"Learn to accept and forgive."
Naalala niya ang usapan nila ni Earl o ang kanyang tatay. Hindi pa rin talga siya sanay na tawagin ito bilang tatay niya. So, he was born when his father was 15 and he impregnated his mother when he was 14? Napailing siya at umupo sa kama. Inilagay niya ang kamay sa ulo at pumikit. His family are liars. But what can he do? They are his family, after all.
"Aalis na ako dito."Ngumiti ito sa kanya. Ito ang ikatlong ngiti nito sa kanya mula pagkabata. "Sasama ka ba?" Tinitigan niya ito. Nakakuha siya ng buntong hininga bilang tugon.
"Levi, nakikinig ka ba?" Halata ang impatience sa boses nito. Tumango siya.
"Saan papunta, Kuya?" Saglit na nagkaroon ng maraming emosyon sa mata nito.
"Doon sa bahay dapat natin." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng bahay na nakalaan para sa kanila. Ngunit, hindi na siya masyado nagtanong pa.
"Sige, Kuya."
Sumang-ayon nga pala siya. Naiinis na pinadaan niya ang kamay sa buhok. Why did he agree anyway? Nalala niyang hindi siya binibigyan ng pansin ng kanyang lolo at lola na tinatawag pa rin niyang Mama at Papa. Marahil na rin dahil anak siya ng kanyang 'kapatid'. Nabuhay muli ang inis niya sa katawan.
Tiningnan niya ang paligid. Napagawi ang tingin niya sa isang babaeng nakaupo sa garden. May hawak itong ibon. Pinakawalan rin nito agad at nakangiting pinanood ito kung paano ito lumipad. Nilapitan niya ito.
"Isabella," tawag niya. "Aga mo." Bahagyang nagulat ito ngunit kaagad naman itong ngumiti.
"Hello, Kenny!" Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig. What am I, a fast food chain?
"Don't call me that." Lalong lumapad ang ngiti nito at tumayo na ito sa pagkakaupo. Hinawakan nito ang kayang pisngi at pipisilin sana ngunit pinigilan niya ito.
"Don't! Wash your hands first! Tss." Aniya sabay talikod. As for that, his raging feelings which he endures since last evening calmed a little. Iniwan niya ang babae doon. Napadaan siya sa isang corner at nakitang may binubully na naman si Brayden. At dahil mainit ang ulo niya, naglakad siya papunta doon at sinipa muli si Brayden.
"Get a life, sucker." Kalmado niyang sinabi at tinadyakan muli ito sa tiyan. Tinulungan naman si Brayden na makatayo ng kanyang mga kasamahan.
"You'll pay for this!" He glared at him as he spoke, "Like the fuck I care, Brayden." Tinulungan niya tumayo ang lalaking binubugbog. May ngiti ito sa labi habang tinutulungan niya.
"Ayos ka pa?" Tanong niya rito. Lumapad ang ngiti nito at nakipagkamay sa kanya. "Farlan Irvin Smith nga pala po." Tumango siya. "Levi." Kumunot ang noo niya dahil halata naman rito na malakas ito. Tumawa ito sa kanya at tumango. Tatay daw kasi nito ang presidente ng unibersidad kaya hindi niya pwedeng patulan ang mga batang iyon. Ngunit, hindi raw pwedeng sabihin sa iba na anak ito ng presidente kasi ayaw daw nitong makilala. He therefore concludes that he is crazy. Hinila siya nito sa isang underground gym na maraming nag-aaway.
"Maraming taong gusto maglabas ng init ng ulo. Sa lagay mo kanina, alam kong naiinis ka." Binuksan nito ang isang dimension na punong puno ng estudyanteng mukhang mayayabang. Ito raw ang para sa mga estudyante.
"Lose some steam, Levi."
Umuwi siya na may ilang pasa sa katawan at medyo malaking kalmot dala ng isang babae na inaway din niya. Wala naman kasi siyang balak na kalabanin ito ngunit bigla siya nitong sinunggaban at muntik na siyang halikan. Kakaunti pa nga kung tutuusin ang nakuha niyang sugat kumpara sa mga nakaaway niya. Gusto na niyang maligo upang maging malinis ang pakiramdam. Ayaw kasi niya sa dumi.
"Levi, anong nangyari sa'yo?" Kalmadong tanong ni Earl kahit na halata ang galit na nakapaloob sa boses nito. Hahawakan sana nito ang sugat sa kanyang mukha ngunit tinabig niya ang kamay nito.
"Wag ka nga makielam, Kuya Earl, putek." At iniemphasize pa niya ang Kuya. Nagsalubong naman ang kilay nito. "Levi Ken. Karapatan kong magtanong kasi anak kita." Bumuntong hininga ito, nakatitig pa rin ng mariin sa kanya. He looked at his father-brother, bewildered. "I hope you're happy keeping that for fourteen years, Kuya." Nagsimula siyang maglakad pataas papunta sa kanyang kwarto at naligo. Habang nasa shower, bumabalik ang lahat sa kanya. Like waves of flashbacks. At bawat patak ng tubig mula sa shower ay nanlalamig rin siya. Pinatay na niya ang shower at nagbihis. Humiga siya sa kama at inilagay ang unana sa mukha.
Narinig niyang may nagbukas ng pinto kaya ipinikit niya ang mga mata. "Levi, sorry mainit ulo ni Dad kanina. Lang'ya, 'di pa rin ako sanay. Pre nalang, ano?" Tumawa ito at naramdaman niyang may nilagay ito sa bedside table. "May letter akong inilagay sa table mo." Gusto niyang tingnan kung anong nakasulat sa sulat na iyon ay pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang malaman ni Earl na gising siya. Nagsimulang magkwento ang ama niya. Unti-unti, naeenganyo siyang makinig rito.
Ang kanyang ina raw ang pinakamakulit sa lahat. Lagi itong nagpapasa ng mga papel sa kanyang ama. Madalas din daw itong mahuli ng maestra sa ganoong ngang gawain. Gayumpaman, masarap raw ito kasama. Gumagaan ang pakiramdam ni Earl kapag kasama ang babae.
"She's a walking sunshine, mabait, makulit, dagdag na yung pagiging maganda niya. And by that, I knew she'll be the girl I'll be spending forever with." Humugot ito ng malalim na hininga at tumayo sa pagkakaupo sa kama niya. "Good night, Levi."
BINABASA MO ANG
Untitled.
Historia CortaThis story is made for Aly. This is not a love story. -- A life full of lies. Yet, how can a single truth can change your life? lkd. started: 09-01-15. finished: 09-03-15.