"Life is a roller coaster. Just enjoy the ride."
Iminulat ni Levi ang mga mata at iniadjust ang mata sa liwanag. He realized that it's Friday and his suspension is lifted. And lastly, he's late. Pero hindi na niya pinansin iyon. Tumayo siya sa higaan at nahulog ang isang box na may papel. Ang sabi ng papel doon ay 'open this.' Sa pagkaalam niya, sulat ang inilagay ni Earl sa bedside table niya kagabi. Mukhang inilagay nito ang sulat sa isang box. Binuksan niya ang letter at binasa.
'Dear Levi,
Kapag nabasa mo ito, naipagtapat na ni Earl ang totoo. I'm sorry, anak. Alam kong iniiisp mo na bata pa kami noong pinagkaloob ka sa amin ng Diyos pero ikaw ang pinakamagandang regalo sa amin ng Daddy mo. Noong una kitang makita, minahal na agad kita. You look like me but you got your eyes from your father. Pero pinaglayo tayo, anak. Kinailangan kong umalis upang makapagtapos. Mag-iingat ka lagi. Mahal kita.
Love,
Ellie Carlington'
Tinitigan niya ang papel dahil may mga bakas ng pagbubura rito. Ang binura ay ang unang salita bago ang makapagtapos. At may bakas dito ng tuyong dugo. Hindi niya alam kung saan galing ang dugong iyon. Tinago niya ang sulat sa kanyang drawer at naglakad palabas. Nakita niya si Earl doon, nakatayo. Ngumiti ng pilit ang kanyang ama sa kanya, alam naman niyang hindi rin nito hilig ang ngumiti.
"Good morning, Levi." Tumango siya rito. "Kakain ka ba?" Umiling siya at kumuha na lamang ng sandwich.
"Mag-iingat ka." Muli, tumango siya at kinuha ang bisekleta niya.
Lumipas ang mga gabi at marami siyang nalaman tungkol sa storya ng kaniyang ama at ina. Nalaman niya kung paano nahulog ang loob ng kanyang magulang sa isa't iisa, kung paano ito humantong sa isang gawaing pangmag-asawa lamang. Ito ang ikinuwento ng kanyang ama noong nakaraang gabi. Sa ngayon, nakaupo siya sa kama, hawak ang sulat ng kanyang ina. Unti-unti naniyang natatanggap ang lahat. Ipinikit niya ang mga mata, kasabay sa pagdating ng kanyang ama. Mabuti at magaling siyang magtago, naitago niya agad ang kamay na naglalaman ng sulat.
"Nak, bukas na birthday mo." Narinig niya ang ngisi ng kaniyang ama.
"Wala akong gift, 'di bagay sa bansot." Tumawa ito. Gusto sana niyang sapakin ito ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagkukunwaring tulog.
"Tuloy ko na kwento, Levi."
-- E --
Mahala na mahal niya si Ellie. Alaam niyang bata pa sila ngunit sinong makakapagsabing mali ang lahat? Naglalakad sila noon, ihahatid na niya si Ellie. Ngunit, pakiramdam niya ay nasa alapaap siya. May gusto siyang gawin at natutupok siya. Galing kasi sila sa party ng kaibigan niyang si Aldrich. Gusto niyang halikan si Ellie ngnit gusto niyan gawin ito sa araw ng kasal nila. Ramdam na ramdam niya ang init na bumabalot sa kanyang katawan. Nang makarating sila sa bahay nina Ellie, ito na mismo ang humila sa kanya and everything is history.
--
Humugot ng malalim na hininga ang kanyang ama. "Pinagsisihan ko na ginawa namin iyon ng napakaaga. Ang pangako ko kasi, sa kasal namin iyon gagawin." Sa hindi niya maintindihang dahilan, bakas ang kalungkutan sa boses nito.
"But you're the best thing the happened to us. Good night, son."
BINABASA MO ANG
Untitled.
Short StoryThis story is made for Aly. This is not a love story. -- A life full of lies. Yet, how can a single truth can change your life? lkd. started: 09-01-15. finished: 09-03-15.