala talaga ganoon kadali nakakalimot ang puso.
The first time she saw him in the elevator, her heart beats rapidly, tila huminto ang mundo niya. And she realized even more that she was still affected by him. Kinabukasan, nasundan ang pagkikita at nauwi sa isang hindi magandang pag-uusap. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay magiging boss na niya ang asawa simula bukas. Subrang bilis ng pangyayari. Pakiramdam niya parang kailan lang may nangyari sa kanila at nabuo agad ang kambal. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat.
Sa tuwing tinitingnan niya siya Steve, agad na pumapasok sa isipan niya ang imahe ni Geus. Why did the two is so much look-alike? Parang pinagbiyak na bunga ang anak niya at ang ama nito. Magkaiba lamang ang kulay ng kanilang mga mata but other than that, lahat ay nakuha kay Geus. Simula sa makakapal na kilay, sa shape ng mukha, sa tangos ng ilong, sa labi nito and even the attitude.
Gusto niyang kamuhian si Geus pero kahit saang anggulo konektado siya sa asawa. Una at ang mga anak nila. Pangalawa, their marriage. Their fvcking marriage na hindi naman nagkaroon sa kanya ng pakinabang. She also hates herself even more because of her goddamn feelings for him. Geus is manipulating her without him knowing.
Nagising ang diwa niya nang marinig ang malakas na doorbell ng kanyang apartment. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Maliban na lang kay Liam dahil pabugso bugso ang pagbisita nito paminsan-minsan. Pero once in a blue moon lang naman nangyayari ang pagbibisita nito sa kanya.
"Ahay, si Liam talaga." She murmured while walking to the main door.
"Liam ano bang—"
Natigilan siya nang makitang muli ang pagmumukha nito. Napaawang ang bibig niya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Halos hindi siya makapagsalita. Dahil sa pagkabigla agad niyang isinara ang pinto at kinakabahang sumandal sa pinto.
"Hindi ba siya nagsasawang makita ako? Paano niya nalamang dito ako nakatira?" Kinakausap niya ang sarili. She heard a loud knock outside. Bumuga siya ng hangin at pinagbuksang muli ito.
"Bakit?" Pagtataray niya.
Geus did not take his eyes off her. Seryusong seryuso ang mukha nito. Walang kangiti-ngiti.
BINABASA MO ANG
The Jerk's Wife
General FictionTHE JERK'S WIFE The Billionaire's Love Series 3 AEGUES RAMA SCHWARTZ Aegues met Maria six years ago due to an unintended affair. After spending the night with his fake wife, he learned that the explainable feeling of lust, love, and need keeps haunt...