Chapter 1: Jio, the player

58 3 1
                                    

*Cinderella Goes Real?!*

Chapter 1:

"Kuya Jio!! Tara na! Mag start na tayo in an hour!!" sabay hila sa kamay ko. Ano ba naman to eh nag eenjoy pa ko!

 (a/n: Jio's picture at the side ----> at the Multimedia part)

"Ano ka ba naman Rie! Mag antay ka nga. One hour pa naman. Nakikita mo ba nag eenjoy pa ko!" sabay piglas sa hawak nya at upo sa gitna ng mga babae ko.

"Oppa.. Aalis ka na?!" lambing ng isang babae sakin dito sa bar.

"Hindi.. Hayaan mo sya dyan.. Ikaw Rie! Maupo ka nga muna dyan!"

"Aish! Kuya naman oh! Malelate tayo! Magpeperform tayo ngayon!" ang kulit talaga netong batang to!

"Mauna ka na! Naaatat ka na eh!" sabay balik sa paglalandi sa mga babae ko.

This is my life.

Night life.

Ladies.

Money.

Fame.

And I have the greatest life.

By the way, I'm Jio, member ako ng grupong DAZZLE, apat kami sa grupo at ikinalulungkot kong sabihin na kagrupo ko tong totoy na nasa harap ko, si Rie. Sya yung pinakabata.

"Hay nako! Bahala ka na nga dyan!" sabay tayo ng loko. Masyado kasing nag aalala di nya ba alam di mag uumpisa ang palabas ng wala ako!

More than half of our fans kaya, ako ang bias!

"Oppa.. Inom ka pa oh!" alok sakin

"Cheersss!!" sigaw ko.

*ring ring*

"Oppa may tumatawag.." sabay abot sakin ng cellphone ko ng babae ko sa kanan ko.

"Oh hello?" sagot ko

"HOY JIO! ASAN KA BA!!? PUMUNTA KA NA DITO DALIAN MO!!" si manager nag ngingit ngit na naman..

"Easy lang kayo Hyung (Kuya).."

"ANONG EASY! DALIAN MO KUNG HINDI I BA BAN KITANG MAG PARTY!" hindi naman halatang galit talaga sya hindi ba?

Napangisi nalang ako.

"Ok. Papunta na." kahit di naman ako natatakot sa banta nya. kukulitin kasi ako ng kukulitin nun.

"Oh pano girls!! Alis na ko! Bye!" sabay halik sa dalawang babaeng katabi ko.

"Oppa.. Number mo?" sabay abot sakin ng phone nya.

Tinignan ko lang ang phone nya at ngumiti. Sabay talikod.

Ano ko baliw? Laruan ko lang sila.

Pampalipas oras.

Naniwala na naman ba silang may pag asa sila sakin?

Tch. Asaness!

----***

"Nakainom ka na naman!!!" sabay pingot sakin ni manager jang.

"Aray ko!! Ikaw tanda ka. Andito na nga ko nu pa ba pinagpuputok ng buchi mo dyan!!" ginawa naman akong bata neto makapingot to si tanda!

"Dalian mo! Mag bihis ka na! Kapag ikaw nag kalat ka mamaya!!!" sabay bitaw sa pagpipingot sakin.

"Natatakot ako! HAHAHAHA!!" sabay alis at pasok sa dressing room ko.

Si Rie, andito na pala. Andito nadin sila Ron. Wala lang yung leader namin, nagpunta kasing America for photoshoot ng isang sikat na sapatos.

"Hyung.. Kinukunsumi mo na naman si Manager!" sabi ni Ron.

"Matanda na kasi. Heh."

"Ewan ko sayo hyung.. Aantayin mo pang mamatay sa kunsumisyon si Manager bago ka magtino?" sabi ni Rie. Tong totoy na to!

"Eh. Bakit anak nya ba ko para mangunsumi sya?!" hay nako bahala sila! Bat kasi nila ko pinapakeelaman. Sus! As if naman buhay nila to.

****

After 20 minutes, tapos na ko mag ayos at magpa ayos.

At, in 10 minutes next na kami magpeperform.

Mag peperform kasi kami ngayon sa isang Music Awards at mahigit 3000 na tao ang nasa stadium ngayon.

I'll make sure they will drool and fantasize when I perform. MWAHAHAHA.

Ipeperform namin ngayon yung latest single namin na, 'Oh My Princess' no. 1 to sa hit charts. Syempre kami kumanta eh.

"Stand by na kayo.." sabi ng isang Staff

"Galingan natin guys!" sabi ni ron. Kelangan pa ba sabihin yun?

"You dont need to mention that!" sabay ngisi ko.

After 2 minutes, sumabak na kami.

As usual, tilian ang mga tao. Kahit kulang kami. Hindi nakaapekto yun para ma move ang crowd.

I told you guys. I have my own fans club.

Halos mayanig na ang buong stadium. Talbog na yung ibang grupo samin.

Kahit yung mga girl group na nakaupo sa harap ng stage nakikita kong kinikilig din eh.

Iba talaga kami. Lalo na ko! Hahaha.

Sumasabay din ang crowd sa pag kanta namin.

"Oh my princess. Will I be your prince? I'm hypnotized by your beautiful face.."

Eto na yung part na may lalabas na babae para sa production namin. At ako yung susuyo at luluhod sa harap ng babae.

"Oh my princess... Will you be mine forever?..." sabay bukas ng ilaw sa madilim na part ng stage..

Isang babaeng naka gown ang nandun.

Napatingin ako kina Rie.

Bakas din sa mata nila ang pagkagulat..

Cinderella Goes Real: Glass Slippers to StilletosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon