Prologue

87 6 1
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa lamparang parang  matagal ng di ginagamit dahil sa mga kalawang na bumabalot nito at dahil narin sa binahayan na ng gagamba ang metal na komokonekta sa lamparang may mapusyaw na liwanag at kumukurap kurap. Di ko alam kung pano at bakit ako nandito basta ang naaalala ko lang ay nasa party ako hanggang sa nagdilim na ang lahat.

At ito ako ngayon, nakakadena at gutom na gutom. Halos wala na din akong lakas upang tumakas pa.  Nararamdaman ko na lang ang pagdating ng isang lalaking parang balisa at may dalang test tube na may lamang iba't ibang kulay.

Gising ka na pala

Saad ng lalaking dumating na may nakakatakot na ngiti. Nangingitim ang paligid ng mga mata marahil siguro sa walang tulog  lalaki, nangingitim rin ang mga labi nito dahil na rin siguro sa kakayosi. Tiningnan ko lamang siya at kinikilatis. Nilihis ko agad ang tingin ko ng hindi na siya nagsalita.

Nilibot ko ang aking paningin sa lumang kwartong pinaglalagyan sa akin.

May mga nakahilerang aparatus na ngayon ko lang nakita. Di ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin, pero nararamdaman ko na lang ang pagdaloy ng asul na likido mula sa isang injection sa aking sistema. Unti-unti, nawawalan na ako ng ulirat. Nagdilim, unti-unti, hanggang lamunin na ako ng isang walang hanggang kadiliman...

A/n: please hit vote button, enjoy!

between 3 amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon