"Remember but don't be stuck. Accept but don't ever forget the memories."
- Try to listen to Untitled by Simple Plan while reading this, enjoy. -
Nakatungo pa rin siya at nakatakip ang mukha. Nailipat na si Earl sa isang kwarto, nirequest kasi ng doktor na dito raw muna si Earl at mamaya na ilagay sa morgue. Pumasok ang iang nurse sa kwarto ngunit hindi niya ito binigyang pansin.
"Levi Ken Durham?" Tiningnan niya ang nurse na nakangiti ng malungkot sa kanya. No need to make me remember how miserable am I.
"I believe that this is yours." Iniabot nito sa kanya ang isang papel na puti at isang locket na gold. Nagpasalamat siya at binuksan ang papel na mukhang sulat. Nakita niya kung gaano kagulo ang pagsusulat ng ama na halatang pinilit lamang nito ang pagsusulat at ang ilang patak ng dugo sa papel.
'Dear Levi,
Levi! Pre! Joke. Hi, nak. Kapag nakita mo 'to, ibig sabihin magkasama na kami ng mama mong si Ellie. Alam kong matatag ka anak. Kayang kaya mo lampasan ang pagsubok na ito. Sorry, ito pa ang birthday gift ko sa'yo. Nak, we were drugged when your mother and I had a sexual intercourse. Alam kasi ni Aldrich na virgin kami pareho kaya ang gago, pinakain kami noon. Noong pinagbubuntis ka ng mama mo, we found out that she has valvular heart disease which some valves may be narrow--agh, fuck, shit, nanginginig na kamay ko, I know I won't last longer. Your mother's heart valves are not closed properly. She needed a surgery for it's already severe but it will risk you. So she chose you. It's not true that she will study. She wrote that for you not to be hurt. Levi, I'm sorry I was never a good father to you.
Lalong dumarami ang patak ng dugo sa papel at nagkakagulo ang sulat ng kanyang tatay. Alam niyang nahihirapan itong magsulat ngunit nakuha pa nitong makapagsulat.
I never told you that I loved you. That I am proud that you are always the top of the class, that you are best in math, and everything. That you are not alone, you weren't, I was always with you in your graduation and every occasion. I'm sorry that I won't be there at your graduation now, Levi. But, I'll always be proud of you. I'll always love you.
Levi, sorry madumi na tong papel. Sorry di ko na rin maayos ang pagsusulat. Nandito lang ako laging gagabay sa'yo. Levi,'
Doon natapos ang sulat. Siguro bago pa masundan ng kanyang tatay ang huling pangungusap ay nawalan na ito ng ulirat. Kinuha niya ang locket at binuksan ito, ang unang imahe ay ang babaeng bersyon niya at katapat nito ay ang kanyang imahe. May nakaukit na Ellie and Levi sa palibot ng locket. May maliit na papel na nakasipit doon. Mukhang luma pero nababasa pa.
'Open the small drawer at the utmost part of your closet.'
Tumingin siya kay Earl at bumulong. "Babalik ako, Dad."
Nagmadali siyang umuwi sa bahay kahit malakas pa ang ulan at kahit pinipigilan siya ng kanyang Mama at Papa. Nang makauwi siya ay pumunta kaagad siya ng kwarto at binuksan ang nasabing drawer na hindi niya alam na naroon pala. May mga cassette tapes doon at kinuha niya ang lahat ng cassette at ipinlay ang may numerong 1.
May babae na nagpakita dito at mukha pa itong bata. May hawak ang babae na sanggol na mukhang ilang araw pa lamang.
"Aba, nagana ata! Uy, Earleng! Nagana o! Mag-hi ka naman dyan!" Tiningnan lamang ito ni Earl ng masama.
"Hi, Levi! Nak, tingnan mo ang bata mo pa. 5 days old ka palang kasi. Pero pag pinapanood mo na 'to, siguro 15 ka na. Sabi ko kasi sa Daddy mo pag 15 ka na, saka niya sabihin ang totoo. Kaya 'wag kang magagalit sa kanya, ha?" Ngumiti ang babae sa tape kasabay ng pag-iyak ng batang bersyon niya.
"Ang iyakin mo talaga pero di ka nangiti. Manang-mana sa tatay mong asungot!"
"Narinig ko 'yon, Elyang!"
"Heh! Pake ko ba sa'yo?!"
Napapailing siya habang may maliit na ngiti sa labi. These are his parents.
Ipinlay naman niya ang tape na may label na 2.
"Levi!!! Ang cute mo sa pink oh!" Nakita niyang may pink siyang gloves at nakabalot siya sa pink na lampin. Nakapink din siyang bonnet.
"Ellie! Ginagawa mong bakla 'yang anak mo!"
"Pag bakla anak ko agad?!"
Ganito pala ang magulang niya. Sana ay nakita man lang niya kung paano magtalo ang mga ito.
"Sus! Pero Levi, nak, wag ka magagalit ha? Ang cute mo kasi o, kaya lang mas cute ka kung tatawa ka! Ngitian mo naman si mommy, isa lang, please?"
At umabot na nga siya sa pinakahuling tape. Nanginginig pa ang kamay niya bago pa niya mailagay iyon. Ayaw niyang matapos ang mga sandaling kasama niya ang mga magulang. Gusto niyang magtuloy tuloy ang cassette tapes upang hindi na siya malungkot. Ayaw niyang maiwan mag-isa.
"Last na 'to, Levi Ken..." Nakita niya kung paano pinilit ng kanyang ina na ngumiti kahit halata rito ang sakit.
"Bukas na operation ko, 70, 30 yung percentage. 70 yung unsuccessful, 30 yung oo. Natatakot ako, Levi." Tumulo ang luha ng kanyang ina pero kaagad nitong pinunasan iyon.
"Oo, bata pa ako, anak pero shit naman, hoy Earl! Wag ka ngang tumawa! Nagdadrama ako!" Narinig niya muli ang tawa ng kanyang ama na sumama na sa video na iyon.
"Levi! Hello! Ako mag-aalaga sa'yo!" At nag peace sign pa ang kanyang ama na hindi naman bagay sa poker face nito.
"Sa susunod na gagawin mo iyan, ngumiti ka." Inistretch naman ng kanyang ina ang labi ni Earl.
"Mashaket, Elleh." Tumawa naman ang kanyang ina at nakita ang magandang ngiti nito.
"Levi, kapag hindi nagtagumpay ang operasyon ko, gusto ko magpakatatag ka, anak. Ayaw ko na iiyak ka masyado. Kasi alam kong kagaya ka ng ama mo na matapang." Huminga ng malalim ang kanyang ina.
"I love you, Levi." At doon natapos ang tape. Umiling siya at pinaulit ulit ang tape na iyon.
"No, no, no." Pigil ang hikbing sabi niya. "No, don't leave me, please, don't." Nagtataas baba ang kanyang balikat. Pinauulit ulit niya ang scene na iyon hanggang sa may narinig siya sa pinakahuling seconds nito.
"I'll always be proud of you, Levi Ken." Sabi ng kanyang ina habang humikhikbi. Napaluhod siya at napatakip sa mukha.
At sa pinakaunang beses, tumulo ang luha niya.
- Fin.
Kung mapapansin ninyo, maiikli ang chapters. Sorry, sa filler kasi ito nakasulat. Napuno nga halos yung filler e. Hahaha. Anyway, thanks. Hi rin sa mga anime lovers, if you know what I mean. ;)
BINABASA MO ANG
Untitled.
Short StoryThis story is made for Aly. This is not a love story. -- A life full of lies. Yet, how can a single truth can change your life? lkd. started: 09-01-15. finished: 09-03-15.