Moment Three
Pep's POV
Nakarating na ako ng Korea at hinihintay na ako ng baby ko sa may arrival area.
"Baby! Waaah! I so miss you!" Sabi nya nung makita nya ako at niyapos ako kaagad. Ganun din naman ako. Niyapos ko sya.
"Baby, nagugutom ako. Did you cook something special for me?"
"Oo naman. Kaya tara na sa bahay!"
Sumakay na ako sa kotse ko. Yun pala ang ginamit nyang kotse papunta dito. Sobrang namiss ko din tong sasakyan ko.
Halatang masayang-masaya sya na makita ako. Kung ano-ano din ang kinukwento nya tungkol sa mga ginawa nya nung wala ako. Buti naman at may pinaglibangan sya dahil kapag nandito ako, hindi sya nahiwalay sakin at parating nakadikit.
Modelo din sya gaya ko. Dahil sya ang official girlfriend ko kaya most ng photoshoot at movies kami ang magkasama. Mas lumalaki kasi ang kita ng kumpanya dahil ang dami naming tagahanga. Kahit alam nilang hindi naman kami Koreans, sinusuportahan pa din nila kami at sobrang nakakatuwa yun.
"Baby, binantayan ka ba ni Richard nung wala ako?"
"Oo baby! At alam mo, nakakabugnot yung mga araw na yun. Panira sya."
"Sya lang kasi makakapagtiwalaan kong magbantay sayo."
Sa totoo lang, plano ko talaga yun. Baka sakaling mahulog ang loob nya kay Richard para ibreak nya ako. Ang sama ko na ba? Wala naman akong choice e. Tsaka si Richard may gusto na sa kanya matagal na.
"I know baby. Pero alam mo naman na kaya ko na ang sarili ko, hindi ba?"
"Yeah."
"Baby, you don't sound so convinced! HMP!"
"You're acting childish again. Haha! Kaya hindi kita maiwan ng hindi ko alam kung sino ang kasama mo."
Alam kong nainis sya dun sa sinabi ko pero totoo naman kasi. Nag-aalala lang ako sa kanya. Nanahimik na sya dun at nagsalpak ng earphones nya. Mamaya mawawala din ang tampo nyan. Kulang lang yan sa tulog.
Pagkarating namin sa bahay. Nauna syang pumasok sa loob. Haaay, magpapasuyo na naman yun. Ipinababa ko na yung mga gamit ko sa katulong namin at sinundan ko sya sa loob.
"Uy dre. Andito ka na pala. Welcome back! Anong problema ni Sheena? Tinotopak na naman ba?"
"Oo e. Magpapasuyo na naman. Pagod pa naman ako."
"Haha! Goodluck na lang dre. Sige, mauuna na ako. May gagawin pa ako sa opisina."
Tumango na lang ako at tinapik yung likod nya. Isa pa yung ungas na yun na nagtatago ng nararamdaman e. Ayaw nya lang sigurong makita kung paano ko susuyuin si Sheena.
Narinig kong may nagsalpak ng malakas ng pinto. Talaga yung babaeng yun!
Umakyat ako sa taas at pumunta kaagad sa kwarto nya. Hindi naman kasi nakalock yung pinto. Nakita ko sya dun sa kama nya at nanonood ng TV.
Naglakad ako palapit pero hindi nya ako pinansin.
Humiga ako sa kalapit nya.
"Baby, matutulog muna ako ha? Pagod talaga ako. Mamaya magdadate tayo."
"HMP!"
Niyapos ko sya sa may tyan nya pero inalis nya.
"Baby naman. Babawi naman ako sayo e. Sige na. Gusto ko lang magpahinga. Kahit saglit na oras lang."
"Dun ka sa kwarto mo matulog."
"Ayaw ko nga. Namiss ko baby ko e." Sabi ko.
Niyapos ko sya sa may tyan nya. Inub-ob ko yung ulo ko sa may leeg nya. Pilit nyang inaalis pero hinihigpitan ko lalo.
"Hindi ka makakawala sakin kaya wag mo ng pilitin." Sabi ko sa kanya at ipinatong yung paa ko dun sa mga binti nya.
"Baby naman kasi."
"Magiging busy na ako bukas kasi naghahapit yung manager ko kaya ngayong araw mo lang ako masosolo."
"Kainis naman! Kararating mo lang tapos busy ka na kaagad."
"Kaya nga. Pero baby, kailangan ko talagang matulog ngayon. Ang sakit kasi ng ulo ko."
Yung kanang kamay nya ay ginamit nya para imassage yung ulo ko. At dahil don, nakatulog na ako.
Yellow's POV
Wala na sya siguro.. Ang tanga ko naman kase para magpadala sa kanya. And also I think last night was the best moment we made.
I should move on kahit mahirap pero minahal ko talaga sya kahit sa sandaling panahon na yun. Siguro dahil sya lang ang lalaking nakalapit sakin ng ganun kaya nahulog ang loob ko sa kanya.
Alam ko ding nag-aalala sina Mommy at ang mga kapatid ko. First heart break ko din kasi ito.
Hanggang ngayon tinitignan ko yung tuhod ko na ginamot nya. Sana ang emosyonal na sakit na nararamdaman ay parang sugat din na mabilis mawala at magamot.
"Yellow?"
"Pasok Mom."
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman po Mom. Haha! Ano po bang klaseng tanong yan?"
"I'm sorry. I knew it all along. About him and Sheena yet I let him and you fall for each other."
"Mommy naman, hindi nyo po kasalanan yun. Tao din po kami, nagmamahal at nagkakamali. Wag nyo nga pong sisihin yung sarili nyo. Ayos lang po talaga ako."
Niyakap lang ako ni Mommy. Alam kong wala akong karapatang magalit kay Mommy dahil ginawa nya lang lahat para sa ikakabuti namin kahit hindi ko sila tunay na magulang o pamilya. I shouldn't blame them for such simple thing. Ang relasyon namin ay mas malalim pa kesa sa pinagsamahan namin ni Pep.
" Mommy, seryoso. Ayos lang ako. Wag mo na nga akong problemahin. Nakakamatay na kasi yung titig ni Daddy e."
Kanina pa nakatayo si Daddy dun sa may pintuan ng kwarto ko. Pati ba naman ako pagseselosan ni Daddy? ToT Buti pa sila nahanap na nila yung true love nila.
"Hoy! Pati ba naman anak natin pagseselosan mo? Alam mo namang may pinagdadaanan sya!" Sigaw ni Mommy kay Daddy.
Nagsenyas naman sakin ni Daddy na paalisin ko na daw si Mommy. Haha! Talagang hindi ko alam kung paano sila nakakatagal ng ganito. Ngayon mag-aaway bukas ang sweet naman. Mahal talaga siguro nila ang isa't isa kaya hindi nila maiwanan. Kaya nagseselos din ako. Sana makahanap ako ng kagaya ni Daddy.
"Mommy, okay lang ako. Sige na po, puntahan nyo na si Daddy baka ako ang mapag-initan e."
Kiniss ni Mommy yung forehead ko at pumunta na kay Daddy. Binatukan pa nga ni Mommy e. Hahaha! Buti pa sila kahit ganyan, masaya.
Ako kaya kelan sasaya?
AN (OP):
Ano yan Pep ha? XD Baka langgamin kayo nyan! XDD Kawawa naman si Mahal mo! XDD
AN (PEP):
*speechless*
BINABASA MO ANG
Moment Of Color [ I fell in love with yellow. Book 2. Revised. ]
RomanceMoment of Color * Manage New season to prove.... New season to share experiences.... New season to love.... = = = = = = = = Alin ba ang mas matimbang? Ang relasyon na nagsisimula pa lang o ang relasyon na matagal na?