Moment Two
Pep's POV
Ngayon ang huling araw ko dito sa Pilipinas kaya nagdaos ako ng despedida at inimbitahan ko din sila Jay at Hae pati ang pamilya nila. Tumawag sakin si Jay at sinabing hindi sila makakapunta at naiintindihan ko din naman yun. Alam ko naman din kasalanan ko yung mahulog sa kanya at wag dapat isisi ang lahat kay Jay. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakilala ko si Yellow.
"Tol, hindi ba sila dadating?" -Jack
"Wag ng umasa." Sagot ko.
" Sayang naman. Akala ko pa naman makikita ko si Orange ngayon kung pupunta ako dito sa despedida mo!"
Binatukan ko si Jack dahil sa sinabi nya. Talagang pumunta lang dito kasi nagbabakasakali na makita yung hinahangaan nyang si Orange? Ang alam ko din kasi, hindi lang ako ang nahulog ang loob sa kanila pati din sina Pol, Jack at Zac. Sa totoo lang kasi, mababait at magaganda sila kaya malabong hindi kami mahulog sa karisma nila. Sa aming apat, ako lang naman ang may commitment.
"Talaga bang gusto mong bumalik?"
"Ano ba namang tanong yan Jackoy! Oo naman."
"Alam mong hindi mo maitatago sakin yang ganyang asal mo. Wala ka lang choice dahil ayaw mong sirain yung pangakong bintawan mo."
"Siguro nga pero wala na akong magagawa. Hindi ko sya pwedeng basta basta iwan na lang."
"Kahit alam mong hindi ka naman masaya?"
Tama si Jack, pero wala na akong magagawa. Ayokong gumaya sa mga lalaking bigla bigla na lang bibitawan ang mga pangako nila. Wala naman akong choice. Alam kong ito lang yung makakabuti sa parehas naming partido.
Kapag nagmamahal ka talaga, may masasaktan at magpapaubaya.
"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan? Kayong dalawa dyan ha! May nabubuong romansa!" -Pol
"Ulol. Igaya mo pa kami sayo!" -Jack
"Pumunta na kasi kayo dito." -Zac
Napangiti na lang ako. Mas mamimiss ko ang mga kalokohan naming apat. Matagal na naman akong mawawala at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. Siguro dapat ngang sulitin ko na ito. Habang kumpleto ang mga kaibigan ko ngayon at binibigyan ako ng isang masayang pamamaalam.
Nag-inuman. Nagkwentuhan. Nagkantahan. Nagtawanan.
Dito ko lang to nagagawa sa Pilipinas. Malabo na magawa ko pa ito sa Korea kaya naman sinusulit ko na.
Si Pol kumakanta habang sumasayaw ng nakakatawa. Kaya para syang comedian at entertainer samin ngayon dito. Kahit na chicboy pa yan, mahal namin yan dahil para na naming kapatid yan. Si Pol ay isang CEO ng isang magazine company.
Si Zac naman pinopormahan yung ibang mga bisita namin. Hindi nyo lang kasi alam, lahi kami ng magaganda at gwapo. Pangita naman hindi ba? ;) Tsaka si Zac ay sikat na modelo dito sa Pilipinas.
Si Jack naman pinagkakaguluhan ng mga babae dun sa lamesa nya. Kaya parang hindi ko ito despedida. Sila lang ang nag-eenjoy sa mga sarili nila. Kawawang Jackoy, palagi na lang pinaliligiran ng mga babae kaya hindi magkasyota kasi delikado yung buhay nung girlfriend.
Habang ako ay nakikipagkwentuhan lang sa makulit kong mga pinsan na si Alyssa at Karen may biglang tumawag sa cellphone ko. Nag-excuse ako at pumunta sa backyard garden namin. Maingay masyado sa loob.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.
Sabi ko na nga ba at sya yung tumatawag.
("Hey baby, I miss you. I can't wait to see you tomorrow.")
"I miss you, too baby. Bakit gising ka pa? Anong oras na a?"
("Excited kasi ako kaya hindi ako makatulog. Hindi ka ba excited na makita ako baby?")
"Excited din naman ako. Sobrang namimiss na nga kita. Nag-eenjoy lang kasi ako sa farewell party dito sa bahay."
("Baby, wag kang masyadong iinom ng alak ha? It is bad for you. Take care of yourself.")
"Yes baby. You should rest. Baka hindi mo ko masundo nyan sa airport."
("Okay baby. I love you. Sleep ka na din ha? Good night. See me in your dreams.")
"Goodnight baby. I love you, too. Bye."
Hmmm.. Hindi lang ako sa kanya nagsisinungaling, pati na din sa sarili ko. Siguro aantayin ko na lang na sya mismo ang magsawa sakin pero hindi ko naman gagawin yun ng sinasadya. I will be the same Pep that she knew. I love her pero hindi yung love na dapat sa mga lovers, hindi yun ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang gusto ko lang syang protektahan dahil may pagkachildish sya. Papanindigan ko na talaga to.
Bumalik ako sa loob ng bahay at nakita ko naman sila na bagsak na. Kaya pala wala na akong naririnig dun sa bakuran namin na ingay.
Lumabas ako sa front gate namin. At tumingin lang sa langit. Ang daming bituin ngayon..
"Ahhhh! Aray! Ang sakit."
May babaeng nadapa sa hindi naman kalayuan. Kaya nilapitan ko at tutulungan ko.
"Yellow? Anong ginagawa mo dito?"
Hindi sya sumagot at pilit syang tumatayo pero hindi nya magawa dahil dun sa pagkakadapa nya.
"Yellow, may sugat ka o."
Hahawakan ko sana yung sugat nya pero tinabig nya lang.
"Ayos lang ako." Sabi nya at naglakad na ng iika ika.
"Yellow naman. Hindi mo naman kailangang itago yung sakit! Alam ko naman."
Hindi nya lang ako pinansin at dare-daretso lang sya sa paglalakad.
Wala na akong nagawa. Ayoko namang umuwi sya ng ganyan tsaka anong oras na baka mapano pa sya.
Kinalong ko na lang sya ng parang isang sako ng bigas pero wala syang reaksyon. Naririnig ko ding humihikbi sya. Umiiyak na naman sya, gawa ko. Hindi nya alam na mas nasasaktan ako kapag nakikita ko syang ganyan parang ayaw ko tuloy syang iwan ng ganyan.
Dumaretso ako sa pinakamalapit na covenience store at dun ko na lang gagamutin yung sugat nya. Magulo kasi sa bahay. Makalat pa.
Iniupo ko sya dun sa isa sa mga bangkuan at tinignan ko sya. Blanko ang expression nya.
Bumili ako ng alcohol, bulak at band-aids.
"Gagamutin ko sugat mo. Sabihin mo kung masyadong mahapdi."
Habang ginagamot ko yung sugat nya. Wala lang syang reaksyon. Nakayuko lang sya. Ayan yung ayaw ko sa kanya, yung pinipilit nyang itago yung nararamdaman nya kahit obvious naman. Magkaparehas nga silang dalawa.
Nilagyan ko na ng band-aid yung sugat nya.
"Ayan. Tapos na. Tara na. Iuuwi na kita sa inyo."
Tumalikod ako sa kanya at lumuhod.
"Piggy back ride. Tara na."
"Hindi mo naman kailangang gawin yan. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sige na Yellow. This may be the last time we will be together. Please! I want this last moment to be unforgettable."
Ako na mismo ang nagsakay sa kanya sa likod ko. Pero hindi sya nakakapit sa balikat ko.
"Humawak ka sa balikat ko baka malaglag ka."
Imbis na kumapit sya sa balikat ko. Niyapos nya ako sa may leeg.
Siguro hahayaan ko na lang na ganito. Wala naman kasing magbabago. Nasa akin naman talaga ang problema. Sinaktan ko sya at hindi na magbabago yun.
AN (OP VERSION) :
Madrama ba? Haha. Pagbigyan nyo na minsan lang yan. Pero kawawang Yellow. Si Pep kasi!
Oy! Comment. Vote. Fan. Appreciated yun. Haha! Magpaparamdam din pag may time. ;)
AN (PEP VERSION):
Yellow, patawad! Pero salamat at dumating ka...
![](https://img.wattpad.com/cover/5521377-288-k188924.jpg)
BINABASA MO ANG
Moment Of Color [ I fell in love with yellow. Book 2. Revised. ]
RomanceMoment of Color * Manage New season to prove.... New season to share experiences.... New season to love.... = = = = = = = = Alin ba ang mas matimbang? Ang relasyon na nagsisimula pa lang o ang relasyon na matagal na?