" You have to learn the rules of the game. And then you have to play better than anyone else."-Albert Einstein.
*****************CHAPTER 5: THE UNEXPECTED MEETING
Natulala siya habang nagsusulat ng reports. Hanggang ngayon hindi parin siya makaget-over sa nakita kanina. She saw him in the elevator. Kapwa sila natigilan habang nagtitigan sa isa't-isa. Abot-abot ang kaba niya habang papasok sa opisina. At halos liparin na niya ang pagitan ng pinto at elevator sa pagmamadali. Alam niyang nakilala siya nito. Pero hindi man lang siya nito hinabol o tinawag man lang.
Do you think hahabulin ka niya?
Kanina pa siya aligaga. Hindi na siya mapakali sa pabalik-balik sa paglalakad sa loob ng lounge area. Kalaunan, kumalma siya at pilit na iwinawaksi sa isipan ang imahe ng kanyang asawa. Paano niya makakalimutan ang taong nagbigay ng malaking biyaya sa kanyang buhay? Ang lalaking naging laman ng kanyang puso't isipan sa anim na taon. Ang lalaking pinangarap mahalin din siya nito ng buong buo katulad ng pagmamahal niya. Pero lahat ng iyon ay produkto lamang ng kanyang imahinasyon at pangarap na sana'y mabuo sila bilang isang pamilya.
Sa ibang dako, ang lalaking kauna-unahan at maaaring kahuli-hulihang tao ang nagdulot ng sugat sa kayang pagkatao at nag-iwan rin ng isang hindi mapapantayang ligaya. Ano man ang mangyari, isa lamang ang sinisiguro niya, iyon ay ang custody ng mga bata. Dapat nasa kanya ang mga bata.
"Claire, you can leave early now. Tutal okay na ang lahat. Salamat nga pala sa pakikipagdeal kay Mr. Buenavista. You make him yes for investment." Nakangiting pasasalamat nito habang may dala dalang mug of coffee. Natawa siya nang makita ang cute mug na binili pa niya sa Baguio with her twins. Lilly chose that mug as a birthday present for her boss. Kaya naman tuwing nagkakape ito madalas nitong gamitin ang mug at ibinabalandra ang design ng cute na cartoon character na si Sponge Bob. Kaya minsan nakakatawa dahil kahit mga employees and board members ng company naaaliw sa mug ng boss niya.
She heaved a sigh at tipid na ngumiti. "Walang anuman po Sir. Mr. Buenavista is my batchmate in college. He maybe recognized me." Nakangiti niyang sagot saka nagpreparang umuwi. Inayos niya muna ang folder arrangement sa mesa.
"Oh, I see. Bilang kunsuwelo, I'll give gifts to your twins. And I don't take no for an answer." He said, grinning.
Nasanay na siya sa mga pakulo nito. At wala na siyang choice kundi ang umu-oo na lamang. Dahil hindi naman siya tumatanggap ng materyal na regalo, ang mga anak niya ang binibigyan nito. She was used to it. Nagpapasalamat na lamang siya sa kagiliwan nito.
"Well, thank you very much. You're spoiling my twins already." Nakangiti niyang tugon.
He chuckled, "I told you how much I adore kids. Oppss... you owe me for that, hindi mo pa ipinapakilala sa akin ang mga anak mo." Sabi nito.
"Two weeks na lang Sir tapos na ang klase nila, by that time dadalhin ko na sila dito pagkatapos. Naku, I'm telling you.. makukulit ang mga anak ko. I'm sure mapapagod ka sa kanila." Habang sinasabi niya ang mga bagay na yon, bumabangon na naman ang pananabik niya sa mga anak. Gusto niyang makauwi agad dahil magvi-video call pa sila through Skype.
"Ako mapapagod? No way! Sanay ako sa mga bata. Trust me, I can manage how playful they are." Assurance nito. Biglang may gumuhit na kakaibang lumbay sa mga mata nito. Huminga ito ng malalim at yumuko wari may inaaalala.
"Sir, okay ka lang?" Nababahala niyang tanong dito. Bigla kasi itong natahimik. Tiningnan niya ito sa mga mata pero pilit nitong iniiwas.
"I'm fine—"
BINABASA MO ANG
The Jerk's Wife
Ficción GeneralTHE JERK'S WIFE The Billionaire's Love Series 3 AEGUES RAMA SCHWARTZ Aegues met Maria six years ago due to an unintended affair. After spending the night with his fake wife, he learned that the explainable feeling of lust, love, and need keeps haunt...