Chapter 3 - Antipatiko

15 2 0
                                    

 
                                   

Naglalakad ako papunta kung saang building ako may klase ng may nakasalpak na earphone sa tenga at nagbabasa. Kahit naka earphone ako rinig ko ang pinag uusapan ng mga babaeng nakakasalubong o nadadaanan ko. Pero, wala akong pake. Parang high school lang. Mga babaeng nagpapantasya sa sikat at gwapong nilalang ng school. 


Charles. Yan ang pinag-uusapan nila. Sino bang Charles yun? Ganun pala siya kasikat? Na kahit saang building ako pumunta naririnig ko pangalan niya. Samahan mo pa ng mga babaeng tumitili habang binabanggit ang pangalang Seamus. Weird name. 


Di ko namalayang may kasalubong na ko dahil sa kakaisip ko. 

"Ouch!" - hawak ko sa balakang ko dahil napaupo ako. Suki na ko ah. Kahapon pa t
'to.

"Tsk! Di kase tumitingin sa dinadaanan." - napaangat ang ulo ko at napadilat ang isang mata kong tumingin sa lalaking nasa harap ko. Malamig ang aura niya. Naka poker face pero makikita mo ang pagkairita sa muka niya. Sa gwapong muka niya. Tsk. Cold. Napa smirk na lang ako. 


'Di niya man lang ba ako tutulongan? 


"Tsk." Siya.
Biglang naging poker face ako ng marealize kong napatitig ako sakanya.

"Kung inaakala mong maaakit mo ko miss-" nag smirk siya bago nagsalita ulit "then, you failed. Tsk." At tumingin siya sakin.
Nagugulohan ako sakanya, hindi ko alam pinagsasabi ng lalaking 'to.
Napanganga na lang ako ng pag yuko ko nakita kong hanggang kalahati na lang ng legs ko ang natatakpan ng skirt ko. 

"Oh Ghad!" Agad kong inayos ang skirt ko. May short naman ako pero di aabot hanggang kalahati ng legs ko. Ramdam kong namumula na ko. 'Di ako makatingin sakanya. Hindi din ako makagalaw sa pwesto ko. Shizz! 

"Psh. Uso tumayo miss." Cold niyang sabi atsaka nilagpasan ako.


"Antipatiko!" Sabi ko na sakto para marinig lang niya. Pero hindi na siya nagsalita pa. 


Napatingin ako sa paligid ko. Hayys. Buti di masyadong matao sa part na 'to pero may ibang napapatingin sakin. Nakakahiya! Agad akong tumayo at pinulot ang as usual libro kong tumalsik. Nadalwahan na ang libro ko. Mga bwesit! Urggg! Tinanggal ko na din ang earphone kong nakasabit sa damit ko. 

Magmartsa ako papunta sa room na bweset na bweset at sira ang araw.

Pagka pasok ko sa room ay napaubob na lang ako sa desk ko. 'Di pa naman time. Buti maaga ako pumasok. 


"Good morniiiiiiiiiing!" Sigaw ng pumasok. Alam niyo na kung sino yan. Hayys.

Inangat ko ulo ko nang may tumapik sa balikat ko. "What?" Tanong ko kay Jayla na ngayon ay abot tenga ang ngiti. Tss.

"Ikaw ahh. Bago mo bang hobby ang pangbubundol sa mga hot guys? Ha?" Nakapameywang niyang tanong. 


"Tsk!" Binalik ko ulo ko sa pagkakaubob. Sabi sainyo. Daig pa chismosa niyan. Kakapasok ko lang sa room alam niya na agad. 

"Hoy! Bish!" Yugyog niya sakin "Inakit mo daw si ano? Hahahah" pak! Ayan nanaman! 

Inangat ko ulo ko dahil alam kong hindi ako titigilan neto. "Hindi! Asa siya! Kapal ng mukha! Urgh!" 

"Hahahahaha mga sikat talaga trip mo." Nakaupo na pala siya sa tabi ko. 

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Mas sikat yun bish kesa kay Charles" *o* kumikislap ang mata niya

"La akong pake! Wag kana maingay please! Naiimbyerna ako!" Atsaka ako umubob ulit. Dahil dun hindi na siya ulit nagsalita. Alam niya na naiinis na talaga ako at wala ako sa mood makipag usap.


-----



Mabilis na lumipas ang oras.
Nasa bench ako ngayon at nagbabasa ng librong hindi ko pa din matapos-tapos. Sinimulan ko kahapon hanggang ngayon di pa din ako tapos. 


Habang busy ako sa pagbabasa ay may umupo sa kabilang bench. Dalawang babae. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.


"Grabe Ren. Ang gwapo talaga ni Seamus. Ang hot niya gumalaw. Yung the way siya mag lakad. Pati yung pag shoot ng bola. Kyaaaah!" Napapailing na lang ako. Tss. Pati ba naman dito di ako matatahimik. Kanina pa yan ah? Sino ba kaseng Seamus na yan?
Pinagpatuloy ko na lang pagbabasa ko.

"Naghubad pa siya ng shirt niya. Shit! Yung abs!" Nararamdaman kong naglick pa siya sa labi niya. Hayys!

Dahil hindi ako makatiis. Nagsalpak ako ng earphone. 'Di ako makapag concentrate sa pagbabasa. Mga distraction!


"Yung pagtulo ng pawis niya sa buong katawan. Kyaaaaah! Ang sarap punasan."

"Ang galing pa magpashoot ng bola. Three pointer. F*ck!" napakunot noo ko dahil sa narinig ko. 

"Pati si Charles mehlabs! Grabe! Ang sexy ng katawan. Yummy!"

Urghhh! Ano ba? Dahil sa inis ko, sinara ko na lang yung libro at idinikt yung likod ko sa upuan at pumikit. Tinanggal ko na lang din ang earphone sa tenga ko. Useless ee. Halos gusto ko silang singhalan na magsipag layas. Nakakainis presensya nila. Lalo na yung mga boses na akala mo iniipit ng nail cutter.


"Sa tingin mo? Magaling din siguro sila sa alam mo na... kama." pabulong na yung last word pero dahil sa matalas ang pandinig ko rinig ko yun. Napamulat ako ng mata. Mga ano nga naman. Psh.

No choice! Maaga pa naman. Antagal kase ni Jayla. 

"Bat hindi mo i-try? Sa pagkakaalam ko lagi sila dun sa Bar? Kakagat yan. Mga lalaki eh. Konting pakita ng cleavage at legs." Mararamdaman mo ang pag smirk niya sa pagsalita.

"Oh! Nice idea Arlene." She grinned.

'Di ako chismosa pero hindi ko mapigilang di makinig.. Ay di pala, hindi ko mapigilang hindi marinig ang pinag-uusapan nila. Ganun ba sila kadesperada? Well, goodluck girl.


"Bish!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Jayla!" Tawag ko sakanya at tumayo ako.

Napatingin ako sa right side ko kung san naroon yung dalawang babae pero wala na sila. Siguro mag aayos na yun para sa plan nila. Psh.
Nadako yung tingin ko sa lalaking dumaan. Alam kong nakatingin siya sakin kanina. Weird! Pero parang kilala ko siya. Kamukha lang ba? 


"Sier!" Nabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Jayla. Andito na pala siya sa tabi ko.

"Ano tinitingnan mo? Tara na?" Jayla

"Wala. Sige. Tara." Kinuha ko na yung bag ko at naglakad na kami ni Jayla.

"Kain muna tayo Bish. Nagugutom na ko." Jayla

"Sige." 

Dumiretso kami sa cafeteria. Kumain lang kami at nagkwentohan. Kinwento ko din sakanya yung narinig ko. At ang bruha balak pang sundan daw namin. Pero syempre wala akong pake kaya hindi ako pumayag. Kahit naman ata hindi kami pumunta malalaman niya din eh. Galamay ba naman niya.

Habang naglalakad kami papalabas ng campus nakita ko si "antipatiko" na palabas ng court kasama ang ibang lalaki. Basa ang kanyang buhok. Iniwas ko din ang tingin ko. Naiinis pa din ako sakanya. Walang modo! 


"Sige bish. May pupuntahan pa ko ee. Alam mo na." She winked at me atsaka nakipagbeso sakin at saka sumakay sa sasakyan niya.

 

Hayys. Talagang susundan niya? Naglakad na lang ako. Hindi ako nagpasundo ngayon. Gusto ko maglakad. Naiisip ko pa din siya. Malabong siya yun. Nasa america siya. Nagugulohan na talaga ako.

 

Henrich. Magkikita pa kaya tayo?



xxx  


You Changed My Life (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon