[ D E R E E N ' S P O V ]
"Maayos na ba ang pakiramdam niyo?" mahinahong pangangamusta sa amin ni Axel habang lahat kami'y nakaupo dito sa may malaking carpet na pula.
Nakalabas na kami mula sa ospital at kasalukuyan kaming tumutuloy sa bahay nina Fiacre para makapagsagawa na ng madaliang plano para malutas ang problema namin tungkol sa Onyx Council. Dapat kina Rennei kami makikituloy kaso nasabi niya sa amin na naghihinala na si Marc sa amin at nasabi niya rin sa amin na huwag namin maliitin ang kakayahan ni Marc sa pag-iimbestiga dahil tinatago lamang nito ang tunay niyang kakayahan.
Mga mag-aapat na buwan na nang makalabas kami kaya naman ngayon lang din kami nagawang mabisita ni Axel. Hindi naman niya kami pwedeng dalawin sa ospital dahil naroroon ang lahat ng heads at sina Alex. At isa pa, lunggaan iyon ng mga Mafia Dela Vega reapers. Mabilis siyang madedetect kung papasok siya sa gusali.
"Maayos na kami. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagpigil sa Onyx Council." sagot ko sa kanya. Napatahimik na naman ang paligid at napunta ang mga mata namin sa mga litrato at mga papeles na nakakalat sa carpet. Ito ang lahat ng nakalap naming impormasyon na may kaugnayan sa council. Matapos ang apat na buwan na pagsasaliksik, na sa amin na ang mga dokumento na kakailanganin namin para mas makilala pa namin sila.
Habang masusi naming sinusuri ang bawat isa ay siya namang pagpasok ni Rennei rito sa kwarto. Bakas ang pagkairita at pagkabanas sa mukha niya at sa bigat ng mga yapak niya. Halos mahulog na rin namin ang mga hawak namin dahil sa gulat buhat ng malakas niyang pagsasara ng pintuan. Agad naman kaming nagkatinginan nang dahil sa inaasta ni Rennei.
"What's the problem?" I asked with my brows meeting at the center.
Hindi siya nagsalita ng kahit ano at umupo na lang ng bara bara sa tabi ko. Oo, may pagkacold at emotionless ang isang ito pero madalang lang namin siyang makita na sobrang inis ang itsura.
"That council. I remember now kung ano ang mga huling narinig ko sa mga nang-ambush sa atin." tila naghihimutok niyang sabi. Habang nagsasalita siya ay para siyang isang toro na galit na galit at nilalabasan ng usok sa ilong nang dahil sa pagtitimpi.
"What is it? Naaalala ko 'yung mga araw na lagi kang mina-migraine ng dahil lang sa pag-alala mo diyan. Buti nga hindi ka nasiraan ng ulo." Fiacre mumbled. She then took her phone out all of a sudden. Siguro para makaiwas man kung ano sasabihin ni Rennei kung sakaling mapikon ito sa sinabi niya.
"Dalawang tao sila at sa tingin ko, mga tauhan sila ng judge. Pinadala sila para patahimikin tayo. Ayaw nilang mabunyag natin ang lihim nila o ang mga balak nila." seryosong saad niya.
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)
Mystery / Thriller[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but it only signifies that death is just only the beginning of everything. Alexandria Cromello-Vantress...