Moment One
Pep's POV
Tapos na ang trabaho ko. Ang trabaho namen na pagproprotekta sa pamilya ni Jay kaya naman kanya-kanya na kaming babalik sa mga totoo naming trabaho. Sa totoo lang, mamimiss ko ang pakikipagkulitan sa kanila, sa pamilya nila dahil magiging busy na ako ulit.
Ako si Pepito Manalo. Pep na lang tsaka mas kilala na ako sa pangalang yan. Isa akong modelo, aktor at singer sa SM Company sa Korea. Hindi ako kilala sa Pilipinas. Pure filipino ako. Nung nag-18 ako tsaka lang nagsimula ang career ko. Isa pa din akong gangster sa Pilipinas, nagsawa na ako sa pakikipagbasagan ng bungo kaya naman sinubukan ko ang ganitong career.
"Kelan ka babalik ng Korea, Pep?" Tanong sakin ni Jay. Nasa bahay kasi nila ako ngayon.
"Next week."
"Ang bilis naman. Kakatapos lang ng mga nangyari aalis ka na." -Hae.
"Yeah. Kailangan na kasi, nagagalit na ang manager ko."
Syempre sa akin nakasalalay ang kinikita nya e.
Kanina pa din hindi umiimik si Yellow. Alam kong masakit para sa kanya ang biglaan kong pag-alis. Hindi ko naman talaga pinlano na magtagal sa Pilipinas. Ang usapan lang naman kasi namin ni Jay, hanggang sa matapos na ang lahat. Kapag nasolusyonan na lahat. Mahirap din para sakin ang umalis pero kailangan ko. May naiwan ako sa Korea na kailangan kong balikan.
Kung iniisip nyo na nagbibiro lang ako sa mga sinabi ko kay Yellow nun. Syempre hindi. Seryoso ako nun pero kailangan ko na talagang bumalik, namimiss ko na din kasi sya. Hindi ko nga sinabi sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas dahil alam kong hindi nya ako papayagan.
"Yellow." Tawag ko sa atensyon nya. Tumingin naman sya saken. "Pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin ako sayong importante."
Tumingin ako nun kay Jay, alam kong alam nya kung ano ang tinutukoy ko pero bakit nya hinayaang umabot lahat sa ganito?
Tumayo naman sya at naglakad kami papunta sa garden nila.
I really should say this to her. Kung hindi, hindi din ako patatahimikin ng konsensya ko.
"Yellow, you can slap, punch me or anything you want. I will let you do it."
"Ha? Bakit ko naman gagawin yun? Aalis ka lang kailangan kitang saktan? Haha. Nababaliw ka na talaga."
Nababaliw na talaga ako, sayo.
"Hindi yun ang tinutukoy ko. The reason why I should go back to Korea."
Tahimik lang sya pero alam kong nasasaktan talaga sya. Pinipilit nya lang ngumiti.
"I-i have a girlfriend to go back to."
There, I said it. I have a girlfriend. She's my childhood friend. We've been together for almost 3 years. Sya ang kasama ko ng pumunta ako sa Korea and I am responsible for her.
"Bakit mo ba sinasabi sakin yan? Wala naman akong kinalaman dyan." Sabi nya at tumawa sya pero alam kong pilit lang yun. "Tara na nga sa loob."
Naglakad sya nun pero ako nakatayo lang dito. I can't take to see the girl I think I am inlove with is pretending that she's not hurt.
Hinabol ko sya at niyapos ko sya mula sa likod.
"I'm sorry. Hindi ko ginusto na umabot lahat dito."
"A-ayos nga lang ako."
"No, you are not. Remember what I told you? I said, I think I'm in love with you. Still not sure. Maybe I saw her in you."
Ramdam kong pumapatak ang luha nya sa mga braso kong nakayapos sa kanya.
"I'm really sorry."
***
Pumunta ako sa Noodle Shop ni Mama at Papa. Kapag kasi ganito ang nararamdaman ko, gustong gusto kong kumain ng noodles. Yung pakiramdam na masyado akong down. Yung mainit na noodles ang nagpapakalma saken.
"O? Pepito, napadaan ka dito?"
"Good evening po Pa. Kakain ako ng noodles nyo. Mamimiss ko kasi yan kapag umalis na ulit ako e. Hahaha!" Sagot ko kay Papa at nagpanggap na masaya ako.
Ayokong magtatanong sila o mag-aalala.
"Ano ka ba naman anak! Hindi ka tumatagal dito. Sige, maupo ka na at ikukuha kita ng paborito mong noodles." Sabi ni Mama.
Alam kong hindi ako mabuting anak. Gangster tapos nagagawa ko pa silang iwan para sa career ko. Nagpapasalamat ako dahil may maintindihing magulang ako.
"Waaah! Si Kuya Pep."
"Oo nga. Kuya Pep!"
Ang makulit kong mga pinsang si Karen at Alyssa.
Kakapasok lang nila ng shop at may dalang mga groceries. Namili na naman siguro sila.
Madami din kasing napunta dito sa shop nina Mama at Papa. Sikat din kasi to. The best kasi ang luto ni Papa at Mama.
Naupo yung dalawa sa tapat ng bangkuan ko.
"Kuya Pep, aalis ka na daw. Hindi pa nga tayo nakakapag-bonding e." -Karen
"Busy kasi."
"Sus. Busy daw. Nangchichicks ka lang naman!" -Alyssa
"Haha. Ikaw talaga, ang mga iniisip mo. Alam nyo namang may girlfriend na ako."
Tumango lang sila at nagkwentuhan pa kami. Namiss ko din sila, wala kasi akong time na makipagbonding sa kanila dahil yung trabaho ko din na pagiging gangster ay parang pagiging stalker. Kailangang bantayan yung mga yun.
"Kayo talagang dalawa. Pakikipagchismisan ang alam nyong gawin. Dalhin nyo muna sa kusina yang mga pinamili nyo." Sabi ni Mama at inilapag na ang noodles sa lamesa.
"Thank you, Ma."
"Anong thank you? Babayaran mo yan!"
"Haha. Sabi ko nga po."
Umalis na si Mama at yung dalawa kong makulit na mga pinsan.
Kinain ko na lang yung noodles.
Naalala ko na naman yung time na dinala ko si Yellow dito. Ako pa ang nagluto para sa kanya. Sigurado akong hindi na mauulit yun.
Sa Korea kasi, sya ang nagluluto para sakin.
Naalala ko na naman ang mukha ni Yellow nung umiiyak sya.
Teka, ano to?
Bakit sa mata ko nalabas yung pawis?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na talaga ako. Bakit kasi kailangang mangyari ang mga yun? May parte sakin na nagsasabi na dapat akong magstay pero may parte din na nagsasabi na kailangan ko din syang balikan.
Anong gagawin ko?
# # # # # # #
You must read this readers. :)
AN:
Yeah. Dahil nagsuffer ako sa brain hemorrhage. Nagbago na naman ang ideas ko. Hahaha! Some parts are connected in the book 1 (I FELL IN LOVE WITH YELLOW) BUT there are MANY CHANGES. :) Enjoy reading! >:)
Plug ko din stories na gawa ng kapatid ko. XDD
The Crossdresser (HUNHAN COUPLE FF) = WitheringInnocence
Dreaming = WitheringInnocence
Freshman Year = WitheringInnocence
Noodles = WitheringInnocence
Smile Chanyeol = WitheringInnocence
Yun lang.
HAHAHAHA! XD
BINABASA MO ANG
Moment Of Color [ I fell in love with yellow. Book 2. Revised. ]
Любовные романыMoment of Color * Manage New season to prove.... New season to share experiences.... New season to love.... = = = = = = = = Alin ba ang mas matimbang? Ang relasyon na nagsisimula pa lang o ang relasyon na matagal na?