Madilim. Ito ang una kung napansin pagkagising ko. Ang huli kung naalala ay magkasama kami ni Nicole habang kumakain sa canteen ng school. At..... at . . ."Shit!"
Agad kung hinawakan ang sintido ko at hinilot ito. Sobrang sakit. . . At wala na akong maalala maliban doon. Pilit ko mang alalahanin pero nakadagdag lang ito sa sakit na aking nararamdaman.
Kinapa ko ang switch ng ilaw. At tumingin sa orasan. Alas tres na ng madaling araw.
Naulit na naman. Ano nga ba ang meron sa pesteng alas tres na ito? Paulit ulit na lang kasi.
Tumayo ako at isinuot ang tsinelas ko. Hinay hinay akong naglakad patungo sa labas ng kwarto at dumiretso sa kusina ng bahay. Di man ako nauuhaw pero mukhang kailangan ko ng kalinga ng tubig ngayon. Umupo muna ako pagkatapos kung uminom ng tubig. Hinilot kung muli ang sintido ko, nagbabasakaling may maalala ako pero wala. Napaub-ob na lang ako sa mesa.
Tiningnan ko ang repleksyon ko mula sa baso. Kitang kita ko ang nangingitim kung mata, siguro dahil sa palagi na lang akong nagigising tuwing madaling araw. Kahit wala na akong napapanaginipan, lumalala naman ang mga nangyayari. Tulad na lang noong isang araw na dumugo ang ilong ko. Wala naman daw akong sakit. Napabuntunghininga na lang ako dahil sa dami kong iniisip. Tatanda talaga ako nito ng maaga.
Lumabas ako ng bahay upang magpahangin. Pagkabukas ko palang ng pintuan, nalanghap ko na ang malamig na hangin ng madaling araw. Mabuti na lang, naka coat ako kaya di masyadong maginaw. Dumiretso at humiga ako sa bermuda grass malapit sa taniman ng bulaklak ni mama. Kitang kita ko dito ang napakapayapang langit. May nagkikislapang mga bituin at maliwanag na buwan. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito kapayapang langit. Sumilay ang mga ngiti ko, dala marahil sa mapayapang kalangitan at sa mga alaalang naaalala ko pagka tinitignan ko ang ganitong klasing kalangitan.
***
Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pagtapik sa mukha ko. Naku, nakatulog pala ako sa labas ng bahay. Medyo madilim pa pero marami ng sasakyan ang dumadaan.
"Ineng, tayo na dyan. Malamig ang hamog."
Mabilis akong tumayo nang mapagtanto ko kung sino ang nagsalita. . .
"Lola.!"
Agad ko siyang sinunggaban ng yakap. God knows, how i missed my lola.
"Haru jusko! Ang bigat mo na.!" Bigkas ng lola ko.
"Di ako mabigat Lola. Tumanda lang kayo." Natatawa kung sagot. Kinirot pa ako sa tagiliran pero pilyo lang akong ngumiti at naglakad na papasok sa bahay.
"Lola, welcome home!." Energetic kung bigkas pagkabukas ko ng pinto. Nabigla naman sina mama sa biglaan kung pagsigaw. Tiningnan pa muna ako ng nalilitong tingin pero agad ding nawala pagkapasok ni Lola. Hinayaan ko muna silang mag-usap at dumiretso ako sa kwarto para magbihis. My pajama gone wet dahil sa hamog kanina. Buti na lang, hindi napansin nina mama ang suot ko at baka mapagalitan pa ako.
Nadatnan ko silang nag-uusap sa balkonahe ng bahay. Akmang pupuntahan ko sila, ngunit narinig ko ang pagtawag ni Nicole sa pangalan ko. Bihis na bihis siya na nakadungaw sa aming gate. Ngayon ko lang ulit sya nakitang nag-ayos.
"Ganda natin ah..! May date?" Pambungad kong tanong sa kanya.
"Sa boys, wala. Pero tayo, meron. Bihis ka na. Dali!" Makulit nitong sagot.
"Anong meron? "
"Wag ka ng magtanong, di ka gaganda niyan. "
Pinapasok ko muna siya sa bahay.