CHAPTER 5

18 2 2
                                    

AYOKO NG MATULOG. Pilit kong nilalabanan ang antok ko. Natatakot na ako. Natatakot ako sa sarili ko. Ayokong magising ulit sa isang bangungot na parang walang hanggan. Isang bangungot na tila walang katapusan. Gusto mang humiga ng katawan ko pero pinipigilan ko dahil alam ko, sa tuwing hihiga ako, makakatulog ako.
The clock ticking still. I count every millisecond just to stay awake. Pero bakit masyadong matagal? Naubos ko na ang lahat na movies na meron sa laptop ko and i find it useful dahil di ako nakatulog. Pero shit! Ang tagal naman mag-umaga. Tumingin ako sa orasan ng relong suot suot ko. Kunting minuto, mag-aalastres na. Tuluyan na ding lumamig ang simoy ng hangin. A very cold one. Not normal. And it creeps me out. Tila may nakatingin sa akin, nagmamatyag sa bawat kilos ko - Damn it, Lea! Masyado ka ng paranoid. Sa tuwing may kakaluskos, agad nagrereact ang katawan ko. Para bang alertong alerto ang buong balahibo ko.

Bog!

Napatingin ako agad sa pinto. May kung anong kumalabog. Isang kalabog uli. Sa kusina. Dumiretsong tumayo ang mga paa ko at kusang lumakad patungong kusina. Dahan dahan kung hinawakan ang door knob at binuksan ng bahagya upang makita ko ang loob ng kusina. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang alaga kung puting daga.

"Ikaw talaga Meme, pinakaba mo ako." wika ko habang karga karga ang daga sa mga kamay ko."Maayos naman ito ah." Patukoy ko sa silya na ngayon ay bahagyang nagulo. Agad ko itong binalik sa pwesto at lumabas na sa kusina. Pero biglang may kumalabog ulit. Sunod-sunod. Palakas ng palakas.

Kinabahan na ako ng husto. Nagkarambola na ang pintig ng aking puso. Kinakabahan man, bumalik ulit ako sa kusina -- holy cow! Sobrang gulo ng kusina. Napatalikod ako ng biglaang sumara ang pintuan. Napatakbo ako doon at tarantang binubuksan. Pero No! ! ! Ayaw mabuksan. Kinalabog ko na ang pinto para marinig nila. Sumigaw na rin ako.

"Ma! Pa! Help! ! !"

Napasinghap ako ng may yumakap sa aking beywang. Naramdaman ko din ang hininga niya sa aking leeg. Sobrang ginaw. Pati ang mga kamay niya, tagos sa pajama ko ang ginaw. Gamit ang aking likod , itinulak ko siya palayo. Saktong nakalayo ako sa kanya. Tumawa lang ito sa akin at boses lalaki. Agad akong humarap sa kanya.

Oh my gulay! Ang puti niya. Ang pula ng mga labi niya. Ang ganda ng kulay ng mga mata. Sobrang gwapo niya. Ang yummy!!

"Sino ka?"

Ngumiti lang ito sa akin. At unti-unting lumapit sa akin. Nakangisi. Nakakakilabot na ngisi. Juicecolored! Anong gagawin nito.

"Hep! Wag kang lumapit!"

"Dyan ka lang!"

Napaatras na din ako dahil patuloy lang ito sa pag-abante. Pero natapos din ang kakaatras ko ng nasa pintoan na ako. Dead end.

Hanggang sa nakalapit na siya sa akin.

"Stop! Stop please."

Halos magkadikit na ang katawan ko at katawan niya. Maginaw rin ang ibang parte ng katawan niya. Isinampa niya ang kanyang dalawang kamay sa pinto. Nakangisi pa rin. Hindi ko kayang tingnan ang kanyang mata. Very tempting. But . . . Itinagilid ko ang ulo ko dahil unti-unti niyang inilapit ang kanyang nakangising mukha.

Shit! Shit! At isa pang shit! Ilang milyong shit na ang binanggit ng utak ko. Nagmura narin ng nagmura ang mga brain cells ko.

Isang malambot at malamig na bagay ang naramdaman ko sa aking leeg. His lips!

Pak!

"Bastos!"

Namula ang mukha ko. Pero ngumisi lang ito. Isang genuine na ngiti.

"Sino ka ba talaga.? Huh!?"

Toktogaok!

Nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya ng marinig ang mahinang ingay ng tandang.

between 3 amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon