The Jerk's Wife: 26

131K 2.7K 68
                                    

"All happy families are alike; each unhappy family is unhappy in its own way."

— Leo Tolstoy

Chapter 26: Getting Closer

Pumasok siya sa opisina dahil may kailangan pa siyang ayusin bago ang mahaba-haba niyang bakasyon para sa mga bata.

"Hey good morning Geus!" Isang matamis na ngiti ang isinalubong ni Rolen.
Sinulyapan niya ito ngunit isang tango lamang ang itinugon niya. Hindi talaga niya gusto ang prensensya nito pero dahil isa ito sa mga empleyado niya with a higher position, kailangan niya padin itong pakisamahan no matter how irritating she was.

"Where's your secretary by the way?" She blurted out with her sharp tongue tone. Iniangat niya ang ulo at nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. He does not have to answer her questions Ibinalik niya ang atensyon sa kanyang ginagawang pagreview sa mga documents.

Tumikhim ito, "Ohh sorry about that, she is your wife pala.” Agad nitong dugtong saka umupo sa tapat ng working table. Bahagya pa itong napaismid. Hindi niyapinansin ang sinabi nito.

"Oh nga pala, may plano ka palang magleave. How about the project in Macau? I mean dalawa tayo ang pupunta doon for follow-up and monitoring.”

"I've already passed it to Richard. Kayo ang magkasama sa project sa Macau. I'm busy, plus I have family matters to attend to." Seryuso niyang putol sa mga sasabihin pa nito. Busy siya sa pagrereview sa mga papeles sa mesa.

"Really? Binigay mo sa kanya ang project without consulting me?" Bahagyang tumaasang boses nito, wari hindi nagustahan ang kanyang narinig.-Nagtaas siya ng mukha para tingnan ito.

"Why do I have to consult you miss Cruz? Remember I'm the boss here. Isa pa, magaling si Richard. I trusted him with this project." He answered sarcastically. This is the reason why he doesn't like this woman. She acts like she's the boss of this company where in fact she is only the daughter of Mr. Cruz, one of their stockholders.

Umasim ang mukha ng dalaga sa sinabi ni Geus. Bahagya itong nagtaas ng kilay.
"Well, if that is your plan, then fine. I don't have problem with that." Huminga ito ng malalim at biglang nag-iba ang ekspresyon ng Bahagyang tumaas ang mukha. May kinuha itong maliit na envelope.

"Look at this. Siguro naman matututo ka na right after you saw that. Isa lang naman yan sa mga ebidensya na hindi ka talaga mahal ng asawa mo. She only loves your money Geus. She's a bitch-—-----"

"As far as I know labas ka na sa personal life ko." Agad niyang putol sa mga sinasabi nito. Hangga't maaari, ayaw niya muna makarinig ng kahit anong negative vibes especially when it comes to dealing with his wife. Inuumpisahan pa lamang niyang buohin ang kanyang pamilya at hindi niya hahayaang may sumira sa mga plano niya. Wala sa sariling napatingin siya sa envelope.
Rolen sighed in disappointment as if concerned about his situation and acted like she is the family member of him.

"Geus, I'm just concerned. As a friend, I'm doing this for you para hindi ka na umasa at masaktan. Remember, sa akin  mo pa nalaman na may mga anak kayo, na niloloko ka ng asawa mo. Hindi mo ako  mapipigilang mag-alala sayo. Alam naman nating gold digger si Claire and besides----------"

"You don't have the right to accuse my wife.” Nagtitimpiang tono ng kanyang boses.

“Will you please get out kung wala ka namang magandang  sasabihin?" Hindi niya mapigilang umalsa sa galit sa pangingialam nito.

"And the company is not paying you para panghimasukan ang buhay ko.” He added.

Namula si Rolen sa pagkapahiya at itinaas nito ang noo. Hindi parin ito natinag sa kanyang mga sinabi. She crossed her arms and sighed.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon