Chapter 23 - Azalea

60.5K 2.3K 545
                                    


[ M A R C ' S  P O V ] 




"Alex ..." isa ko pang huling naibulong nang unti unting lumulubog sa pagkatulala sa pigura ng babae ang mga kasamahan ko. Hindi ko nga alam pero para bang tumigil ang oras at nasa iisang lugar lang ang kinapapakuan ng mga tingin namin. 



Nananaginip ba ako? Siya na nga ba ang nasa harapan namin? Siya na nga ba talaga si Alex? Buhay ba talaga siya? Itong nakatayo sa harapan namin, si Alex ito hindi ba? Siya ito, hindi ba? Halos gusto ko na magpakurot o magpasampal. Gusto kong malaman kung nananaginip ba ako o tulala lang ako para magising naman ako at maitarak ko ulit sa utak ko na hindi maaaring mabuhay ang isang patay. Pero masama ba ang umasa? Hindi naman di ba? Nanginginig na pumorma ng kamao ang kamay ko habang iniisip ang mga tanong na ito. 



Gusto ko siyang mabuhay ulit kahit imposible. Hindi dahil sa may nararamdaman pa ako para sa kanya kung hindi dahil sa gusto kong maibalik ang dati. Oo, hindi maganda ang namumuhay sa mga nakaraang memorya pero lahat ng iyon ay mga kayamanan na gusto kong baunin hanggang sa pagtanda. Gusto ko na masulit lahat ng pagkakataon na nasayang naming mga magkakaibigan noon. 



Habang kaming magkakagrupo ay may mga kinakabahang puso, ang mga tauhan ng Clan of Light at ng babaeng tinawag namin sa ngalan na 'Alex' ay pawang nakakunot ang mga noo at bahagyang nakabukas ang mga bibig. Tila ba may sinabi kaming salita na pandayuhan. Pero ang pinagtataka namin at nagpamaang sa amin ay nang ilang sandali ay bigla na lamang napahalakhak ang isa sa mga matatanda. Sa kanya naman napunta ang mga tingin namin at atensyon. Hinihintay ang pagtigil ng kanyang tawa nang marinig ang rason nito. 



"Hahahaha, huwag niyong sabihin sa amin na inaakala niyong siya ang kaibigan niyong namatay?!" tila pangungutya niya. Hindi naman niya kami masisisi kung ganoon nga dahil ang babaeng nandirito ngayon, imposibleng hindi siya si Alex. Hugis ng mukha, buhok, basta! Siyang siya! 



Bago pa kami magkaroon ng pagtatalo ay nauna nang tumayo si Polaris at kinalampag ang mahabang lamesa upang makuha ang atensyon at katahimikan ng lahat. Kahit na ba ang matatanda ay nayanig at napaayos ng postura. "First up, people, she is not Alex. Her name is Azalea." Polaris said as she introduce the lady. Hindi muna kumibo at nananatili lang sa paghihintay sa mga salitang sasabihin niya. 



"Actually, we found her in a river about forty years or forty-five years ago. She is injured, some parts of her body were burnt, she has wounds too, and blood on her everywhere. We tried to save her and fortunately, we were able to save her life. But the thing is, she can't remember anything about herself. That is why we called her Azalea. It means dry earth. Before, we suspected her as a victim of Onyx Blood Disease but those infected people of that disease should not be able to bring any of their traumas from their life before they got washed. Washed as in brainwashed. No memories. Pero ang babaeng ito, makikitaan mo siya ng sobrang takot kapag nakakakita ng malaking apoy. Hindi kami sigurado pero posibleng bago namin siya nakita ay may kinasangkutan siyang aksidente kung saan may sunog o malaking pagsabog." pagkekwento niya kung paano niya nakilala ang babae. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon