Chapter 13 : Truth

74.1K 2.3K 287
                                    


[ S P A D E ' S P O V ]




"Hey, Liam, what's your dream?" pambasag ni Alex sa katahimikang bumabalot sa buong paligid. Parehas kaming nakahiga sa hood ng kotse ko at prenteng nakatingin sa magandang kalangitan ngayong gabi. Litaw na litaw ang napakaraming bituin ngayon. Para silang mga nagkukumaripas na mga tauhan upang magbigay pugay sa nakakabighaning babae na nasa tabi ko.



Napatingin naman ako sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa taas. She has this sparkly pair of eyes that keeps me attracted to her. I can't believe I fell in love with the same woman twice. "My dream? Bakit mo naman natanong?" I asked.



"Wala lang. Naisip ko lang, kung hindi natin ulit nakita ang isa't isa, ano na kayang mangyayari sa atin? Magiging masungit at suplado ka pa rin ba?" She replied, still watching for those little stars.



Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sinong masungit at suplado? "Hindi ko alam. Pero sa tingin ko kung talagang para tayo sa isa't isa, magtatagpo at magtatagpo pa rin ang landas nating dalawa." I mumbled.



Bigla naman niyang inilipat ang tingin niya sa akin. "I can't believe you said that. Ang una kong nakilalang Spade Vantress ay mayabang at ma-pride. Hindi ko lubos maisip na sasabihan niya ang mga bagay na iyon ngayon sa mismong harap ko pa." tila nagpipigil na tawa niyang pahayag.



Bakit? Sobra bang nag-iba ang ugali ko? Tumahimik lang naman ako at naging layo sa maraming tao simula nang mawala si Kirsten noon. Mas nakapokus kasi ang utak ko noon sa paghahanap sa kanya kaya hindi ko nabibigyan ng buong pansin ang mga taong nasa paligid ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi ko na naaappreciate 'yung mga bagay na ginagawa nila para sa akin. Sadyang naging malaking impact lang sa akin ang pagkawala ni Kirsten sa buhay ko at ang massacre na nangyarin noon sa villa namin.



"That's because I found you once again, Kirsten. Hindi mo alam kung gaano ako nagulantang nang isiwalat sa amin ni Uncle Johan ang lahat ng nangyari pagkawala ng kotse namin sa paningin mo. Sinisi ko ang sarili ko ng sobra. Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita." I answered sincerely. Muli akong tumingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin. Tila ba nagkakausap lang ng pasimple ang mga mata namin ng walang kahit anong kapaliwanagan.



"We look so weird right now. You're throwing some cheesy lines that I couldn't take." she said while extending her hand so that she can touch my face. Hinayaan ko lang na hawakan niya ang iba't ibang parte ng mukha ko habang nakapikit ako. Pinakiramdaman ko lang ang malambot niyang palad na dumadampi sa malamig kong mukha.



"But, Spade, do you believe in miracles?" she asked again. I'm starting to wonder why she keeps on asking unusual questions.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon