C1.

60 3 2
                                    

"When the fall comes, be with someone who can stand by you."

--

Nakatagilid. Nakatingin sa dingding na kulay itim at puti. Ilang beses nang kinukurap ang mata ngunit wala pa ring kakaibang nangyayari. "Ang boring," Ani Levi.

Mamaya pa kasi ang pasok niya sa eskwelahan. Pang-apat na taon na kasi niya sa high school. Nakarinig siya ng tawanan mula sa hapagkainan. Bumalikwas siya at ipinatong ang braso sa mata.
"Alas sais palang, ang ingay na nila." Tumayo siya mula sa higaan at naglakad papunta sa kusina.

"Oi," tawag ng nakakatandang kapatid niyang si Earl. Binigyan lamang niya ito ng malamig na tingin. 

"Aga mo, Levi. Alas otso pa pasok mo." Turan nito na nakakuha ng buo niyang atensyon. Hindi kasi hilig nito ang mamansin. Nabuhay siya ng 14 years na mabibilang ang usapan nila. 

"Gusto ko eh. Paki mo, ba?" Aniya at pabalang na isinara ang ref. Tinitigan lamang siya ni Earl at ngumiti. "Kamukha mo talaga si Ellie." Pinukulan niya ng nagtatanong na tinig ang kapatid. Ellie? Who's that girl?  Wala pang dinadalang babae ang kapatid niya kahit treinta anyos na ito. Labinlimang taon kasi ang tanda nito sa kanya. 

Hindi nga niya ito sinagot. Hindi naman niya kilala si Ellie, e. "Levi, kakain ka ba?" Umiling siya at naglakad pataas.

"Levi!" tawag muli sa kanya ng kapatid. 

"Puta, kulit mo rin, Kuya."Huminga siya ng malalim. "Bakit ba?" Naglakad ito pataas at pumantay sa kanya, mas mataas ito sa kanya, e. 

"Aalis na ako dito."Ngumiti ito sa kanya. Ito ang ikatlong ngiti nito sa kanya mula pagkabata. "Sasama ka ba?

Naglalakad siya sa school premises  papunta sa boring niyang klase. Alam na kasi niya halos lahat ng nilelesson, kaya madalas tulog siya sa klase. Naupo siya sa kanyang paboritong pwesto, ang pinakalikod na upuan na katabi ng dingding. 

Hindi na niya namalayan na nakatulog pala siya. 

"Levi Ken Durham!" Tumunghay siya at tumitig sa kanilang teacher.  "Define noun."  Kumunot ang noo nya. What the fuck? Is this elementary? 

"A word that is the name of something."  He answered, wearing his typical poker face. 

"'Wag matulog sa klase, Levi." Ani teacher niya. Umiling na lamang siya at tumitig sa bintana.

Uwian na. Naglalad siya nang may sumuntok sa kanya. Maliwanag sa sikat ng araw na maraming naiinis sa kanya, mayabang daw siya at mapagmata. Ngunit, hindi naman siya nagawa ng kahit ano. Hindi niya alam kung saan galing ang mga walang kwentang balita na iyon.

"Akala mo ang cool  mo na?! Putangina mo, gago ka!" Too much cuss for a sentence. Too much words for a fucking punch.

"Shut,"  Hinawakan niya ang braso nito. "The hell,"   He said as he twisted his arm.   "Up."  He said as he kicked him in the leg, making him fall to the floor, face first. 

"Levi Ken Durham!" What's up with people calling me in my full name?  Nakita niya ang kanyang teacher  sa matematika na mali lagi ang grammar.  Nagtaka siya kung bakit ito galit sa kanya. Tiningnan niya ang lalaking sinipa niya. Anak ito ni Sir Sy, si Brayden Sy. 

"Bakit mo sinipa ang anak ko?!" He smirked as thoughts flood into him. "I broke his arm and kicked his leg."  Aniya, suot pa rin ang mapang-asar na ngisi. Lalong nakita ang galit sa mukha ng kanyang guro. "What the?!"  Inis na tugon nito sa kanya. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

" I just informed you, sir."  Narinig niya ang sigaw nito sa inis pero hindi niya ito nilingon. Deserve nito iyon. Wala naman ginawa ang guro niyang iyon kundi magyabang at ipagmalaki ang anak niyang wala namang alam kundi away.  

Untitled.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon