[ S K Y ' S P O V ]
"Alexandria, ayos ka lang ba talaga sa ganito?" pauna kong tanong sa kanya nang daluhan ko siya sa pag-upo sa picnic cloth na inilatag nila rito nina Alexei sa lilim ng pinakamalaking puno rito. Sina Alexei naman ay abalang nakikipaglaro sa iba pang mga reapers, yaya, at kay Finn.
Abang hinimas himas naman niya tiyan na lutang na lutang na ang pagkalaki at pagkabilog nito. Ayon sa doktor ay kabuwanan na niya kaya nararapat nang maghanda para sa panganganak niya anytime. Nakangiti lang siya habang pinapanood ang mga bata na naglalaro. "Anong ganito?" tanong niya nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
Bakit ba hindi ka laging nagsasabi sa amin, Alex? Bakit ba ang dami mo pa ring bagay na tinatago sa amin? At talagang natutuwa ka pa na i-sikreto ito. "'Yung ang dami mo pa ring bagay na linilihim sa amin." pagtutuloy ko. Abang narinig ko naman ang isang impit na hagikgik mula sa kanya at saka niya ako nilingon nang may nang-aasar sa porma pa lamang ng kanyang labi.
"Tulad ng?" she teases. Napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap din minsan kausap ng isang 'to. Palibhasa siya lang ang nakakaalam. Napailing iling na lang ako at akmang tatayo na upang umalis dahil nga mukhang wala naman na akong mapapala at mapipigang sagot sa kanya nang ...
"Alam mo, wala ka namang dapat ipagduda eh. Sapat na ang kung ano ang nalalaman niyo. At iyon ay mahal na mahal ko kayong lahat. Pati na rin itong batang nasa sinapupunan ko ngayon. Ipangako mo sa akin na poprotektahan mo ang mga anak ko ah? Hindi ako sigurado kung sa anong mangyayari balang araw pero gusto ko na handa ako kapag nangyari iyon. Oo nga pala, 'yung paborito kong libro ... 'yung itim 'yung cover, huwag mong kalilimutan na ipasa 'yun kay Alexei sa 16th birthday niya ah? Kakailanganin niya iyon pagdating ng panahon. May mahalagang bagay na dala ang librong iyon ... please, Kuya Sky."
Hindi na ako nakapagsalita pa at muli na lang siyang sinulyapan. Bigla na lang bumugso ang malakas na hangin na siyang nakapagpatangay ng suot niyang sumbrero at sa ilang hibla ng kanyang buhok. May kung anong malungkot na ngiti sa kanya na hindi ko mawari kung para saan. Kuya? Doon ko lang naalala na 'yun ang nag-iisang beses na muli niya akong tinawag na kuya matapos ang ilang taon. At iyon rin ang huling beses na narinig ko iyon ...
"Sky! Sky! Dammit, wake up!" dinig kong tawag sa akin pero parang ayaw sumang-ayon ng mga mata ko at nananatili pa rin itong nakasara. Pabalik na ang diwa ko sa pagkakatulog nang makaramdam ako ng sobrang lamig sa buong katawan ko.
"Fuck! Shit! Ano ba?! Ang lamig!" nabulalas ko na lang nang mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kung anong malambot na bagay. Agad na sumambulat sa akin ang ilang pamilyar na mukha na para bang hindi ko makilala dahil sa pagkabangag ko. Lahat sila nakapalibot sa akin at may mukha na puno ng pag-aalala sa kanilang mga mukha habang ako'y pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)
Mystery / Thriller[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but it only signifies that death is just only the beginning of everything. Alexandria Cromello-Vantress...