Chapter 5 - Mission

15 2 0
                                    

                         --- Jayla's POV---

"Bye mom! Bye dad!" I kissed them on the cheeks

"Bye sweetie." - mom and she kissed me on the cheek

"Take care baby." - dad and she kissed me on the forehead.

I pouted. " dad! I'm not a baby anymore. So stop calling me baby." - they just laughed at me. Tsk.

"Haha. Alis na baby. Baka malate kapa. Bye." They smiled at me at ako naman lumabas na. Aalis sila ngayon for business. Hayys.

Sumakay na ako sa sasakyan ko. Pero may driver ako. Hindi pa naman ako pwede mag drive no. Actually, ayaw lang nila akong pagdrive-in. Kahit sa school lang. Reckless driver daw ako.

Habang nasa byahe nakasandal ako sa bintana ng sasakyan ng may makita akong pamilyar na tao. It's him. With his new err. Tsk. He ruined my bestfriend's life. Though I know the reason. But still. Hayys.

Iniwas ko na lang ang paningin ko sakanya. Masyado ng nasaktan si bish.

Bumaba agad ako ng sasakyan pagdating sa school.

Pagpasok ko sa room nakaub-ob nanaman siya sa desk niya. Hayys. Aga-aga naman kay bish ganyan nanaman itsura. Haler~ 7am pa lang po.

"Good morniiiiiing!" - sumigaw ako. Ayun umangat na siya ng ulo niya. Napa smile na lang ako.

Tumingin siya sakin, at what the?! Bat namamaga nanaman mata neto? Tsk. Nag smile siya sakin. Psh. Pretender.

Lumapit ako sakanya. "Hoy! Bish, kamusta naman ang binasa mong libro? Huh? Mukang nakakaiyak ah?" Sabi ko sakanya. Pero alam ko ang dahilan. Hayys. Isa lang naman dahilan kung bat siya nagkakaganyan noon e.

"Sira!" At binalik niya ulit ang muka niya sa pagkakaub-ob. Abat! Pasalamat 'tong babaeng 'to bestfriend ko siya. I pouted.

Tumabi na lang ako sakanya. Alam ko na kung ano ang gagawin mamaya. Ayt! Pano ko ba gagawin yun?

-

Buong araw siyang walang kibo. Kung tutuusin lagi naman siyang ganyan. Pero iba kase ngayon e. Alam kong may something kaya siya ganyan.

Habang kumakain, tititig muna siya sa pagkain bago isusubo. Ano yun? Chinicheck niya muna kung may lason? Tapos ang pag nguya niya pa ang tulin. Sira na talaga siya. waaah. Gagawin ko na talaga yun!

"Bish." Kinalabit ko siya. Nasa room kami ngayon, nag aantay ng prof at last subject na namin.

Lumingon siya sakin at tinaas lang ang kilay niya.

Nag puppy eyes ako "punta ako sainyo later ah?" I smiled widely.

Kumunot ang noo niya. At saka tumango. Napangiti na lang ako. Kailangan ko na lang indahin ang itsura ng kwarto niya. Hayss.

Nagtataka siguro kayo. Pano naman kase.Ang tahimik sa bahay nila lalo na sa kwarto niya. Tapos puro pa libro makikita mo. Nakaka yamot kaya. Kaya minsan lang ako pumunta dun at pag napunta talaga ako dun nagpapatugtog ako. Mga lively talaga. Bahala na ang magambala. Hihihi

-

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo, 4pm. Nasa sasakyan niya kami. Nagsasoundtrip ako habang siya ayun sa tabi ko at nagbabasa nanaman ng libro. Kung itatanong niyo kung anong title nah. Don't bother. Dahil hindi ko alam. At wala akong balak alamin. Hihi

Pagkadating sa bahay nila umakyat kaagad kami. Nasa loob kami ng kwarto niya. Nasa loob siya ng cr dito sa kwarto niya. Argh. Ang ganda sana dito. Kaya lang ang tahimik. :3

Nagpatugtog na ako ng kanta. Shake it off. Hahaha

Sumasayaw sayaw ako habang kumakanta. Sa totoo niyan iniisip ko kung ano ang gagawin ko. For sure kase nakita niya yung picture nila. Ako may kagagawan nun. Ako nag iwan nun eh. Itinira ko yun sa lahat ng itinapon namin na alaala. Cute kase nung pic. Ang problema ko. Saan ko iyon sisimulan hanapin? Waaah. Kaloka naman oh.

Lumabas na si bish nang naka short at shirt. Wala tong balak mag laskwatsa. Tumigil ako sa pagsayaw at pagkanta.

Tumingin siya sakin. Uh-ow. Baka binabasa na neto ang nasa isip ko. Omg~ "Bababa lang ako para kumuha ng makakain natin." Tumango na lang ako. Whoo. Kala ko alam niyang may binabalak ako.

"At muka kang natatae. Ayun cr oh." Sabay turo niya sa cr at lumabas na ng kwarto. What the eff?!

Paglabas niya ay agad akong nag simula. Nilibot ko ang paningin ko at tama nga ko. Wala na sa taas ng kabinet yung box. San kaya noon nilagay? Nakahawak pa ako sa baba ko habang nag iisip.

Imposibleng nasa kabinet yun kase never niyang ilalagay yun sa damitan niya. Wala naman sa mga libro yung mga notebook niya, wala sa ilalim ng study table, wala din sa cr, wala din sa mga sulok. Ayt! Ow. Lumuhod ako sa kama at nakita ang hinahanap ko. Wengya! Nakakatense pala pag ganito.

Pinunasan ko yung pawis ko dala narin siguro sa kabang baka mahuli niya ako.

Pero infairness ang tagal niya. Baka binibigyan niya ako ng time? Ay baliw! Natawa nalang ako sa sarili kong kalokohan.

Dahan-dahan kong binuksan yung box at tumambad sakin ang laman na parang binagyo. Wushu. "Kulay black. Asan kana ba? Ayun. " bulong ko.
Kinuha ko yung black notebook at binuksan yun paisa-isa. Fudge! Wala! Asan na yun? Kinalkal ko yung box pero nowhere to be found. Geez. San mo linagay bish?!

Inaayos ko na yung laman ng box ng marinig ko ang yabag ng mga paa. Waah. Anjan na siya.

"Bish! Jayla. Pa bukas ng pinto please."

"Sandali." Sigaw ko at agad-agad kong binalik sa ilalim yung box

Binuksan ko na yung pinto.

Nakakunot noo siyang nakatingin sakin habang tinutulongan ko siya sa dala niyang tray.

"Bat ka pawis na pawis? Kakatapos mo lang bang mag cr?" Tanong niya.

"Ah loka! Hindi ah. Sa kaka sayaw." Saka ako sumimangot. Kainis naman. Ayaw ko mag failed sa mission na ito.

"Ah. Kumain na tayo. Nagpabili pa kase akong cheese whiz. Ubos na pala kaya natagalan ako."

Kumuha na ko ng sandwich. Paborito ko kase ang cheese whiz. Hehe

"Ano bang naisip mo at pumunta ka dito? Diba ayaw mo-"

Pinutol ko na siya. "Hephep. Hindi naman sa ayaw ko dito. Wag ganun okie? Okie. " at kumagat ako sa tinapay na hawak ko

She rolled her eyes. Di na namamaga mata niya. Buti naman.

Linunok ko muna yung nasa bibig ko bago ulit ako nagsalita "Kase ganito yun. Ahm. Namiss ko lang pumunta dito. Hehe"

Nag shrug na lang siya. Mukhang hindi bumenta. Kainis! Sabagay hidni naman talaga ka benta-benta. Tanga ko talaga. Tapos hindi ko pa nakuha. Hayys. Bahala na nga.

Hanggang sa inabot na ako ng pag-uwi hindi ko na nahanap.

"Bye bish. Thank you sa cheez whiz. Haha" at saka kami ng beso beso

"Sira! Bye. Ingat ka." Ngumiti siya at kumaway

Pumasok na ako sa kotse. Pero bago umandar ang kotse tinawag ko siya at binaba ang bintana.

"Bakit?" Lumingon siya sakin

"Sier, stop na okay? Tumingin ka lang sa paligid mo at makikita mo siya. Wag kana magpabalot sa nakaraan mo. Pero wag mong kakalimutan na hanapin yung lesson na itinuro sa'yo neto. Sige, bye." Ngumiti ako sakanya at umalis na habang bakas sa muka niya ang pagkalito.



Nagkita na kayo. Baliw ka lang kase.



xxx



You Changed My Life (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon