Chapter 38 : Here

71.6K 2.2K 606
                                    


[ A L E X E I ' S  P O V ] 



"Lintik na 'yan! Hindi kasi kayo nag-iisip! Mga utak ibon! Ang tatanga niyo naman! Natakasan pa kayo! Anong silbi pa ng secret hide out na ito ha?" kasalukuyang nanggagalaiti sa galit at inis si Uncle Sean sa lahat ng mga tauhan niya ngayon dahil sa nangyaring pagpasok ng mga tagasunod ng Mafia Dela Vega rito sa kuta ng konseho. Walang humpay ang pagbanggit niya ng mga mapanakit na salita nang sa gayon ay magtanda ang mga taong nasasadlak ngayon sa kasalanan ng pagpapabaya. Kapwa pinapahirapan sila gamit ang dahas na siyang ipapataw rin ng kanilang mga kauri. 



Samantalang kami naman ay pawang nasa gilid lamang ng bulwagan at abang pinapanood lamang ang pagpapahirap na isinasagawa. Si Finn naman ay abala sa pagtakip ng mga tenga at mga mata ni Valor nang sa gayon ay hindi niya masilayan at marinig ang mga ganitong klase ng kalupitan. I really can't believe that this is the Uncle Sean that I admired and idolized. Is this what he really is? But my mom trusted him more than any of her reapers. How could he? 



Actually, the men from my Uncle Alexander told the three of us to go with them but we refused. Even Valor agreed that we must stay here with dad no matter what happens. Because that's what family is. Staying beside them through thick and thin. Alexandria Cromello may have left a reminder to dad to protect us but she also told us to protect our dad. And as her children, we won't take our promise as a simple joke. 



"Fiacre!" narinig kong tila pag-aalala ni Aunt Dereen na siyang ikinalingon naming dalawa ni Finn sa kanan namin kung saan nakapwesto sina auntie. 



"Ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba? Sabihin mo lang." Uncle Alexis asked, panicking along with the other former heads. Nakaupo sa sahig at agad na yinakap ni Aunt Dereen, iyan ang unang eksenang nakita namin nang kami'y lumingon. Para bang kahit anong oras ay maaari nang mawalan ng malay ang asawa ni Uncle Sky. Agad naman akong napapunta sa pwesto niya at tumulong sa pag-alalay sa kanya. 



Aunt Fiacre, please be strong. I know and I am sure that the help we are waiting for is coming near. Not maybe later but soon. Uncle Skyzzer will not be able to take it if he saw you in this kind of condition. You still have twins to raise! "Auntie, please hold on. Dadating ang tulong. Sigurado po ako diyan. Kahit hindi sina Uncle Xander at Uncle Sky, pero alam ko may dadating para tulungan tayo. Ako na lang ang kukuha ng pwesto mo kapag pinilit nilang ibigay pa rin sa'yo ang mga hampas ng latigo na iyon. Magpahinga po muna kayo." pagpapakalma ko sa kanya dahil patuloy ang mabibigay niyang mga paghinga habang pinagpapawisan ng malamig. Halos hindi na nga siya makadilat sa sobrang hirap at sakit yata ng nararamdaman sa pisikal na katawan. 



"Dapat kasi ay sumama ka na noong ginawa nila ang pagtatakas. Hindi 'yung nahihirapan ka ngayon dito Fiacre. Alam mo namang kahit malakas ka, may limitasyon pa rin kung hanggang saan ang kakayanin ng katawan mo." bakas ang pangangamba ngunit hindi mawawala ang maliit na pangangaral ni Aunt Courtney. Tama si Aunt Courtney. She should've gone with the our men to save herself. I can see how Aunt Fiacre is already suffering from all the torture. And I am aware that even Aunt Dereen is already on the verge of breaking down due to the stress, emotional pain, physical torture, and such. My mom's friends are all suffering but I can't do anything for them. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon