The Jerk's Wife: 21

126K 3.1K 129
                                    

"As the family goes, so goes the nation and so goes the whole world in which we live."

----Pope John Paul II

****

CHAPTER 21: FATHER'S LOVE


Stranded. Nasa kalagitnaan sila ng highway, dahil traffic at subrang lakas na ng ulan. The twins are sleeping at the back seat. Napagod sa buong araw na pamamasyal. Sumasakit na yata ang ulo niya sa pagod sa paghihintay. May bumusina sa likod ng sasakyan. Maya-maya may narinig siyang kumakatok sa windshield ng kotse. Ibinaba niya ito ng kaunti dahil nakasuot naman ang mama ng raincoat.

"Sir, bakit ho?" Nagtataka niyang tanong sa pulis trapiko. Nakita niya kasi ang suot nitong pang-itaas.

"Ma'am, saan po ba ang punta niyo?" Tanong ng pulis trapiko.

"Sa may Ortigas Avenune po."

"Bumabaha na sa ma unahan at hindi na po madadaanan. Mabuti pa't bumalik na lamang kayo o di kaya'y maghanap kayo ng ibang daanan para makauwi kayo ng safe. Mataas na ho ang tubig at wala yatang planong huminto ang malakas na ulan dahil nag-uumpisa na ho ang bagyo sa ibang dako ng Luzon." He advised.

"Oh sige ho salamat." Sagot niya. She bit her lip wearily. Paano ba yan?

"Walang anuman."

Umalis na ang pulis trapiko at dahan-dahang nagsipagbalikan ang mga sasakyan. Bigla siyang naalarma. Paano niya makokontak ang ina, eh naiwan nga ang cellphone niya. Kapag gumagala sila, tanging camera at personal phone niya lang ang dala. She glanced at her wristwatch, at malapit ng sumapit ang gabi. Ang layo pa ng uuwian niya. She was looking where to shelter. Lumiko siya sa Rizal Avenue then she realized something.

Malapit lang dito ang Quezon Avenue kung saan ang penthouse ni Geus.

Iniliko niya ang sasakyan sa nasabing lugar. Bahala na. Ang mahalaga, safety ang mga bata. Kinakabahan pa siya sa habang nakatanaw sa sa penthouse. But then, nagawa niyang ipasok ang sasakyan sa parking lot. Natutulog parin ang kambal. Tutal alam naman niya ang pass code ng bahay nito. She was not sure if Geus is here. Pero tingin niya ay nasa opisina pa ito. Pagkatapos ipark ang sasakyan ay ginising niya ang dalawa at binuhat ang mga pinamili. Alam niyang pagod ang mga ito kaya pinabalik niya ng tulog sa guest room. She will let them sleep hanggang sa makapagluto siya ng hapunan. Maya-maya magigising din ang dalawa at maghahanap ng pagkain. Wala parin si Geus. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang totoo. What would she expect? She was so sure na susumbatan siya nito ng bonggang-bongga. Tatanggapin niya ang anomang ang magiging reaksyon nito. Ang mahalaga ay makilala na ng kambal ang kanilang ama. That is all that matters.

Tinawagan niya ang number ng ina through landline.

"My God! Mariah Claire! Nasaan na kayo ng mga bata? May paparting na bagyo at ang lakas pa ng ulan!" Nenerbiyos na sambulat ng kanyang ina.

She sighed and smiled a bit for his worried. "Ma, okay lang kami. Nandito kami sa bahay ng tatay nila." Sagot niya.

There was a brief paused on the line. Siguro hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"So ano ang reaksyon ng ama nila?" Kuryusong tanong nito.

"Hindi pa dumarating. Nasa trabaho pa Ma." She answered back. Sinabayan niya ng isang mabigat na buntong hininga. Ang totoo niyan, hinahanda na niya ang sarili sa pwedeng mangyari ngayon. Knowing Geus, tiyak na magagalit 'yon sa paglilihim niya.

"O nga pala, cancelled ang moving-up ng kambal. Ni-reschedule ng principal dahil sa paparating na bagyo. Mauna na lang siguro ako pag-uwi sa Baguio. Tutal andyan ka naman para alagaan ang dalawa. Ikaw na ang bahala sa kanila. Wala kasing kasama ang papa mo doon. Nag-aalala na ako." Esplika nito, halatang ayaw din munang pag-usapan ang tagpong ito.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon