"I'm hooom-" napatigil ako ng marealize kong wala nga palang tao sa bahay. Kundi ako lang at si Manang.
Kasama na namin siya simula bata pa lang ako. Siya na din ang nag-aalaga sakin. Lalo na pag busy ang parents ko. Unfortunately only child lang ako. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti para mabawasan ang naffeel ko."Oh. Sierra, andito kana pala. Wala kana bang pasok?" Lumapit ako sakanya at nagmano.
"Wala na po Manang. Sige po akyat na po ako sa kwarto." I smiled at her.
"Osige. Dadalhan na lang kita ng meryenda sa kwarto mo." Tumango na lang ako sakanya at umakyat na.
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong napasalampak sa kama ko. Inabot ko ang phone ko para tingnan ang oras. 5pm. Okay! Let's do this. Ngumiti ako at tumayo na. Nagbihis na ako at kinuha ang bag ko upang kunin ang librong hindi ko matapos tapos. F is for Freedom. Kadalasan kase sa isang araw isa binabasa ko. Pero ngayon dalwang araw na. Nakakalahati pa lang ako. Hayys!
Naupo ako sa kama at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama at nagbasa.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. "Pasok." Sabi ko ng nakatingin pa din sa libro. Pagpasok ni manang ay tsaka lang ako tumingin sakanya.
"Thank you po." Ngumiti lang si manang at saka siya lumabas pagkalapag sa side table ng dala niyang tray.
Bumalik ako sa pagbabasa habang kumakain ng sandwich at juice. Malapit na ako matapos pero sa totoo lang hindi ako makapag-focus sa pagbabasa. Naiisip ko pa din yung nakita ko kanina. Malabong siya iyon. Inalis ko na lang sa isip ko yun at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. After a few hours sa wakas natapos ko din. Ang ganda ng story. Pero may panira. Naalala ko yung bwesit na antipatiko na yun! Ang kapal ng apog niya! Sikat? Sikat ba yun sa ugali niyang yun? Tsk. Aaaargh! Bakit ko ba bigla nalang naisip ang letse na iyon? Bat 'ko pa kase naisipang mag skirt? Leche! Manyakis siya! Manyak ka --- teka. Ano ba pangalan nun? Tsk. As if I care? Duh?! Grr. Nagulo ko buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Nagiging baliw na naman ako ng dahil sa bwesit na yun.
Tumayo na lang ako at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto ko. Kulay red ang dingding at blue naman ang kisame. I love red kaya talagang pinasadya kong pakulayan ng pula ang dating purong puti kong pader. May isang malaking bookshelf na puno ng libro. Napangiti ako sa nakita ko. Andami ko na palang libro. .
Nadako ang paningin ko sa taas ng kabinet. Isang box. Lumapit ako at napasimangot ng marealize kong sobrang taas naman at hindi ko maaabot 'to sa ganito lang. Kinuha ko yung upuan at tumayo doon. Pinipilit kong maabot ang box pero wala talaga. Nagagalaw ko lang siya pero hindi ko makuha.
Dahil sa gusto kong makuha pinilit kong abutin yung box tumingkayad ako para maabot ko siya. Napangiti ako ng mahawakan ko ang magkabilang side ng box. "Gotcha!" At hinila ko na yung box pero naout of balance ako kaya nalagalag ang box kasama ako. Nagkalat lahat ng laman ng box!
"Araay!" Hawak hawak ko ang balakang ko at pinipilit na tumayo ng may mahawakan ako. Picture. Inayos ko ang upo ko. Feeling ko nawala ang sakit ng balakang ko ng makita ko kung anong picture iyon.
Picture namin noong bata pa kami. Dalawang batang magkaakbay at parehong ngiting ngiti sa picture.
"8years na din pala ang nakakalipas simula ng umalis ka. Sabi mo babalik ka diba? Kelan?" Di ko namalayang kinakausap ko na pala ang picture. Haha napailing na lang ako. Baliw na talaga ako. Tss
8 years na ang nakakalipas pero kilala ko ang mukha niya kase may picture niya ako. Si-nearch ko din last year ang pangalan niya sa fb. At kung siniswerte ka nga naman meron siyang acct. Vad news nga lang kase mukhang matagal niya ng hindi inoopen yun. Iisang picture lang ang andun at yun ay ang display picture niya. Sa patuloy kong pagsisearch sakanya sa facebook sa mga nagdaang araw at buwan, sumuko na ako at itinigil iyon. Pare-pareho lang ang lumalabas at wala din pinagbago. Siguro kinalimutan niya na ako? Masakit maisip kung sakaling totoo.
Napapangiti na lang ako sa laman ng box. Mga mahahalagang bagay sakin. Mga diary ko simula noong grade 5 ako. At grade 5 din ako noong makilala ko si Jayla.
Iniipon ko lahat ng diary ko ng mapatigil ako sa pagkuha ng isang diary ko. Diary ko ito noong 3rd year high school ako.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung ano ang laman neto. Bumalik lahat ng alaala nung araw na yun. Lahat ng sakit!Kinuha ko yung diary at may nalalaglag na parang papel. Picture? Kinuha ko iyon at tumulo na lang bigla ang luha ko ng makita ko kung anong picture iyon. Shit!
"manloloko ka! Bwesit ka!" naibato ko yung picture pero useless dahil hindi naman lumayo. Tulo pa din ng tulo ang luha ko. Ang sakit sakit. Isang taon na yun pero ang sakit pa din. Akala ko wala na pero wala. Andito pa din pala. Ang sakit pa din. Mahal ko pa din pala siya. Napaubob ako sa mga tuhod ko. At dun nag iiyak.
"Hindi na dapat ako umiiyak ng dahil sayo eh. Sabi ko tama na yun eh. Pero heto nanaman ako. Ang swerte mo naman. At ang malas ko dahil sinasayang ko ang luha ko sa isang tulad mo!"
Nakaubob pa din ako sa tuhod ko habang iyak pa din ng iyak. Ng kumalma ako ay naisipan ko ng tumayo, pinunasan ko ang luha ko at pinulot lahat ng gamit na nagkalat at nilagay iyon sa box except sa picture na yon. Hindi na dapat ako magpaapekto sa mga bagay-bagay na walang kwenta. Linagay ko sa ilalim ng kama ang box at nilagay ko sa drawer ang picture. Balak kong sunugin 'yon pero sana kayanin ko. Dahil alam kong hindi ko kayang magpakawala ng isang bagay na naging mahalaga sakin kahit nasaktan ako neto.
Nahiga na ko sa kama ko. Nag-iisip isip. Hanggang sa makatulog ako.
xxx
Problems are not stop signs, they are guidelines. -Robert H. Schuller
BINABASA MO ANG
You Changed My Life (Under Revision)
Teen FictionPaano pag nagtagpo ang dalawang hindi magkasundo? Parehong may galit sa isa't-isa nang hindi alam ang dahilan? Meganun ba? Eh pano kung may mainlove? Kaya lang nagpapataasan ng pride? May mabubuo kayang Love o forever na silang LQ? Pano babagohin n...